Chapter XVIII
“oo..ay oo nga pala..”
May nilabas siyang dalawang papel mula sa bulsa niya… dalawang rectangle na maliit na papel.
“ano yan?” – ako
“ticket..”
“ticket??”
“ay naman talaga adrian!o!” padabog niyang binigay sakin ang ticket daw na yun.
Binasa ko ang nakasulat dito..
“En..cha..Encha…Enchanted kingdomm…”
“ano to?” tanong ko
“bakit ka ganyan Ads? Mahirap bang unawain?”
Tss..napakayabang naman! Syempre alam kong ticket to.
“alam ko…anong gagawin natin?”
“pupunta tayo diyan!”
“dated today to.. may klase tayo..!”
“alam ko… syempre naisip ko nang gagawin dyan” – mitch
Kahit nasa klase na kami? Paano kami magkakaalis dito?
Biglang tumayo si Mitch, she put up a face like there’s something goin’ on.. Something BIGGG..
“Miss… si Adrian po… nahihilo, hindi daw po niya maigalaw yung mga kamay niya sa sakit…”
WHAT D FUQ…SERIOUSLY?
Biglang nagtinginan sakin yung mga kaklase ko pati yung teacher ko. Tumingin din sakin si Mitch… Nabasa ko ang nasa mga mata niya.. “ANONG TINITINGIN MO?UMARTE KAAA!!!!”
Umarte…ako??
Tumungo nalang ako bigla sa desk ko… E wala ng pagkakataon e!amp naman kasi..walang pasabi? Sa sobrang pagkabigla e nauntog pa ako pagtungo ko! buhay nga naman…
Narinig kong sumisigaw yung teacher namin na dalhin na sa clinic..blah..blah..
“hindi na po.. mas mabuting sa ospital na po siya dalhin..iuuwi ko po muna siya sa bahay nila, para po ipaalam sa mama niya” – mitch
Talaga naman? Hindi planado?natatawa nalang ako… hindi ko maitago yung ngiti ko, kasi nama—“ARAY”
Sinipa ako ni Mitch. Parang alam ko na kung anong gusto niyang gawin ko… Bumangon ako.
“uuwi nalang po ako Miss. Hindi ko pa po ata kaya e.”
“o sige sige… gusto mo bang ipahatid ka?”
“ako nalang po Miss. Para hindi narin po makaabala sa iba.” – Mitch
Lumabas na kami ni Mitch. Nang nasa labas na kami ng School.
“artista ka pala?” – ako
“kung artista ako, ano kapa?” biglang tumawa ng malakas si Mitch. “laughtrip yung pagkauntog mo!mas naging makatotohanan!”
Syet! Narinig niya? “ang yabang mo talaga! So san tayo sasakay?”
“sakay muna tayong pa manila, tapos sakay na tayong pa-laguna.”
“okay.”
“ayaw mo?”
“gusto..”
“good…wala karin namang choice e” – mitch
Amp nagtanong pa.
“teka, bakit mo nga pala naisipang magpunta dun ngayon?”
“e kasi naman rant ka ng rant na hindi mo nacelebrate yung birthday mo, kaya icecelebrate natin. Huwag mo nang alalahanin sina tita, pinaalam na kita”
“wow… plinano mo to no? gusto mo lang akong makadate e!” panunukso ko naman
“huwag nalang kaya?” – mitch
“joke lang..ito na yung bus o..sakay na!”
Akala ko magiging masaya ako sa biyahe namin.. ang kaso buong byaheng tulog naman si Mitch. Gumising lang nung bababa at sasakay kami pa-laguna, tapos natulog ulit. Nakasandal lang siya sa balikat niya.. so apparently, nagtratrabaho parin siya kay jeff… pero naisip niya paring ilabas ako ngayon. May baon din siyang damit namin ah.. planadong planado.
Hayy..ito nanaman… parang gusto ko nanamang ikadena ang oras. Ang bango ng buhok niya, ang lambot pa.. ang pwesto ay nasa may bintanang side siya, ako sa aisle ng bus. Medyo reclined yung upuan kaya masarap matulog talaga. Nakahilig yung ulo niya sa kanang balikat ko tapos yung kamay niya, nakahawak sakin… o yung kamay ko nakahawak sa kanya. Ewan basta ganun. Pinatong ko na rin yung ulo ko sa ulo niya..at mamaya maya pa ay…
“aray!” may kung anong tumama sa noo ko. pagdilat ko nasa mukha ko ang isang pink na cellphone… cellphone ni Mitch.
“antukin!gumising kana, malapit na tayo!” – mitch
“eh?ikaw ngang kanina pang tulog diyan e! tska hindi ako tulog, nakapikit lang!”
“ay ganun?e bakit may laway kapa sa pisngi?”
SERYOSO?
Pagkapa ko sa pisngi ko, amp meron nga… sa lahat ba naman ng makikita ni Mitch, ito pa talaga? Simplehan kong pinunasan yon na siya namang dahilan ng pagtawa niya.
“andito na tayo. Baba na!”
Pagpasok namin sa Enchanted Kingdom namangha ako.. ngayon lang kasi ako nakapunta dito.. hindi naman talaga ako mahilig sa amusement park diba?
“WOWWWW!!” nanlaki nanaman yung mata ni Mitch nung nakita niya yung roller coaster. Tinignan niya ko.
“nope… hindi ako sasakay diyan sa roller coaster na yan!”
“space shuttle!!your such a piker!”
Aba kakapanuod ko lang kaya ng Final Destination 3 kagabi, hindi nga ako nakatulog e. mamaya matulad pa ako sa pelikulang yun… No way..hindi.. never..hindi ako sasakay diyan talaga!
..
…
…..
“wahhhhhh!!!!tangene!ang taas naman dito!” – ako
“humawak ka sa kamay ko!” mitch
Naman kasi e. isang pacute lang ni Mitch, nabawi ko yung sinabi ko…pakiramdam ko talaga mamamatay na ako dahil dito, nakaligtas nga sa bugbog, dito naman..amp..
“ayan na…paakyat na…medyo mabagal, pero alam ko to e..biglang bibilis pababa..”sa isip ko… namumutla na ata ako e, si Mitch nakangiti lang..humigpit na yung hawak ko kay Mitch. Narating na namin ang dulo..
“Mitchhh!!!kung mamatay man ako…tandaan mong..tandaan mo na MAHAAAAAAAAAAAAAA------------“
Hindi ko na alam kung anong nangyari.. bumalik nalang yung diwa ko nung nakatigil na kami..TULALA. hinatak nako ni Mitch paalis sa abnormal na upuan na yon, ang sakit ng leeg ko..
“okay kalang?” - mitch
“yung..kaluluwa ko..”
“o?”
“naiwan ata!”
WUERKKKKKKKKKKK
“Kadiri ka!” sigaw ni Mitch habang natatawa.
E anong magagawa ko..nasuka na ko.. buti nga hindi sa kanya..AMBOBO mo adrian kahit kailan!
“itong tubig”
“i-ikaw kasi e. pinilit mo pa akong sumakay..”
WUERKKKKKKKKKKK
“hindi kita pinilit ahh!sabi ko kung ayaw mo, ako nalang diba?Mr. Weaky!”
Mr. Tiny tapos ngayon naman Mr. Weaky. Amp naman talaga…
Ang sakit ng ulo ko.. parang ewan lang.. nakita ko pa yung kinain ko kaninang umaga. Kadiri lang… naupo kami sa isang bench malapit sa space shuttle.
“halika na nga..”yaya ko sa kanya.. medyo okay na kasi ako e. sayang ang oras. Makakaisa rin ako sayo Michelle.
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomantizmHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.