Chapter XI: Kadena

172 4 4
                                    

Chapter XI

“andito ako..kasama mo” – mitch

“huh?”tama ba yung dinig ko? Masaya siya dahil kasam niya ko. Hindi na nagsalita si mitch. Isang awkward na moment ang naramdaman ko. “kailangang magsalita..anong sasabihin ko?”

“kanta ko na!”sigaw ni mitch.

Tumingin ako sa screen ng videoke: “BEAUTIFUL DAYS – KYLA”

“anong kanta yan?” tanong ko.

“pakinggan mo nalang..kanta ko to para sayo.”sabay kindat niya sakin.

Awww syet naman mitch. Huwag kang ganyan… lalo akong nahuhulog sayo e. baka dumating ang araw na hindi ko na kaya pang umalis sa tabi mo. Sinimulan na niyang kumanta. (a/n: please play the embedded video for better reading exp. :p )

“I see beautiful days with you 

I feel beautiful ways of loving you”

Sinimulan niya ang kanta.. nakatingin siya sakin, ganun lang. ang ganda ng boses niya. Ang sarap sa tainga. Ang sarap irecord tapos naka replay lang sa ipod ko.

“You’ve touched my heart so deeply 

And I can’t thank God enough 

For all the beautiful days with you 

I feel beautiful ways of loving you”

Mitch, bakit ba parang may pumipigil na sabihin ko sayo yung nararamdaman ko? Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko.. Nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko – ang bango niya..pagkatapos ngumiti.

“Everything is just so wonderful 

Every little thing is just so beautiful 

When I spend it with you – Adrian”

No mitch, you put in the true meaning of life in me. Im nothing, unless we’re together. Im nothing without you. Umikot siya sa likod ko at niyakap ako.. 

“You came along 

In an unexpected time 

It was so divine 

Knowing you are mine 

It feels so right 

When I look into your eyes 

I never knew that love 

Could make me feel this way”

 Itinayo niya ko at humawak sa balikat ko. Isang sayaw. Sa musika ng boses niya. Nakatingin ako sa mga mata niya. 

“I’ve sang so many songs in stages 

With thousands of them watching me 

But you’re here with me now 

And I sing this song to you 

I see beautiful days with you 

I feel beautiful ways of loving you

Everything is just so wonderful 

Every little thing is just so beautiful 

When I spend it with you”

Niyakap niya ako at may narinig akong mga hikbi.

“Mitch, umiiyak ka?”

“hindi..” deny pa, halata naman.. nakasubsob yung mukha niya sa mga balikat ko..Nanatili kami sa ganoong posisyon na magkayakap.. It felt forever for me. Twas like hugging her forever --- I just hope that it’ll be...

Tumingin siya sakin. Namumula ang mga mata halatang umiyak

“nagugutom nako…” sabi niya.

“opo… tara, kakain na tayo huh?” idinikit ko ang noo ko sa noo niya… “o mitch, kung alam mo lang… you’re driving me crazy!”sa isip ko…

Lumabas kami ng quantum na magkahawak ang mga kamay. Walang gustong bumitaw. Tuwing pinipisil ko ang kamay niya, hinihigpitan niya lalo ang pagkakakapit sakin. So ito pala yun.. “yung feeling na mahal ka ng taong mahal mo? --- assume lang? o sige, gusto ng taong gusto mo…”

Kumain kami sa Burger King, dahil gusto niya daw ng burger. Ang saya namin habang kumakain, ito yung mga pagkakataong hihilingin mong huwag nang tumakbo ang oras, kung kaya kong ikadena ang oras, lalagyan ko siya ng tatlo! Yung parang perpekto na lahat? Worth it ang pagcut ko ng klase. Kung ganito lang din, kahit araw araw pa akong magcutting.

“nood tayong sine!” yaya ko. Hindi ko alam kung papaya siya. Matagal niya kong tinignan e.

“slumdog millionaire!”sa wakas sumagot din siya.

“oo naman!”

Bumili ako ng isang malaking popcorn at isang malaking coke sabi niya kasi hati nalang daw kami. “isang straw lang??” sa isip ko. “syet, parang nagkiss narin tayo nun!” sa buong movie, nakasandal lang siya sakin, nakaangkla ang kamay at hawak ang kamay ko. Sinusubuan niya ko ng popcorn, at ako naman ang nagaabot ng coke. Hindi ko nanaman halos maintindihan ang palabas. Basta alam ko lang, nanalo siya. Ayun.

Paglabas namin ng sinehan, hawak niya parin ang kamay ko.

“sana lahat ganon no?” tanong niya

“hmmm?”

“sana lahat ng lalaki, kayang intayin yung minamahal niya..kahit gaano katagal, kapag tama na yung mali at pwede na ang hindi.” Sabi niya.

Binigyan ko siya ng isang ngiti. Hindi ko rin alam kung bakit yun lang yung nabigay ko. Wala narin akong nasabi e. Maggagabi narin nung umuwi kami. Nagtatawanan kami habang naglalakad. Nagkwekwentuhan ng kung ano ano lang.

“ihahatid na kita sa inyo?” tanong ko.

“huwag na, magkita nalang tayo bukas… ingat ka huh?”

“opo..ikaw rin..”

“siya pala yung bago mong kalaro Mitch?”

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon