Chapter XV: Magkaibigan

141 2 3
                                    

Chapter XV

GUMISING KA NA!!!”

“Taenang syet!” nagulat ako sa boses na yun. “sino yun?”

At unti unting nagbago yung kapaligiran ko. Mula sa lupang tinatapakan ko, kumalat ang kulay itim. Bale itim na ngayon ang buong paligid. Wala na yung masayang kasal. Kasal namin.

Sinubukan kong maglakad hanggang sa may makita akong tv. Isang malaking tv kung saan ang palabas ay…ay… “Hmm…102 Dalmatians” – sabi sa title.

“Pa… bilisan mo.. baka hindi na natin masimulan yung palabas!” boses ng isang batang babae, hinahatak niya sa shorts yung well…ahh..papa niya.

“ito na… excited kaba prinsesa ko?” sabi naman nung lalaki..

“Papa!!” hmmm.. tinitigan ko yung batang babae.. sumunod na umupo yung isang babae, I supposed mama siya nung batang babae.

“ang cute niya naman, sana pag nagkaanak kami ni mitch ganyan yung itsura.” – sa isip ko. Nakasuot ng pink na jumper yung batang babae, tapos may yellow na shirt sa loob. Naka ponytail yung buhok niya, ang cute ng pagkakapout ng lips niya habang hinihila niya yung papa niya.

Napatitig ako sa mga mata ng bata…

“parang pamilyar yung mga matang yun”

Parang nakita ko na yung mga matang yun.. at parang pamilyar yung eksenang ito. Napatingin ako sa backdoor, sa may bandang kusina…

“BANGGG”

Ingay galing ng backdoor.

“ano yun papa?”

“sandali lang baby huh, may titignan lang si papa…”

Yumakap yung bata sa mama niya na pilit namang pinapakalma ito. Kitang kita mo sa mga mata niya yung kakaibang takot… Nanginginig yung batang babae.

“papa!” sigaw niya

Mula sa backdoor may nakita akong pamilyar na tao…

“tae! JEFF?” sigaw ko.. hila hila nito sa paa yung lalaki kanina. Duguan ang noo at parang walang malay..

GUMISING KA NA!!!”

---

Napadilat ako sa narinig ko..

“asan ako…?” ginala ko ang aking paningin sa lugar kung nasan man ako.. amp naman pabago bago ng scene? Ang sakit sa ulo!

Puro puti ang nakapaligid sakin.. di ko maintindihan pero hindi ko maikilos ang ulo ko.., ang sakit ng buong katawan ko… pagtingin ko sa kanan ko… nakita ko ang isang lalaking nakatungo… pilit kong kinilala ang lalaking yun… pilit kong inaabot ang ulo niya ng biglang tumingin siya sakin… --- si Lester

“pre!!mabuti naman at nagising kana! Taena ka, kala ko iiwan mo na kami e.. teka, tatawag akong doktor!”

Hindi maipinta ang ngiti sa mukha ng mokong.. “ano bang nangyari?” sa isip ko.. kahit ibuka ang bibig ko di ko magawa.. lahat masakit..

Bumalik si lester na may kasamang…doktor… penlight sa mata, sa bibig, kapa dito, kapa doon ang ginawa ng doktor… ang daming sinabi, di ko naman naintindihan… kinausap niyang mabuti si lester… pagkatapos nun ay bumaling sakin…

“pre, tatawagan ko sina tita para makapunta na dito ah…” – les

Nakatingin lang ako sa kanya…

“mitch” mahina kong sabi…

Tumingin sakin si lester at ngumiti… “babalik ako pre, tatawagan ko lang sina tita..”

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon