Part 54

186 0 0
                                    


"PIKIT MATA"
ni Binibining Renpord

Ang tulang ito ay para sa mga taong umaasa
Umaasa na sana mag-iiba ang kanilang istorya
Umaasa na sana ito na ang pinakahinihiling nila
Umaasa na sana hindi magtatapos ang kanilang kuwento sa pagtatapos ng salitang tayo
Umaasa na sana hindi sakit, paghihiwalay at pagkawasak ang takbo ng kanilang kuwento

Magsisimula ang tulang ito sa pag-PIKIT MATA ko
Kasabay ng pagpikit ng aking mata ang unti-unting pag-silay ng mga ngiti sa aking labi
Mga matatamis na ngiti na sumisimbolo sa pagkakaiba ng ating kuwento sa mga kadalasang kuwentong ating naririnig
Naniniwala ako na hindi sakit, paghihinagpis at pagtatapos ang kasukdulan ng ating istorya

Naaaninaw ko sa aking balintataw ang iyong mainit na yakap sa ilalim ng sinag ng araw na nagparamdam sa akin ng kapayapaan
Puso ko'y natutunaw sa tuwing naririnig ko mula sa iyo ang mga salitang MAHAL KITA
Ako'y labis na kinikilig sa iyong mga ipinapadama at ipinapakita na sadyang ako'y iyong tunay na minamahal
Naaaninag ko ang mga sandaling tayong dalawa ay naghababulan sa gitna ng maraming tao na parang aso't pusa
Kasabay ng mga ala-alang iyon ang mga luhang unti-unti bumabagsak sa aking mga mata kasabay ang matinding sakit na nadarama

At sa puntong iyon, ang mga mata ko'y unti-unti kong idinidilat
Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ang panlalabo ng salitang TAYO
Mahal akala ko ba naiiba ang ating istorya sa karaniwang mga istorya
Mahal akala ko ba hindi ang sakit at mga luha ang masisilayan ko sa pagtatapos ng istoryang ito
Subalit mahal, akala ko lamang ba ang lahat ng ito?

Sa ating paghahabulan ako'y umaasang iyong babalikan at sasalubungin ng mainit na yakap at halik
Subalit ako'y nabigo sapagkat kasama sa paglalaro natin ng habul-habulan ang larong tagu-taguan na kung saan kailanman ay hindi ka na nagpakitang muli sa akin
Hinanap kita kung saan-saan at ako'y umaasang iyong babalikan subalit ako'y nabigo ng hindi kita nahanap at hindi mo ako binalikan
At nalaman ko na lamang na ikaw pala'y nakabuntis at ikakasal na sa susunod na buwan at doon nagtatapos ang kuwento sa pagitan nating dalawa
Akala ko ba ang kuwentong ito'y naiiba subalit akala ko lang pala dahil ako'y iyong ipinagpalit sa iba.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon