Chapter XIV: Red Carpet

149 4 3
                                    

Chapter XIV

“Mitch!” grabe ang bilis lang maglakad. Hinabol ko siya. “nagmamadali kaba?”

“hindi naman, gabi na kasi. Ang bagal mo pa maglakad. Bilisan natin.”

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang parang aligaga si mitch ng mga oras na yun. Ang bilis maglakad at palingon lingon

“Bilis!”

“sandali! Ang bilis mong maglakad e.” hinihingal ako nang marating namin ang sakayan ng jeep.

“sasakay nako. Pero mauna kanang sumakay Adrian”

“huh? Hindi naman ata tama yun. Mauna kanang sumakay.tapos ako.”

“ay sos! Bahala ka nga!” pumara siya ng jeep at naiwan akong magisa.

“magiingat ka huh? Text moko pag nasa bahay kana” – mitch

“teka… parang baligtad naman ata yun.dapat ako nagsabi nun ahh” sa isip ko.

Lumipas ang ilang minuto, mararamdaman mong gabi na talaga dahil nagsisimula ng kumapal ang mga bituin sa langit.

“syet, ang tagal lang nung jeep na sasakyan ko, anong meron?”

Sumuko na ako matapos ang ilang sandaling paghihintay at sinimulang maglakad. Nagshortcut ako at dumaan sa mga iskinita. Ang alam ko kasi sa kabilang kalye e mas maraming dumaraang sasakyan don.

Nagsimula akong maglakad, iniisip ko pa rin ang kinuwento ni mitch, kung paano ang naging buhay niya. Di ko mapigilan ang sarili kong mainis?malungkot o mainggit?ampp.. halo halo..kasing gulo ng utak ko. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagiisip nang biglang..

“aray!tang#%%! Ano yun?” lumingon ako sa paligid pero wala akong nakita. “bato?tae! sinong nambato?” sa isip ko. buti nalang at hindi kalakihan ang batong tumama sakin.. kung hindi tyak, sugat to.

Hindi ko na pinansin ang batong yun. Malapit na sana ako sa sakayan ng biglang sumulpot ang ilang lalaking may dalang kung ano ano..ahh..pito ata o walo..may dalang mga kahoy at tubo..

“ahh…okay may gang war ba?” sa isip ko.. “tae,bakit nakatingin sila sakin?”

Okay aaminin ko na… kinakabahan ako …andami kaya nila. Pero baka hindi naman ako yung target. Bumalik ako sa nilalakaran ko..pero sakto namang may tatlong lalaking na naglalakad papunta sakin.

“akong habol nila…Jeff..gag* ka…”

Sinubukan kong tumakbo sa direksyon ng kung nasaan ang tatlong lalaki pero di pa man ata ako nakakalimang  hakbang e may bumato sakin.. muntik na akong mapasubsob. Isa lang ang nasa isip ko ngayon…dalawa pala… si mitch at makatakas sa kinalalagyan ko..

Nagumpisa silang sumugod.. may tumamang kung ano sa mukha ko. dun na ako tuluyang sumubsob sa lupa. Hindi ko na rin masyadong maintindihan kung anong nangyayari.. “tang@!#!$! ngayon na ata ako mamamatay ah!”

Pinilit kong protektahan ang ulo ko. hindi ko na sinubukan pang lumaban. Alam kong talo ako at mamamatay ako ano mang oras. Sipa, sapak…hambalos ang inabot ko… “ahhhh” hindi ko na mabilang… hindi ko mabilang..

“nahihirapan na akong huminga… mitch!”

Naghalo na ang dugo, pawis at luha sa mukha ko.. sobrang sakit… mas masarap pa atang mamatay…

“tama na yan!”

Ang bagal ng paligid ko…titingin ako sa kanan pero ilang segundo bago sumunod yung paningin ko…hindi na rin ako halos makadilat at ang dilim ng buong paligid ko. halos buong katawan ko masakit. Mukha, likod, tiyan mga hita. Kahit ang daliri ko hindi ko na maigalaw.

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon