Chapter XII: "you cant.."

159 3 6
                                    

Chapter XII

“siya pala yung bago mong kalaro Mitch?”

Nagulat si mitch nung nakita kung sino ang nagsalita.

“je..jeff? anong ginagawa mo dito?” tanong niya

“kailangan kang sumama sakin ngayon.”

“ayoko!” mitch

“bakit? Dahil ba sa lalaking ‘to?” lumapit siya sakin.. hindi, nilapit niyang mukha niya sakin.. tinignan ako ng masama.

“pwede ba, halimaw na may mukhang pandigma, ilayo mo yang mukha mo sakin!” inis na sabi ko.

“aba, matapang ka huh?” akmang susuntukin na ako ni pandigma.

“tama na! please jeff, huwag mo na siyang idamay!” pagmamakaawa ni mitch

Tinignan siya ni jeff. Hinawakan ang kamay niya at hinalikan sa leeg. Ano?!? t@ngin@ng to!. Sinipa ko ang ga*o bago pa man dumampi yung magaspang niyang labi sa prinsesa ko. Nagulat si mitch sa mga nangyari. Mabilis na nakatayo ang kumag at binigyan ako ng suntok. Lumaban ako ng suntok. Tadyak, sapak..

Kumuha ng kahoy si pandigma at hinataw sakin.

“ahh!” sigaw ko

“Adrian!” – mitch

Agad akong tumayo pero nahataw ulit ako ng kahoy sa mukha. “Ta3na ka!”sa isip ko.

Inabot ko ang bakal na malapit sakin at hinampas ko sa binti si ungas. Napaluhod naman siya. Hinataw ko pa siya sa mukha bago siya tuluyang nakatulog. Agad kong hinila ko ang kamay ni mitch at tumakbo.

Unang pagkakataon kong mapaaway. Hindi talaga ako palaaway. Pero sa pagkakataong to, iba na, si mitch na ang pinaguusapan natin. Walang pwedeng gumawa ng masama kay mitch. Walang kahit na sino, kapag hindi pa ako patay. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang yung nararamdaman ko kay mitch. Kung bakit ganito katindi. Basta gagawin ko ang lahat para lang sa kanya.

Tumakbo kami na parang walang bukas. Takbo.takbo. Bahala na. ang mahalaga ay mailayo ko si mitch sa kanya. Hindi pwedeng sumama si mitch sa gag*ng yon. Hinila ni mitch ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Tumigil siya sa pagtakbo. Saktong tumigil kami sa may ilog.

“halika na, baka abutan pa tayo.” – ako

Nakatayo lang siya. Nakatingin sa akin… ng masama.. “bakit anong ginawa ko?’ sa isip ko.

“tanga kaba?! Hindi moba alam kung sino si jeff?”

“wala akong pakealam” – ako

“g*go!ga*go ka adrian!” sabay ng pagiyak niya..

Lumapit ako sa kanya at inalo siya. Niyakap ko siya.

“Mitch, anong problema? Magsalita ka,,kausapin mo ko.”

Hindi ko mapigil ang pagiyak ni mitch, sino ba kasi yung beth nayun?jeff pala??

“ayokong madamay ka, ads. Hindi mo dapat ginawa yun. Hindi mo dapat siya pinatulan..ngayon damay kana..”

“gagawin ko ang lahat mitch.. kaya kong tiisin ang lahat para sayo.”

“abnormal ka!” sigaw niya habang umiiyak. “Hindi lahat kaya mong ibigay! Hindi ka na dapat pa nangealam.. hindi na dapat.” Hindi parin tumitigil ang pagiyak ni mitch.

Niyakap ko lang siya. Ang sweet sana ng set up namin, palubog na ang araw at magkasama kami sa tabi ng ilog, ang kaso, umiiyak siya. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ako makahinga. I just cant take the fact that my princess is crying and theres nothing I can do… niyakap ko siya..

“huwag ka nang umiyak, please….” Sabi ko.

“ads, ayoko kitang mapahamak.”

“hindi ako mapapahamak. Superman ako.” Sagot ko naman na pilit pinapangiti si mitch. Tumingin siya sakin..

“pft….!” She cracked a smile. SUCCESS!

“whew… buti naman at napangiti ka rin”

“Adrian..ayokong may masamang mangyari sayo… hindi ko kakayanin..”

Inalalayan ko siya sa tabing ilog… hinubad ko ang polo ko at ginawang pangsapin sa kanya.

“Mitch I..I love you” sa wakas nasabi ko rin.. nakatingin lang siya, namumula siya.. o baka dahil lang sa liwanag ng araw. Hindi ko madescribe yung itsura niya e. parang..ewan!

“the first time that I saw you, I know that you’re special. I know that you’re the one I wanna be with for the rest of my life. I just know.. I don’t know why, or howcome I fell in love with you, does that matter? I just love you. You made my life more meaningful.. natutunan kong mabuhay talaga nung nakilala ka…you’re so…so..Beautiful mitch. I cant imagine my life without you..”parang ang haba ata ng sinabi ko..nakatingin lang siya..

“No..you cant love me…”

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon