Chapter XXI: GISING!

126 0 0
                                    

Chapter XXI

Nagmamadali akong umuwi ng bahay upang idikit ang mga regalo ni Mitch sakin. Para akong bata. Oo, parang bata. Isa isa kong idinikit ang mga stars sa kisame ng kwarto ko saka pinatay ang ilaw at humiga.

“Andami. Pakiramdam ko, nasa ilalim talaga ako ng langit.” Sa isip ko.

*I SEE BEAUTIFUL DAYS WITH YOU…I FEEL BEAUTIFUL DAYS OF LOVING YOU…**

Ringtone ko yan. Ito yung kinanta ni Mitch sakin remember, nagustuhan ko kaya ginawa kong ringtone.

Ako: musta?

Mitch: Nadikit mona?

Ako: Oo, tinitignan ko nga ngayon e. ang ganda.

Mitch: Nagustuhan mo?

Ako: OO naman.

Mitch: Good. Bye.

At binaba na niya yung cellphone. Ganun lang. hayyy.. kailan ba naman ako matututo? Napaisip ako. Malapit na pala ang  graduation. Ano bang balak ko? Ano bang balak ni Mitch?

Nakatulog na ako sa pagiisip non. Nakatulog na ako sa kakaisip kung saan ako magaaral o kung magaaral man ako. “Nagagawa kong magdesisyon noon, pero ngayon, kailangan ko pang malaman ang nasa isip mo.. hayy…”

03-April-2009

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na araw na pala ng pagtatapos namin ngayon. Marami ang nagbago. Marami ang nawala. Hindi ako ang valedicatorian ng aming klase, dissapointed lahat – guro, magulang ko, kaklase.. kahit si lester. Ni hindi nga ako pumasok sa top 10 e. Nawala ang scholarship ko sa UP. Ewan ko kung anong nangyari, di ko nanaman finollow up e. Nagbago ang pananaw ko sa mundo na hindi sa lahat ng oras kailangan mong magseryoso. Salamat kay Mitch.

I don’t care kung ano man ang mga nangyari. Choice ko ‘to. Walang dapat sisihin at wala rin akong pinagsisisihan. I  just realised that highschool is indeed the best part. Yun e, dahil kay Mitch na katabi ko ngayun sa upuan para sa graduation. Hindi naman talaga kami magkatabi, lumipat lang ako., hindi ko na kasi alam kung anong mangyayari after nito e. hinawakan niyang kamay ko.

“dapat ikaw ang valedictorian e. Dapat ikaw ang nagspeech ngayon. Kung hindi dahil sakin.”

“ano kaba Mitch, okay lang ako. Ayoko naman ng mga ganyan e, diba sabi ko sayo, sawa na ako sa mga ganyan.tama na..ngumiti kana..”

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti..tatawagin na ang pangalan ko…teka.. bakit may araw? Alam ko gabi ang graduation ah. Sakto sa mata ko ang araw..ang init..gising..

Gising..

GISING..

GISINGGG..

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon