“Hi, Im Michelle Garcia”
“Wow! Dininig ng Diyos yung dalangin ko Ads!” – les
Di ko sya pinansin. May kung ano kay Michelle at napatitig ako sa kanya. Tama nga si Lester. Mahabang buhok na itim na itim, lampas iyon sa balikat niya, medyo kumukulot sa dulo, bagay na bagay ito sa napakaputi at kinis niyang kutis. Bakit ba parang nagiiba ang kulay ng mga mata niya? Sandali, parang ewan, itim?brown?di ko mapaliwanag! Matangos ang kanyang ilong, ang labi niya..mala-rosas ang kulay…ang sarap..ang sarap…halikan?
“Ang ganda niya..” bulong ko sa sarili.
“oo pre, yun din sabi ko diba?”pang aasar naman ni lester.
“Any hobbies Ms. Garcia?” tanong ng guro namin
“None” matipid na sagot ni Michelle
Bumalik ako sa pagbabasa ng libro. Narinig ko nalang ang teacher namin na “alright then, take the vacant seat beside Miss Ariane.”
Sumagot si Michelle “Hmmm.. Can I seat beside him?” narinig kong sabi niya
“Oh syet! Gusto niya kong katabi!!” parang ewan na kinikilig si lester.
“I want to seat beside the guy with the weird glasses on” pagkasabi ni Michelle nun ay agad akong napaisip..”Teka… ako lang ang nakasalamin samin ah!?”
Hindi nga ako nagkamali, pagtingin ko kay michelle ay sakin sya nakatingin. Pati narin ang buong klase namin. Hindi ko alam kung anong itsura ko nung mga panahong yun. Namumula? Nangingitim? Mukhang..ewan?
“Mr. Gonzales, our new student wants to seat beside you, would that be fine?” sabi ng aming guro
Napaisip ako..Tatanggi paba ko?!
“Ahm.y-yes sir.. Lester will be more than happy to sit beside Ariane anyway.” Sagot ko nalang at tumingin bigla kay lester “Right?”
“Wow ah! Ano ka?” inis na sagot naman ni lester
Binigyan ko sya ng “WHAT?-KILOS-NA!” look
“Fine! You will treat me for this Adrian!Argh”
“okay” sabi ko sa sarili. Minamasdan ko si Michelle na lumakad papunta sakin..oo papunta sakin.. pero syet. Ano to? Kinakabahan ako?
“lab-dab..lab-dab..lab-dab” may sinasabi yung teacher naming pero di ko na marinig
“lab-dab…lab-dab…lab-dab” ayan na si michelle..malapit na.. bakit parang ang tagal niya?
Hinila ni Michelle ang upuan at tumingin sakin…”Hi!” sabay bigay ng napakatamis na ngiti.
Okay…bakit parang ang init ata?
“lab-dab…lab-dab..” sh*t na sound effects yan! Wala nakong marinig!
“H-hi..upo kana michelle” sabi ko nalang
“Please.. just call me mitch.alright?”
“ahm…of course”
Pagkatapos ng insidenteng yun sobrang tahimik na. Nagiingay ang buong klase pero parang antahimik. Hindi kasi nagsasalita si mitch e. at yung bwisit na sound effects na yun, antagal bago nawala. Minsan bumabalik balik pa.WTH? Sige na! Aamin nako! 4th year na ako, pero ni minsan hindi ako nagkaGF, baka dahil sa “weird-glasses-on” ko, pero hindi naman to ganun kaweird e. marami nagkakacrush? Meron naman. Pero sinet ko na yung goal ko sa sarili ko na pagaaral muna. Mahirap magGF, wala pa kong trabaho e. Dahil nga hindi pako nagkakagirl friend, asa ka namang may first kiss nako diba? O holding hands? O date? Huwag niyu kong ipressure! Okay lang talaga sakin.
“hoy Adrian! Lunch na! you’ll treat me, right?” si lester sa likod ko
“huh? Sinong nagsabi?”
“ako! Diba kaya mo nga naka---“ sigaw niya naman.. Napakadaldal talaga ng ungas nato?! Tumayo nako at hinila siya sa kwelyo “Ang ingay mo! Tara na!”
“uhm guys, pwede bakong sumabay sa inyo? Bago lang kasi ako dito and wala akong kakilala..si Adrian palang” sabi ni mitch na nasa likod na pala namin
Bakit parang ang lambing nung sinabi niyang “Adrian palang..”o guni guni ko lang yun?
“lab-dub…lab-dub…lab”syet na puso to. Lagi nalang kinakabahan??
“sino ba naman kami para tumanggi? Tara na!” sabi naman ni lester
Pagdating naming sa cafeteria, halos lahat ng lalaki nakatingin samin. Ah, si mitch pala yung tinitignan nila. Yung isa nakangisi pa na parang aso! Tinignan ko sya ng masama, akala ko lalaban pa ng titigan e.. buti naman at sumuko rin! Sira ulong yun, kung makatingin kay mitch e..”teka…anong ginawa ko?”
![](https://img.wattpad.com/cover/1574167-288-k214915.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomanceHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.