Part 38

296 2 0
                                    


 "IKAW AT AKO AY WALA NA"

by: jay ar lapuz (original)
07-06-18

mahal nung una kang makita alam na alam ko na,
sa sobrang advance ko mag isip alam ko na magiging akin ka.
hindi nga ako nagka mali at naging tayong dalawa,
tayo na walang iba, tayo na laging masaya.

laging magkasama saan man mag punta,
hinding hindi nawawalan ng oras sa isat isa.
hindi lang maka text pag naka uwi na ikaw na ay nag aalala,
ganun tayong dalawa hindi nawawalan ng kumunikasyon kahit nasa bahay na.

ang storya nating dalawa ay parang pang forever na,
parang sa movie na may happy ending talaga.
sa tagal ng panahon na ating pagsasama,
kampante na ako na hinding hindi kana maaagaw sa akin ng iba.

pero sa di inaasahang pagkakataon
biglang nag bago ang sitwasyon, sinubok tayo ng panahon,
nanibago ako sayo dahil hindi ka nagparamdam buong maghapon.
tila pag trato mo sa akin ay biglang nag iba,
hindi ko alam kung bakit nagkaganyan ka.

kaya nag usap tayong dalawa mata sa mata,
tinanong kita "mahal, anong problema? bakit bigla kang nag iba?"
sumagot ka "wala! okay lang ako."
isang sagot na tila may itinatago ka.
kinalimutan ko nalang ang mga nakikita ko at hinayaan nalang kita,
baka gusto mo munang mapag isa ng makapag isip isip ka.

pero sa mga sumunod na araw, linggo at buwan nag iba na talaga,
ang dating init habang kayakap ka ay napalitan ng lamig na hindi ko inaakala.
sabi ko "mahal! ano ng nangyayari sa ating dalawa? bakit nanlalamig kana?
nalalamig kaba dahil may iba na? o sadyang ayaw mo na sa akin kaya nagkakaganyan ka?
pakiusap mahal! sumagot ka!

mas pinili mong manahimik kesa sagutin ang mga tanong ko,
nalilito ako dahil hindi naman ako nag kulang sayo.
ibinigay ko naman ang lahat na kung anong meron ako.
bakit biglang nanlamig ka at ganito ang ipinaparamdam mo.

isang araw kinausap mo ako at sinabi kung ano ang totoo,
na may mahal kanang iba at matagal mo na itong itinatago,
napatulala nalang ako sa mga sinabi mo,
katawan ay uminit, nanlamig, hindi makahinga parang tumigil sa pag daloy ang dugo ko sa mga narinig ko.

para akong mamatay sa sakit ng inamin mo,
hindi ko lubos maisip na ang mga mata ko ay luluha ng husto dahil sayo.
ano ba ang meron sya at ipinag palit mo ako?
bakit hindi mo inisip ang mga pinag daanan natin bago ka nag hanap ng iba pamalit ko.

mahal, winasak mo ako pero bubuohin ko ang sarili ko,
papatunayan na kaya ko kahit wala ng tayo.
ang tayo na dating masaya na nasira dahil sa kanya,
dating tayo na ikaw at ako ay wala na.
pagmamahalan na pang forever na sana
pero inagaw sa akin ng iba.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon