Chapter XX
05-Jan-2009
After ilang araw ng sobrang pagkabore ko, natapos na ang christmas break. Alam niyo ibig sabihin nun? Magkikita na kami ni Mitch! Lagot sa kin yun.
Pagdating ko ng school, andun na siya. Mukhang maaga ata ah. Baka namiss din ako. Pero aarte muna ako.
Umupo ako sa upuan ko at tumungo.hindi ko siya pinansin. Ikaw ba naman diba?plinano ko pa naman yung gagawin namin nung bakasyon tapos ganito. “AWW” – sa isip ko.siniko ako ni Mitch.
“Musta bakasyon?” – Mitch
Tumango lang ako sa tanong niya. Musta bakasyon??kamustaaa???
“anong arte mo?”
“bakit di ka nagpaalam na pupunta ka sa Ilocos?”
Napatawa siya. Ehm. May nakakatawa ba sa sinabi ko? wala naman joke sa huli yun ah.
“e ano naman sayo? Dapat ba ipaalam ko yung lahat ng ginagawa ko sayo??”sabay tawa ulit.
ARAY.. thanks for reminding me na hindi nga pala tayo. Ang sakit, you don’t know where you stand. Lumabas muna ako ng room. Sabi ko dati. Okay na sakin yung ganito, pero bakit ganun?ganun ba talaga kapag sobrang mahal mo yung tao? You become so protective?
Nagulat ako nung biglang may yumakap sakin mula sa likod. Ang bango. – si Mitch.
“namiss kita”
Hindi parin ako nagsasalita.
“huwag kanang magtampo!”
Humarap ako sa kanya at binigay niya sakin yung isang paper bag. Pagtingin ko. T SHIRT.
“Someone I love went to Ilocos and bought me this shirt”
Wow. Tumakbo ako ng CR at sinuot yung dala niya. Binuksan ko rin yung polo ko para makita na yun yung damit ko sa loob. HAHA.
“bakit sinuot mo na, hindi pa yan nalalabhan.”
“okay lang!” – ako
11-Feb-2009
5:49pm
O syet, tatlong araw nalang valentines na! wala pakong naiisip na ireregalo kay Mitch. Ituloy ko nalang kaya yung plano kong kantahan siya? Hindi naman ako magaling kumanta.
BZZZTT..BZTTTT*
Nagulat ako nung nagvibrate yung cellphone ko sa may ulunan ko. nakatulog na pala ako sa pagiisip ng regalo.
From: My star
Regaluhan mo ako ng star sa valentines. J
Sent: 1:09AM
12/02/2009
STARR??? Anong star? Stufftoy na star? Damit? Notebook? Amp gusto ko paghihirapan ko. paano ko naman paghihirapan yung star?
6:00AM
Tumunog na yung alarm ko. six na kaagad? Hindi na ako nakatulog sa sobrang pagiisip kung anong ireregalo ko kay mitch. Hindi ba pwedeng bulaklak nalang? AMPPP.
Naglalakad akong parang zombie pababa ng bahay namin.
“anak, pakilabas mo nga tong mga bote ng wine” tawag sakin ni nanay. AMP naman pati paglabas ng bote, ako parin?? Lumapit ako sa mga bote ng wine. Ang gaganda ng bote, parang pwedeng idisplay.
“TING!”
Imbes na ilabas,pinasok kong lahat ang bote, tatlo lang naman sila sa kwarto ko. “mamaya kayo sakin” sa isip ko.
Absent si Mitch sa araw na to. Nawalan narin ako ng ganang pumasok kaya hindi ko na pinasukan yung panghapon na klase. Dumaan ako sa isang bookstore at bumili ng mga makukulay na papel. Yung pinakamahal. Syempre, ayaw ko namang maging cheap yung ireregalo ko sa kanya. She only deserves the best.
May dalawang isang araw nalang ako para gawin to. Hindi na ako pumasok kinabukasan. Tinext ako ni Mitch kung bakit ako umabsent, nagdahilan nalang akong sinama ako nila nanay sa batangas para sa family business, pero ang totoo nagkukulong ako sa kwarto para lng matapos yung regalo sa kanya.
14-February-2009
Ito na ang araw. Dinikitan ko ng mga band aid yung kamay ko, tae kasi, ang sakit nahihiwa sa papel.dami ko tuloy sugat sa kamay. ALL FOR MITCH! Grabe ah.
Inilgay ko sa isang magandang kahon yung mga bote and dumiretso na ng school.
Pagdating ko ng school, isa isang lumapit sakin yung mga girls para magbigay ng sulat nila, chocolates o ano pa man. Ang weird lang ng feeling. I mean ang weird parin ng feeling, kahit na apat na taon na nilang ginagawa to sakin.
Tamang tama, wala pa si Mitch. Inilagay ko yung box sa upuan niya. At lumabas para ilagay sa locker yung mga regalong natanggap ko.
Pagbalik ko ng room,nakatayo si mitch sa harap ng upuan niya. Bukas yung box. Seryosong seryoso yung mukha. Syet, parang hindi niya ata nagustuhan.
Lumapit ako at sinimulang magexplain.
“ano kase, wala kasi akong ma..maano..maisip, gusto ko kase ako..ako mismo yung gumawa..pasensya na kung di mo nagustuhan..bibili..bibili nalang ako..” amp naman..malay ko bang hindi niya magugustuhan. Humarap siya sakin.
“sira ka talaga!” pumatak yung luha niya at niyakap ako.. wow lang.
“ito yung pinakamagandang regalong natanggap ko.thank you.”
Biglang pinatugtog yung MY VALENTINE ..bilang valentines naman kaya okay lang. goosebumps yung kanta. Yung kanta o yung eksena namin ni Mitch. Basta kahit ano pa yan..ito na ata ang the best valentines ko.SO FAR.
“ito yung regalo ko o” –mitch
Wow. I did not expect that. Binuksan ko yung paper bag at tumambad sakin ang napakaraming…GLOW IN THE DARK NA STARS.
“idikit mo yan sa ceiling ng room mo ah. Para lagi akong andun.”
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
Roman d'amourHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.