Chapter XVII
“wahaha!! ANG LIIT!” – Mitch
“anoo??syempre….uhmm…bata pa ko e…” sabi ko naman… amp.. daig ko pa nakakain ng sili sa sobrang pula…
“bata ka dyan?!”
Mabilis kong kinuha yung album na yun at itinago sa isang ligtas na lugar – “syet naman..itatago ko pa nakita na niya…AAGGHHHH!”
“bakit mo tinago?” – mitch
“syempre… pinagnanasaan mo e” sabay dila sa kanya…
Nakatingin lang si nanay samin… habang hawak ang iba pang mga album…
“bagay na bagay talaga kayo..”
Nagkatinginan kami ni Mitch sabay tumawa. Agad din naman kinuha ni Mitch yung mga album na hawak pa ni nanay… “hindi ko na kaya to…” parang kinakabahan akong ewan.. nakakahiya e.. nakita na ni Mitch… o well.. bukod dun, yung iba ko pang kalokohan nung bata ako.
Sumalampak ako sa may sofa.EARPHONE.PSP.SOUNDTRIP.TEKKEN.
“bahala kayo dyan”
Bale ang pwesto e nasa magkaharap kaming sofa ni Mitch.. Kunwari busy ako sa PSP pero tinitignan ko siya… lagi tuloy akong talo… tuwing mahuhuli niya kong nakatingin sa kanya… hindi maipinta yung mukha niya, parang nagtataray na natatawa na ewan…parang “anong-tinitingintingin-mo??”
“POTEK naman!!! Bakit ang hirap mong talunin!!” sigaw ko habang nakadiin sa joypad ng PSP. Kasi naman nakailang try nako, lahat na ata e nagamit ko na… talo parin ako “bwiset na JIN ka..”
“ehem”… Kunwari diko siya narinig…
“ARAYY! ano ba?” sigaw ko. Kailangan manipa talaga? Chk.
“kanina pa kaya kita kinakausap!ano bayan?” umupo si mitch sa tabi ko…
“TEKKEN” – ako
“hindi mo matalo si JIN?” sagot naman niya.. yung mata niya parang kumislap na ewan..tapos nakasuot nanaman siya ng nakakapanloko niyang ngiti.
“ang yabang” – ako
“amin na nga yan..panuorin moko.”
“AYA---“ syempre… nakapalag ba ako? Hinablot niya nalang bigla yung PSP.
“hmmm…sino kayang magangdang piliin?”
“si KING yung piliin mo..”
“ito…” – mitch
“ehhhrr!!!sigaw ko? ano yan? Si nina? Bakit siya pinili mo?” aba.. mukhang di na ako pinakinggan ahh.. babae pa pinili niya..
“pinapatalo mo ko lalo e! hindi ka mananalo dyan kasi alam mo si jin… magaling yan” e kasi naman sa lahat ng pipiliin niya. Babae pa.. tss… sayang lang…
Tumayo na siya…
“O!”
Ihinagis niya sakin yung PSP..
“YOU WIN!”
WOW. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin lang din siya sakin.. yung tingin na… “ano ka ngayon..”
Ang galing lang niya… TAE. Ako nga nagkakandapilipit na kay JIN e.
Nag-inat inat muna siya.. “nauuhaw na ako… lalaki kaba talaga? Yan lang di mo pa matalo..”sabay tawa ng malakas.. “tita, kukuha po muna akong tubig…” sigaw niya kay nanay.
“hoy! Natatalo ko yan no! ngayon lang hindi…”tss..kainis!
Medyo maggagabi narin nung makauwi si Mitch..
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomanceHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.