Chapter III: 360°

219 8 11
                                    

Chapter III

Humiga ako sa kama. Namamanhid ang mga katawan, ni hindi ko na kaya pang imulat ang mga mata ko. Di ko na nakaya pang magbihis. Naalala ko, dalawa kami ni mitch sa kamang to. Iginalaw ko ang kamay ko sa dapat sanang pwesto ni mitch nuon.. ang lamig… walang mitch na nakahiga, o kahit bakas man lang niya..wala..iniwan na niya ko? After all ng mga ginawa ko? I did everything… everything to the extent that I forgot who I am. Basta ang alam ko mahal ko siya… I will do everything para magustuhan niya ko..kahit pa sabihing nasa magkabilang dulo kami ng mundo, nagawa kong paglapitin yun para lang sa kanya.

02-jun-2008

4th year highschool

Pasukan nanaman…sa wakas.. isang taon nalang ang matatapos ko na ang highschool. May natanggap na rin akong sulat galing ng UP na nakapasa ako sa scholarship nila, bale hindi ko na proproblemahin pa ang pagkolehiyo.

“ads!” bati sakin ni lester

“oh! Pre! Kamusta ang bakasyon?” – ako

“ok lang, pano bayan 4th year na tayo konti nalang pre! Haha” tawa ni les

“oo nga e. hindi ko na rin mahintay yan” sagot ko naman habang naglalakad kami papuntang school

“hmm..tatakbo kaba ulit na chairman ng student council? Pang apat na taon mo na kung tatakbo ka, sigurado naman akong mananalo ka e!” – les

“hmmm..tatlong taon ko nang ginagawa yan..hindi ako sigurado e, tignan natin.”

Oo nga, tatlong taon nakong chairman ng student council at ng kung ano ano pang organisasyon sa school. Di ko nga alam kung pano ko napagsasabay sabay yun e, at di ko rin alam kung bakit ganun nalang yung tiwala nilang lahat sakin.

Pagdating naming sa eskwela ay nakasalubong ko ang principal ng school.

“hi Adrian, how are you, keep up the good work and for sure you’ll be this year’s valedictorian” sabi ng principal na si miss amy

“uhmm..hindi naman po siguro..” hiyang sabi ko naman

“of course miss! He will be this year’s valedictorian, walang makakatalo dyan kay ads!” tudyo naman ni les

binigyan ko sya ng “abnormal-ka-ba look” at napatawa lang ang nasabing principal

“Nga pala adrian, you will be having a new classmate, medyo marami narin ang school na napasukan niya at kung di lang ako pinakiusapan ng parents niya, I won’t accept her sa school nato. So I thought if I’ll put her sa section niyo, maybe you can look out for her and somehow change her. Sige na, I gotta go you do well okay Mr. Adrian? At ikaw Mr. Perez, be good huh?” at umalis na si Miss Amy.

“her?her?” babae tol!may bago tayung classmate na babae! Lord! Sana naman maganda please? Nang matabunan na yung mga pangit na mukha sa school na to!” drama ni les

“ang gwapo mo pre e no? halika na baka malate pa tayo nito e” sabi ko naman  

Little did I know na ang babaeng yun pala ang makakapagpabago ng buhay ko.. a complete turn around. 360°.

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon