Please play the embedded video. thanks:)
Chapter XXIII Ulan
Parang ang bagal ng ikot ng mundo. Kitang kita ko kung paano tumalsik yung katawan ni Mitch matapos tamaan ng truck. Tangina! Hindi ko sinasaktan yan. Mitch!!!
Hindi ko alam pero hindi ko maikilos yung mga paa ko. Gusto kong tumakbo pero wala. Ayaw sumunod ng mga paa ko. nababangga na ako ng mga taong tumatakbo papunta kay Mitch.
“gumalaw ka…galaw…galawWWWW!!!!!” tumakbo ako papunta kay Mitch. Tumutulo yung luha ko. Mitch..Mitch..Niyakap ko siya.. sabay sigaw “TULONG…TULUNGAN NIYO KAMI…”
May nagmagandang loob na tumulong at isinakay namin si Mitch sa owner nila. Kinausap ko siya. Kinausap ko si mitch. Wala siyang malay pero alam ko naririnig niya ko.. nadudurog ang puso ko..
“mahal…mitch…kaya mo yan…malakas ka diba…malakas ka… kahit ano mitch..kahit ano…huwag lang ‘to..huwag lang to please..Mitch..”hinalikan ko yung noo niya. Punong puno na ako ng dugo galing sa katawan ni Mitch..
“Mitch… diba, may date pa tayo bukas?mahal mo ko diba..huwag mokong iwan Mitch..huwag Mitch… diko kaya.”
Nakita kong naluluha na yung mata ng mga kasama namin.pero mas malakas yung daloy ng luha ko… dali dali kaming tumakbo sa emergency room ng ospital. Lahat sila gulat. Lahat ng nurse nakatunganga. Habang yung katawan ng mahal ko nasa strecher.
“ANONG TINUTUNGANGA NIYO DYAN!!!TULUNGAN NIYO KAMI!!ASAN YUNG DOKTOR NYO???”
Nilapitan ko yung isang lalaking nurse at hinablot ang kwelyo niya.
“IKAW ANONG TINATAYO MO DYAN???TULUNGAN MO KAMI..GAMUTIN MO SIYA…GAMUTIN MO!!!”
Lumapit na sakin ang mga doktor..,walang tigil yung pagiyak ko…galit ako..galit na galit ako…”gamutin niyo SIYA…HUWAG AKO…ILIGTAS NIYO SIYA DOK..PARANG AWA NIYO NA..MAGBABAYAD AKO..KAHIT MAGKANO…MAILIGTAS LANG SIYA…KAHIT ANO DOK..KAHIT MAGKANO..KAHIT ANO…KAHIT ANO…KAHIT ANO….”Nagmamakawa na ako sa doktor.
“sorry hijo…WALA NA SIYA…”
Parang may malamig na tubig ang bumuhos sakin nung mga oras na yon. FUCK kaba?sino ka??
“SINO KA???SINO KA PARA SABIHIN YAN..??”Umiiyak akong lumapit kay Mitch..
“ASAN YUNG DEFIBRILLATOR NIYO??BUHAYIN NIYO SIYA…BUHAYIN NIYOOO..”Sobrang sakit ng lalamunan ko kakasigaw.parang natatakot narin ang mga tao sakin.
“we’ve done everything..everything..pero wala na talaga siya hijo..”
“WELL WHAT YOU’VE DONE IS NOT ENOUGH!”Sigaw ko sa doktor. Lumapit ako kay Mitch.
Parang hinampas sa mukha ko ang katotohanang wala na nga siya. Wala na ang pinakamamahal ko.
“mitch.uuwi na tayo huh, ililipat kita sa ibang ospital…diba, mahal mo ako? Diba? Sabi mo pwede na tayo?diba?bakit ganyan ka?bakit?bakit nangiiwan ka?”
Dumating si lester at si choi. Inawat ako pero hindi ko magawang umalis sa tabi ni Mitch.
“pre…tama na pre..” iyak din ni Lester
“pre, awat na..” *choi
Hinarap ko sila.
“hindi niyo ako naiintindihan e. wala akong ibang ginusto sa pesteng buhay na to kung hindi mahalin ako ni Mitch.. ang maging akin siya… ngayong pwede na kami… saka magiging hindi pwede? Ano to lokohan??”
Tumakbo ako palabas ng ospital at nakasalubong ang tita ni Mitch na umiiyak. Alas siyete na rin pala ng gabi. Sobrang ang bigat ng nararamdaman ko. Tumingin ako sa langit, wala man lang ni isang bituin. Syet. Sabi ni Mitch habang may mga bituin nasa tabi ko siya.. Asan na? Bakit ngayon pa nawala kung kailan kailangan ko???
Walang bituin nung mga oras na yun. Pakiramdam ko sobrang ako lang ang tao sa mundo. Naupo ako sa may kalsada. Hindi ko alam ang gagawin ko, guto ko magwala. Gusto kong pumatay ng tao. Gusto ko… gusto kong makasama si Mitch.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mabingi na ako ng tibok ng puso ko. Tumakbo ako hanggang kaya ng mga paa ko. nakarating ako sa ilog na mahalaga sa amin ni Mitch.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong nagawa kundi maupo sa tabi ng ilog kung saan ko niya kinuwento ang buhay niya. Tuloy tuloy ang pag agos ng ulan pati ang pagbuhos ng mga luha ko.
Tuloy tuloy ang pagragasa ng putik at ng sakit sa damdamin ko.
“kalokohan ba to? Asan na ang araw? Diba dapat aaraw na kasi gigising na ako sa panaginip na ito?’
Nagalit ako sa sarili ko. Nagalit ako sa mundo.
“bakit ngayon pa??Mitch”
![](https://img.wattpad.com/cover/1574167-288-k214915.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything for you ~completed~
RomanceHow far will you go for love? will you change everything just to be with someone kahit na alam mong walang pagasa? This is a story of unrelenting passion and love. Watch how love transformed Adrian from a typical nice guy to the exact opposite.