Chapter XIII - Sea Urchin

177 4 6
                                    

Chapter XIII

“No..you cant love me…” – mitch

“you cant love me..so..cannot… sa tagalog, hindi pwede, kasi ang pwede sa english ay can.diba?” nagtatalo ang utak ko. “teka, cant ba yung sinabi niya o can?baka can”

“I cant o I can?” tanong ko kay mitch para lang matigil na ang agitations ko.

“You cant… you cannot love me adrian” sagot ni mitch

May binulong pa siya matapos nun, pero the usual, abnormal nanaman ang senses ko.

“why?”tanong ko sa kanya.

“hindi mo ako kilala Adrian. I might bring you harm, or badluck, or…death”

“harm? – bomba? Badluck? Ano to pusang itim? Lason para mamatay?”sa isip ko

“I cant understand” sabi ko sa kanya

“you don’t have to… just don’t love me Adrian… si jeff, kaibigan siya ng papa ko” nagsimula siyang magkwento, sa mga buwan na magkasama kami, ngayon lang ata siya nagkwento ng tungkol sa kanya. Samantalang ako, pati away ko sa kapitbahay namin nakwento kona – unfair!

“patay na ang totoong magulang ko Adrian… hindi, pinatay sila…”

“huh?”parang engot na tanong ko.

“Nung bata pa ako, marangya ang buhay ng pamilya namin, lahat nabibigay nila sa akin. Lahat nagagawa nila para sakin… tipikal na mayaman, may magandang bahay, masarap na pagkain, maraming kasambahay, maraming laruan, maraming damit…” napansin kong naluluha siya. Inakbayan ko siya at inilapit papunta sakin. Sumandal sakin si mitch.

“lumaki akong sagana sa lahat, kahit sa pagmamahal ng isang magulang…” nalungkot ako…nainggit… buti pa si mitch, kahit na mayaman hindi napabayaan…

“bilang isang solong anak, walang araw na hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng aking mama at papa” inilabas niya ang libro namin sa literature. Akala ko magbabasa pa siya e, pero nilabas niya mula roon ang isang kupas na picture.. isang bata, may hawak na manika, ang nakasakay sa balikat ng isang lalaki. Kayakap ng babae ang lalaking kumakarga sa bata. Lahat sila nakangiti.

“ito ang pamilya ko, si mama..si papa…larawan ng isang masayang pamilya….or at least kung paano ko aalalahanin…”

Kinuha ko ang larawan na hawak ni mitch, tinignan ko ng matagal… “wala akong ganitong picture” sa isip ko.

“9 years old ako nung mangyari ang insidenteng yon.” Pagpapatuloy niya. “pinagday-off ni papa lahat ng kasama namin sa bahay, family day daw namin. Matapos naming kumain ng hapunan, haha, naalala ko, paborito ko pa yung ulam nung gabing yun, adobo. Niyakag ko sila mama na manuod ng movie sa cable. Agad akong kinarga ni papa papuntang sala. Sumunod narin si mama matapos kumain, nakakatawa yung palabas non, 102 dalamatians.. naaalala ko yung scene nun…yung nakalimutan ng kontrabida yung isang tuta kasi wala yung spot.” Natatawa si mitch, pero may tumutulong luha sa mga mata niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Hinayaan ko siyang magkwento.

“nang may narinig kaming ingay na galing sa back door. Tinignan ni papa” napansin kong parang nagha-hyperventilate na sa pagkwekwento si mitch

“Mas dumami yung ingay… mga ingay na ang sakit sa tainga ang sakit sa puso…may narinig akong boses, sumisigaw…bayaran mo na ako! Bayaran mo na ako Alfred!” hindi na napigilan pa ni mitch ang luhang namumuo sa mata niya..yumakap siya sakin..

“nakita ko si papa, nakahandusay na sa sahig… hinihila ng isang lalaki… hinihila ni jeff…” so yun pala ang papel ni pandigma.

“lalapit sana ako kay papa pero pinigilan ako ni mama. Si mama, di na rin mapigilang hindi umiyak…

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon