Chapter VI
Nagmamadali akong umuwi samin. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang kailangan kong makita ang cellphone ko.
“andito nako!” sigaw ko nang marating ko ang pintuan namin.”syett na sapatos to..ang hirap alisin! Arrh!ayun” reklamo ko, dahil sa pagmamadali ko hindi ko na nagawang tanggalin pa ang medyas ko at dirediretso sa kwarto ko.
“oh anak, may meryenda na dyan sa lamesa, aalis lang kami ng tatay mo, para asikasuhin ang business natin sa Tagaytay. Hindi kami makakauwi ngayong gabi huh” harang sakin ng aking nanay.
“okay.” Sagot ko nalang. Ewan ko ba.. parang hindi talaga ako lumaking lapit sa kanila. Palagi silang wala at may inaasikasong kung ano ano… Business, trabaho, trabahador, kamag-anak, namatay na kamag-anak, namatay na kongresista.. ahh ewan! At ang masaklap pa nito, hindi man lang nila ako binigyan ng kapatid?! So palaging ako lang talaga mag isa. Kaya naman binuhos ko na ang lahat ng oras ko sa pagaaral. At isa pa, ayoko na ring umasa sa kanila. Kaya ko rin pinasyang magapply ng scholarship sa UP.
“syett.. Asan ba yung cellphone na yon?” sa isip ko. Halos baliktarin ko na lahat ng librong nasa kwarto ko.
“asan na ba?! Nay!! Nakita mo ba yung cellphone ko?” sigaw ko kay Nanay.
“oo. Andito sakin, e muntik nang malabahan ito ni Aling Seling e. Nakita sa marumihan. Talaga namang bata ka o!”
Kaya naman pala di ko na makita dito sa kwarto e. Agad kong kinuha iyon kay Nanay.
“lab-dub..lab-dub..lab-dub..” ito nanaman… asan ba yung number ni Mitch?
Okay. Paano ba? Ilang sandali ko munang tinitigan ang screen ng cellphone ko bago nagtype
“hi mitch, Ads here, please save my number. Thanks” ---- hindi..ang presko lang.
“hello po mitch! Ako si Adrian?!musta na po?” ---- ahh..parang bading!
“Mitch, Adrian to, nakauwi kanaba?” ---- masyado naman to! Paano ba???
“hi mitch. Si Adrian to. Musta?” ---- ayun?! Nadali ko!??
Send….sending…sendingggg……*toot*: CHECK OPERATOR SERVICES
“what the fuq??” tumigil ata ang mundo ko nun. Nakakainis lang db? Kumuha ako ng prepaid card ni nanay at nagload. “teka.. narinig kong sabi ng mga kaklase ko, my mga unlimited unlimited daw ang mga phone network e. Magunlimited na kaya ako? Kasi baka matagal tong usapan naming ni mitch e. pagkasend ko nun, tinignan ko ulit ang cellphone ko ng matagal. Nagiintay.. Nagiintay ng text galing kay Mitch.. Wala.. “ Baka busy..” sa isip ko.
Kagaya ng nakagawian, binuklat ko ang mga libro ko at nagbasa ng kung ano man ang nadiscuss ngayon at mga advance chapters. Ugali ko na rin kasing basahin ang mga topics na ididiscuss palang. Pero sa pagkakataong to, may nagbago… Nasa harapan ko ang cellphone ko. Wala pa atang isang paragraph ang nababasa ko e nakatingin na ulit ako sa telepono ko. Sinubukan kong sagutin ang mga assignment ko ng araw na yun. Pero wala rin, hindi ako makapagconcentrate ng maigi. Maya’t maya ang tingin ko sa cellphone ko… pero wala paring text galing kay mitch.
*toot-toot*
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.”syett si mitch na to!”
“lab-dub..lab-dub..lab-dub..”
Opening…opening…openinggg….: LESTER
FR: LESTER
“Pre, pakopya ng assignment natin sa algebra!:)”
Sent: 10:49pm
02-jun-2008
Mukhang tanga lang tong ungas nato. Napatingin ako sa oras at napansin ko na mag aalas onse na pala ng gabi. Wala paring reply si mitch. “Hindi na siguro magrereply yon. Hindi kaya mali tong number ko?” nalungkot ako, humiga narin ako matapos nun at tuluyan nang nakatulog.
Kinabukasan maaga akong nagising, hindi dahil excited akong pumasok. Ang totoo ay, excited akong mabasa ang text ni Mitch… Kung meron man.
“wala paring text?” napahinga nalang ako ng malalim. Sobra naman ata ang epekto sakin ni Mitch, nagkaganito na ako kaagad? Kahit na may katamlayan ako ng umagang iyon, inisip ko nalang na makikita ko ulit si mitch. May linyang gumuhit sa aking mukha. Napangiti ako.
Sa buong byahe ko papuntang school e wala akong ibang inisip kung hindi si mitch. Hindi ko na mahintay pa na makita ko siya ulit.. yung mabango niyang buhok, yung mga matatamis niyang ngiti.
Pagdating na pagdating ko ng classroom ay agad na iginala ko ang aking mga mata..”mitch…mitch..mitchhh..”. Wala pa sya.. Sabagay 15 minutes pa naman bago magsimula ang klase namin. Umupo na ko sa upuan ko. Tinitignan ang bakanteng upuan sa tabi ko. Dumating si lester.
“musta pare?” akmang uupo sa tabi ko. Pinigilan ko sya bago pa man niya madikitan ang upuan ng prinsesa ko.
“oy! Si mitch dyan!” sigaw ko sa kanya
“wala pa naman sya ah!?” – les
“kahit na. Bumalik kana sa upuan mo pre, malapit ng dumating si maam.”
“okay..okay..alagang alaga mo yang prinsesa mo huh.. hindi pa kayo oy!” tawa ni lester
“abnormal” sabi ko nalang.
**KRINGGGGGGGGG**
Isang mahabang tunog ng bell ang hudyat na simula na ang aming klase. Pero wala parin si mitch. Dumating na rin ang una naming guro para sa subject na English. Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin para sa attendance.
“Garcia?”
Walang sumasagot. Tahimik na tahimik.
“Michelle Garcia?” inulit na tanong ng aking guro.
“ahmm..” tumayo ako. “ on the way na po sya miss, medyo nagkaroon lang daw po ng emergency sa kanila.” Sabi ko. Agad akong nilingon ni lester at umiling.
“Ganoon ba Mr. Gonzales? Sige, naniniwala naman ako sayo, I’ll mark her excuse. Sige na anak, take your seat na.” malambing na sagot naman ng aking guro.
Naguilty ba ako?...hindi naman.. para kay mitch naman yun e. ano na kayang nangyari sa kanya?
“Sorry im late miss..”
Naputol ang pagkatunganga ko sa kawalan ng marinig ko ang boses na yun. Si Mitch nga. Tumingin ako sa oras. 45mins na siyang late. Ano kayang nangyari?
“it’s alright Ms. Garcia, Adrian already explained to me the reason why you’re late. You may take your seat.”
Nakita kong napuzzle ang mukha ni mitch, ako naman ay parang nahiya sa ginawa ko. Umupo siya sa tabi ko.”lab-dub…lab-dub..”
“bakit mo ginawa yun?” tanong niya sakin
Magiisip pa sana ako kung ano yung tinatanong niya pero narealized ko na yung pagtatakip ko sa kanya yun. Namula ako.
“wala naman.. alam ko naman kasing may dahilan e.. db?” sagot ko nalang at saka ko siya nginitian. Napangiti rin sya. Nakatali ang kanyang mga buhok ngayon. Pero ganun parin. Hindi parin nagbabago ang kagandahan niya. Parang mas lalo pa syang gumanda.
“inaantok ako!” bulong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomansaHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.