Chapter IX
“mitch!” lumabas na ako ng music hall, “syet! Hapon na pala?! Ang bilis ng oras?”sabi ko sa sarili.
*KRUUUUU
“tiyan ko yun?amp! di pa pala ako kumakain simula pa kanina. Asan na ba si Mitch?” agad akong bumalik ng classroom para tignan kung andun siya. “wala na yung bag niya dito. Grabe lang si lester di man lang dinala yung bag ko? Kahit kalian talaga!tsk” inis kong kinuha ang bag ko at umalis. “naprincipal na nga, gutom na, pagod, di pa narinig yung importanteng sinabi ni mitch, nagwalkout pa sya at hindi ko siya kasama!ang MALAASSS!!ANO PA PO??”drama ko habang palabas ng eskwelahan. Well tolerable naman yung mga nangyari sakin pwera yung huling dalawa.
“sumama kana sakin kasi.. kagaya ng dati.” dinig kong sabi ng isang boses ng lalaki.
“ito na ang huli, jeff. Hindi mo na pwedeng gawin ulit to sakin” dinig kong sabi ng babae.”sus” sa isip ko. Teka, syet.. parang pamilyar na boses yun ah.. boses na gustong gusto ng tainga ko ang tunog. Sumilip ako mula sa di kalayuan.
“shet, si mitch nga. Sino yung kausap niya? Boyfriend niya? Mukhang di gagawa ng mabuti ah!” sa isip ko. Okay mukhang goons talaga yung kausap ni mitch. Nakashades, naka leather jacket, maitim, may pandigmang mukha at nakapony tail na buhok. – “naka pony tail??pft!” pigil kong tawa.hindi naman sa sinisiraan ko siya huh, hehe.
“anong huli na to?!HA-HA. Pinapatawa mo naman ako mitch, nung nakaraan lang e, ikaw ang nagmamakaawang sumama sakin. Tandaan mo, hindi kapa bayad.” – sabi nung lalaking may pandigmang mukha.
“jeff..please.” sabi ni mitch at saka sumakay na rin sa motor ng lalaki.
“sino yun? Bakit naman sasama si mitch dun sa ungas na yun?teka. susundan ko siya.. hindi… mali, baka gusto rin ni mitch, di naman siya sasama kung ayaw niya e.”
Gulong gulo ang utak ko nun, hindi ko na pinansin ang gutom ko. Gusto ko siyang sundan na parang ayaw ko. Napagpasyahan kong umuwi nalang at magbuklat ng libro na matagal ko na ring hindi nagagawa.
“isosceles triangle is…san kaya sila nagpunta? Ano kayang ginagawa nila?” isip ko pagkabasa ng unang tatlong salita sa inaaral ko.
“is a triangle with at least two equal…boyfriend kaya ni mitch yung mukhang kulugo na yun? Bakit siya sumama?”
“the name is from…ahy lintek ayoko ng magbasa. Itetext ko si mitch!”
“Hi mitch, bakit ka umalis?”
Itatanong ko sana kung nasaan siya, kaya lang parang mapapel naman ata masyado.
Toot-toot..toot-toot*
“May naalala kasi akong dapat daanan. Sorii..:)”
Sender: My Life
Sent: 11:54PM
“ahh..ganun ba?kumain kanaba? Bahay kana?”
…at hindi na siya nagreply. Ganun naman yun e. kung hindi napakatagal magreply, hindi nagrereply. Pero ayos lang, baka hindi niya lang talaga nachecheck yung cellphone niya. Nakatulog ako sa kakaisip kung sino nga ba ang lalaking yun. Hindi ako makapaghintay na pumasok para itanong kay mitch kung sino na nga ba yun.
25-Sept-2008
“kabalyero! Matagal na tayong di nagkakasama ah!” akbay sakin nil ester habang papasok sa eskwelahan.
“les! Taena mo! Bakit hindi mo naman kinuha yung bag ko kahapon?!”
“aba, malay ko ba kung saan kayu nagdate ng prinsesa mo, ano? May nangyari naba? Swerte mo loko!”
“nangyari agad? Abnormal ka talaga. Wala. Naglinis kami ng music hall. Tas nakita ko siya sumama sa lalaking nakamotor kahapon.” Nung naalala ko yun, bumalik yung apprehension at anxiety na naramdaman ko.
“oh, sumama lang kung ano ano na kaagad naiisip mo? Bakit di mo siya tanungin?” – les
“hay..wala pa siya o, siguro mamaya” sabi ko habang binababa ko ang gamit ko sa upuan. Nagsimula na ang klase.
“Im sorry Im late.”
“again..take your seat Miss Garcia” Napatingin ako nung sinabi yun ng teacher namin. Tumingin sakin si mitch at ngumiti bago umupo. Binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti. Ewan ko ba, hindi naman ako galit. Pero, ayaw ko lang siyang makitang kasama ng iba.
“galit ka?” bulong sakin ni mitch, parang naging malungkot ang kanyang mga mata.
“huh? Hindi. Bakit naman ako magagalit mitch? Kumain kana? May dala akong cake!”
“talaga?”
Nilabas ko sa bag ko ang binili kong cake para kay mitch. Ito kasi ang ika-90 na araw mula ng marealize kong mahal ko siya.
“wowww! Anung meron?” tanong niya
“wala naman. Kain kana. Huwag ka nalang magpahalata baka makita ka ni Miss.”
“oo nga. Ayokong humingi yan! Akin lang to e..saka sayo..”sabay ngiti na mas matamis pa sa chocolate cake ko.
Tuwing lunch ay umaakyat kami sa library, hindi para magbasa kundi ay matulog o kaya naman ay magkwentuhan. Meron kaming hiding place dun para di kami makita ng masungit na librarian.
“mitch, nakita kita kahapon, sino yung kasama mo?” tanong ko sa kanya habng bumubuklat ng mga magazine sa library.
“saan?”tanong naman niya
“sa labas ng school. Sumakay ka sa motor. Sino yun?”Nahalata kong parang nagulat at namutla si mitch. “Ahhh, si jeff. Ha-ha”pekeng tawa niya. “Huwag mo nang intindihin yun. Family friend.”
“ganun ba?saan nama---“
“ahh, ads, tutulog na ko huh. Wala nanaman akong tulog e. pasandal.” Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko. Kahit kailan ay hindi ko rin naitanong kung bakit lagi nalang siyang puyat. Mahalaga pa bayun? Ano ang mahalaga? Ito: nakasandal siya sakin, natutulog. Dama ko ang bawat paghinga niya. Amoy ko ang bango ng mga buhok niya.lab-dub..lab-dub.. ay tae, baka marinig niya ang sound effects ko!
“Mitch, Mahal…mahal..kita..” sabi ko habang hinihimas ko ang kanyang ulo.
“huh?” -- mitch
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomanceHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.