Chapter V
Ang saya ko lang nung lunch. Andaming kwento ni mitch, pero mas marami si lester! Minsan nga hindi ko na sila naiintindihan e. Nakatingin lang ako kay mitch. Alam ko na napapansin niya rin to, at bawat magkakatinginan kami, ngumingiti sya. Napansin ko ulit yung mga mata niya.. Anong kulay ba talaga to? Brown?parang brown na mablack kasi e. Tapos minsan pag tinatamaan ng ilaw parang pula..parang reddish-brown? Color blind naba ko? Ang ganda niya pala lalo na pag malapitan.
“diba ads?”
“hoy Adrian Gonzales!” sigaw ni lester
Para naman akong nagising sa maganda kong panaginip “oh!ano?!”
“Wag ka kasi kung saan saan tumingin!” panunukso naman niya na sinuklian ng tawa ni mitch. “Pati pagtawa niya maganda? Wow!” sa isip ko.
“Sabi ko.. ikaw ang chairman ng student council, at ikaw and this year’s valedictorian!”
“huhh? Naku huwag kang maniwala dyan!”sabi ko naman
“adrian masyado ka naming pahumble e!” sabi naman ni mitch
“huh?hi-hindi ah!”
“dapat pala hindi ako dumikit sayo..baka ma B.I pa kita e”sabi naman ni mitch
“hindi naman” ewan ko ba, pagkasabi niya nun, nalungkot ako bigla. “bakit naman siya magiging B.I?”
Pagbalik namin ng classroom, tinanong ko sya “bakit naman magiging B.I ka?” tinignan niya lang ako at ngumiti.”wala naman…”
Napaisip ako sa sinabi niya.. dalawang salita lang pero parang napakalalim ng ibig sabihin.. parang “read-between-the-line”. Anong ibig niyang sabihin? “wala naman” hayy.. mitch..wala pang isang araw tayong magkakilala pero parang isang taon kanang tumatakbo sa isip ko…
‘inaantok ako..”sabi niya
“huh?”sagot ko naman
“matutulog lang ako huh. Gisingin mo ako kapag tinawag ako ni maam”
“may klase ta-“hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko at yumuko sa desk niya. Napangiti ako.
“Ibang klase..”sa isip ko.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maialis yung tingin ko… sasabihin ko na sainyo ang totoo... binabantayan ko ang bawat kilos niya. Kung paano liparin ng hanging galing ng electric fan ang mabango niyang buhok; kung paano niya igagalaw ang mga labi niya na parang may kinakain; kung paano sya ngingiti nalang bigla na malamang ay nananaginip; ang pagtaas at pagbaba ng likod niya tuwing humihinga siya. ”Aray!”
Lumingon ako sa likod ko, sinipa pala ng nasa likod ko ang upuan ko.
“Mr. Gonzales, Im calling your name for like 10 times! Is there anything that bothers you? Or is there something that you wanna share?” sabi ni Miss Santos, ang epal kong teacher sa literature.
“ahh..none miss.. I apologise for that” sagot ko naman. Epal talaga tong teacher na ito. Nagising tuloy ang prinsesa ko..”prinsesa ko?”
“As I was saying, can you please explain to me the Sonnet 138 of Shakespeare, what is your insight, regarding this?”
“Sonnet 138?? Ano yun?” sa isip ko. Tumayo ako at binasa ito mula sa projector ng aking guro:
“When my love swears that she is made of truth,
I do believe her, though I know she lies,
That she might think me some untutor'd youth,
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomanceHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.