Chapter VII: "this is too much!"

188 4 0
                                    

Chapter VII

“inaantok ako!” bulong niya sakin.

“hmm..hindi ata magandang ideya yan. Kilalang terror ang professor natin” sagot ko naman.

“haha..ganun ba?” tawa niya sakin. Inilabas niya ang libro namin para English, itinayo sa harapan ng desk niya at yumuko.

“huwag kang maingay ah” sabay kindat sakin..

At sa pangalawang pagkakataon ay nakatulog nga si mitch sa klase. Ako ang masugid niyang kabalyero, sinisigurado kong alam ko ang lahat ng mga itinuturo ng aking guro kung tawagin man siya’y alam kong may maisasagot siya.

Nang malapit nang matapos ang klase naming yun ay ginising ko na sya.

“Mitch, gising na, malapit ng umalis si maam” malambing kong sabi sabay tapik sa kanyang balikat.

“hmmm…salamat. Nakatulog nga ako..hindi ba ako napansin?” tugon niya sakin.

“hindi naman..” sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Sa kabutihang palad, wala ang aming guro ng sumunod na asignatura. Buong period lang kaming nagkwekwentuhan ni mitch. Ang saya niya kausap, parang lahat ng bagay hindi mo mapapansin, parang lahat ng kakalase ko nung mga sandaling iyon ay lumilipad lang sa paligid ko…teka, sila ba ang lumilipad.. o ako? Mas malapitan kong nakita ang mukha ni mitch. May mga pagkakataong habang nagkukwento sya ay nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Sinasaulo ko ang bawat facial features niya. Ang taling niya sa gilid ng kaliwang mata. Ang maliliit na dimples niya sa kanyang pisngi… kung paano ngumuso ang kanyang mga labi tuwing pagkatapos ng mga kwento niya at kung ano ano pa.

“tinext nga pala kita kagabi Mitch.”

“huh?sandali,hindi ko pa kasi nakikita ang cellphone ko simula kahapon” sagot niya. Kinuha niya ang maliit na cellphone niyang pink mula sa kanyang purse.

“ay oo nga no?sorry..hindi kita nareplayan. Itetext kita ngayun.”sabay kindat sakin.

At sa unang pagkakataon ay nagdala ako ng telepono sa eskwelahan. Hindi ito dahil sa emergency o kung saan man. Kundi ay dahil kay mitch.

“tanggap mo?promise, mamayang paguwing paguwi ko itetext kita!”sabi niya. Hindi ko alam kung guni guni ko lang o nakita kong kumislap ang mga mata niya.

Mabilis na natapos ang maghapon. Hindi mabilis natapos ang mga araw, lingo, at mga buwan. Sabi nga nila, “time flies so fast when you’re having fun” and in my case, that’s absolutely true. Hindi ko namalayan na unti unti na akong napapalapit kay mitch. Hindi ko namalayan na unti unti ko na syang minamahal… At hindi ko namalayan na unti unti na palang nawawala ang dating Adrian.

Sinasabayan ko nang matulog si mitch sa klase. Kumakain kami sa klase at naglalaro. Wala na kong pakealam. I just found my life… and I’ll do everything huwag lang syang mawala sakin. Napapansin narin ni Mitch na unti unti ko nang napapabayaan ang aking pagaaral. Wala nako sa top ten. Hindi na ako ang chairman. Hindi ko na inaatendan ang mga organisasyong myembro ako.”gusto kong gingawa ko mitch. Huwag mo akong alalahanin, I experienced to be number one, hinahangaan, narasanasan ko na ang mga expectations, and you know what, I actually liked being just an ordinary student. Walang pressure, walang responsibility.” – yan ang eksaktong sinabi ko kay mitch nung tinanong niya ko. At yan parin ang isasagot kung tatanungin niyo ulit ako.

“laro tayo!” bulong k okay mitch habang nagdidiscuss ang prof naming sa algebra

“ano??” sagot niya sakin, nakangiti siya at nanlalaki ang mga mata na parang batang nakarinig ng candy.

Matagal kong hinanap sa internet kagabi ang lalaruin namin. Gusto ko kasi na palagi ko siyang kasama at kausap.

“ganito yun” kumuha ako ng papel at nilagyan ng half-circle ang magkabilang dulo nito, nilagyan ko ng butas na maliliit ang paligid ng papel maliban nalang sa dalawang half circle.

“paanong gagawin dyan?”curious na tanong ni Mitch

“ganito,ito ang base mo,(half circle sa dulo) ito naman ang sakin. Bale, papadaanin mo ung ballpen mo sa ibaba ng papel dapat hindi shumoot ang ballpen mo sa mga butas na to. Ang goal ditto ay marating ang base ng kalaban at sirain sa papamagitan ng pagbutas galing sa ilalim” Naunawaan naman kaagad ni mitch ang paliwanag ko at agad na kaming nagsimula.

“hahaha!talo ka!” sigaw ko sa kanya. Napatawa rin sya

“hahaha! Dinadaya mo ako e!”

“Mr. Gonzales and Miss Garcia, to the principal’s office, NOW!” nagulat ako sa sigaw ng aking guro.

“huh?wala naman po kaming gingawa ah!” sagot ni mitch

“palagay niyo ba e hindi ko kayo napapansin? Matagal ko nang alam na hindi kayo nakikinig sa klase ko. Pinapalampas ko lang kayo dahil sayo Mr. Gonzales. Ayokong gumawa ng bagay na pwede mong ikasira. Beause you are one of the best student sa paaralan na ito. But this is too much!”

Tumayo ako at nagsorry sa aking guro. Tumayo na rin si mitch at sabay naming tinungo ang Principal’s office.

“ikaw kasi e! ang ingay mo!haha” panunukso sakin ni mitch

“hahaha..hayaan mona”

“first time mo sa principal’s Office diba?”

“hmmm..oo” biglang nabakas ko sa mata ni mitch ang pagkalungkot at pagaalala. “pero okay lang yun! Pangarap ko rin yun e. There’s always a first time for everything” ngiti ko.

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon