Chapter XVI: "ANG LIIT!"

140 2 4
                                    

Chapter XVI

02-December-2008

“magkaibigan…magkaibigan ads…”

“okayyyyy…epic fail naman!” sa isip ko. May magkaibigan bang ganito? Okay ayokong magassume pero san naman ako lulugar? Ayaw niya ba ng commitment?

“kung tatlong linggo akong nakatulog, anung petsa na ngayon?”

“ikalawang araw ng huling buwan ng taon….”sagot niya naman

Ahhh…so..ikalawa ay 2?huling buwan ng taon….December..DECEMBER????

“huh?!”bigla akong nagulat.

“December 2 ngayon?”

“oo nga, kailangan ba ng mahabang paliwanagan?” – mitch

“birthday ko kaya nung 20!”

“alam ko… I mean, alam namin, syempre dito na kami nagcelebrate. Kung gusto mo makita yung mga pictures na kay tita.”

“tita?”

“sa nanay mo!ano ba yan adrian!kukuha muna akong noodles, nagugutom ako sayo e!” biglang tumayo si mitch.

“tita?”napangiti ako… “hmmm… mukhang maraming nangyari nung nakatulog ako ah!”

Bumalik si mitch na may hawak na cup noodles. Umupo sa upuan sa tabi ng kama ko.. “Gusto mo?”

“ummhmm” nginuso ko ang braso kong may dextrose…

Umupo siya sa may gilid na kama at akmang susubuan ako…

“sweet talaga ng prinsesa ko” sa isip ko.

“oh!” sabay subo ng noodles sakin

“ah-ah..ohh!!!”putek naman o! minsan lang magiging sweet!

“ang arte!” – mitch

“ang init kaya! hindi man lang hinipan!”sabay nguso ko…

“ang arte mo!”

Hinablot niya yung ulo ko… tama, yun yung tamang term.. makahila kasi e! hinawakan niya yung pisngi ko sobrang higpit ngumuso tuloy ako ng wala sa oras…

“whoooooooo” dahan dahan niyang hinipan yung labi ko… at sa hindi mabilang na pagkakataon, para akong tuod na nakatingin nanaman sa kanya…

*awkward silence*

“tsss!” bigla niya kong sinampal. Hindi naman sinampal, hmmm… tinulak niya yung mukha ko palayo.

“alam mo..hindi pa ko magaling… kakagising ko lang o!”

“matulog kana ulit… daming arte!” – mitch

05-December-2008

Matapos ang ilang araw ng xray,ct scan, assessment, injections simula nung magising ako e, pinayagan narin kami ng doktor na umuwi. Syempre… si superman ata to kaya mabilis pinalabas!

Bago ako pumasok ng kotse, tinignan ko ulit yung ospital…

“tsss…tatlong linggo ako dito?andami ko sigurong namiss..”

“nakavideo lahat ng nangyari habang tulog ka…”si mitch

“huh?”

“sumakay kana ng kotse… panuorin mo yung video na kinunan namin nung natutulog ka…”

Tumango nalang ako… Sumabay naring umuwi samin si Mitch. Pinasabay kasi siya ni nanay. Bale, si tatay nagdridrive, front seat si nanay at kaming dalawa naman ni mitch yung nasa likod.

“samin kana kumain hija..” nanay

“hindi na po… uuwi na rin po ako..”

“I insist” si tatay sa kanyang napakapowerful na boses…

Napansin kong ngumuso si Mitch, saka ngumiti… “sige na nga po”

Ito naba ang simula ng happily ever after ko??amp parang bading lang! Tumingin ako sa bintana… tingin tingin sa view… habang gumagapang yung kaliwang kamay ko…

“asan na yun??” sa isip ko habang pasimpleng nakatingin sa bintana…

“anong kinakapa mo diyan?” – mitch sa kanyang pinakapambasag na tono…tss!

Napatingin si nanay… Naabutan niyang nasa gitna namin ni mitch ang mga kamay ko… yung kamay ni mitch nasa mga hita niya pala.

Napangiti si nanay..hindi.. tinawanan niya ko… supportive no??tsss

“wala!” sabay bawi ng kamay ko… tsss ang malas lang??!

Lumipas ang ilang mga sandali…

“amin na nga!” nagulat ako ng biglang kinuha ni Mitch yung mga kamay ko… hinawakan niya… ang saya ko lang… I mean I don’t wanna bother kung anong posisyon ko sa buhay niya… I don’t wanna assume or whatsoever… Dito palang masaya na ako…

Pagdating na pagdating namin sa bahay…

“wow…ang laki ng bahay niyo adrian.. ang yaman niyo pala?”

“ngeks? bumubulate ka nanaman ahh.. tara na.. so sa kwarto ko ba tayo?” – ako

“ASA!”

Di rin nagtagal tinawag na kami ni nanay para kumain…

“hija..kain na tayo..pinaluto ko yung paborito mong pagkain.. kaldereta right?”

“thank you tita!” sabay angkla kay nanay

“err!nay!! yung totoo.. sino bang anak mo?” buti pa yung paboritong pagkain ni Mitch alam niya! Pero ayos lang… at least in good terms sila!

“alam mo naman anak na gusto ko ng anak na babae diba? Dati nga binibihisan kita ng mga damit na pambabae!” kwento ni nanay habang nakain.. Lumaki ang mata ni Mitch.

“Nayy!” sigaw ko.. amp kahit kailan.. diko na nga maalala yun e!

“kaya pala lampa ka!haha” panunukso ni Mitch.

“Lampa??lampa ka dyan!”

Masayang natapos ang tanghalian namin… ang daldal ni nanay.. lahat na ata kinuwento e.

“hija!anak,” - nanay

“ANAKKK??”

0___o – ako

^^, -- mitch

“tignan mo yung pictures ni adrian nung bata pa siya…” dala dala ni nanay yung maraming photo album namin.

“tulungan ko na po kayo” – mitch

“bakit kailangan mo pang ilabas yan?” – ako

Unang buklat palang ng unang album ni Mitch e maluha luha na siya sa kakatawa… Hindi mapigil e.. nakahawak pa talaga sa tiyan niya… Nang tingnan ko kung anong picture yon…

‘WHAT D FUQ?!”

Seryoso, gusto kong magevaporate nalang bigla sa kinatatayuan ko… para akong natataeng ewan… ang nakita niya? Yung picture ko nung 8years old ako na pinalakihan ni nanay…. Yun lang?? nakahubad to sa garahe.. nakahubad..tapos nakanguso at nakapamewang – proud eh??

“wahaha!! ANG LIIT!” – Mitch

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon