Chapter XXII: HONK

136 3 9
                                    

Chapter XXII

27 – Jul – 2011

Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa inuupahan kong condo sa Makati. Nakatulog na pala ako kakaisip kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano kami nagkakilala ni Mitch at kung paano ko siya minahal.

Tatlong taon narin pala ang lumipas simula nung una ko siyang nakilala. Nung 4th year highschool. Tumayo ako at nagtimpla ng kape, saka muling binalikan ang mga  nangyari matapos ang highschool. Sobrang sakit ng ulo ko, “ano bang ininom ko kagabi?bakit ang bigat ng ulo ko.. mabuti nakauwi pa ako.”

Matapos ang High school e, pareho kami ni Mitch na nagenrol sa San Beda. Pinakuha ni Jeff ang kursong Business Mgt kay Mitch, siya yata ang magmamana ng business nila, kaya yun narin ang kinuha ko. magkaklase kami at ngayon nga ay nasa ikatlong taon.. di ko lang alam kung ipagpapatuloy ko pa… ngayong wala na kami… hmm.. wala naman talaga kami in the first place pero diba? Ilang taon na kaming magkasama. I know there’s something. There’s got to be something.

Napagpasiyahan kong bumalik sa dati kong school. Yung school kung san nagsimula ang lahat. Kung san ko nakilala si Mitch. Honestly, di ko na alam kung saan ako tatakbo ngayon, o kung anong gagawin ko sa buhay ko… kung may buhay man ako, since wala na si Mitch. Mahirap pala pag masyado mong idinepende yung sarili mo sa isang tao. Tama ata sila. Huwag mong ibigay lahat o wala nang matitira sa sarili mo kapag nangailangan ka.

“o pangalawa kanang alumni na dumalaw ah.anong meron?” bati sakin ng gwardya ng highschool ko.

“ganun po ba?” – ako

Isa isa kong binalika yung mga lugar na pinupuntahan namin ni Mitch. Yung canteen. Yung library kung saan kami natutulog. Yung dati naming room. Yung music hall kung saan ko siya tinugtugan…

“ano yun? May tumutugtog sa loob? Wala namang pasok ah”

Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nabigla ako sa nakita ko… si Mitch, ang anghel ko… My star…

“a…anong ginagawa mo dito?” ako

“natugtog ng piano??ikaw?” sarkastikong sagot niya sakin.

“dumadalaw lang..” - ako

“halika… umupo ka dito...”

“kailan kapa natutong magpiano?”pagmamaliit na tanong ko.

“simula nung kinantahan mo ako… nagustuhan ko na ang piano… sabi ko balang araw, ako naman ang tutugtog sayo… kaya nagaral ako..masama ba?”

Namula ako. Nanginig… well di ko alam kung bakit ako nanginig. E yun yung naramdaman ko e.

“anong tutugtugin mo?”

“makinig ka…”sinumulan niyang tugtugin ang piano at kumanta.

(A/N: pwede niyo po iplay yung embedded video.. just don’t mind her face..:) )

(Oh Yeah, Oh Yeah, Yea Oooh, Yeah)

When a day is said and done, 

In the middle of the night and you're fast asleep, my love.

Stay awake looking at your beauty, 

Telling myself I'm the luckiest girl alive.

Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life (life).

Why you take such a hold of me boy, 

When I'm still trying to get my act right.

Statue. Isa sa pinakamagandang kantang narinig ko… ang mas epic pa dito, galing kay Mitch. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Paano siya gumaling sa piano ng ganito?

What is the reason, when you really could have any girl you want, 

I don't see, what I have to offer.

I should've been in seaso, guess you could see I had potential.

Do you know you're my Miracle?

I don’t know Mitch. I don’t kung bakit ganito nalang yung effect mo sakin.

I'm like a statue, stuck staring right at you, 

Got me frozen in my tracks.

So amazed how you take me back, 

Each and everytime our love collapsed.

Statue, stuck staring right at you, 

So when I'm lost for words, 

Everytime I disappoint you, 

It's just cause I can't believe, 

That you're so beautiful. (Stuck like a statue)

Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue)

Yung lyrics ni Mitch. Tumatagos sakin. Yung bawat tingin niya sakin tuwing tumutugtog siya. Yung pagngiti niya.. naluluha ako…

Every single day of my life I thank my lucky stars, 

God really had to spend extra time, when he sculptured your heart.

Cause there's no explanation, can't solve the equation.

It's like you love me more than I love myself.

You’re my star Mitch. My everything.. I love you. More than I love myself – that’s pretty obvious right?

It's just cause I can't believe, 

That you're so beautiful. (Stuck like a statue)

Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue)

I love you Mitch. I love you.

Pagkatapos ng kanta ay nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Nagrap siya. Hindi joke lang. hinalikan niya ako sa labi.

“ads, yung lalaking nakita mo nung nakaraang buwan, kaibigan yun ni Jeff.. Wala na si Jeff ads, nabaril siya sa shoot out..pwede na tayo Ads..Malaya na ako.. pwede na tayo.”

Hindi ako nakapagsalita. Im like a statue. Stuck like a statue. Syet.

“totoo?” parang batang lumaki ang mata ko.

“oo Ads, ayaw mo ba?”

“hindi…hindi..gusto ko..”

Niyakap ko siya at hinalikan..”halika..mamasyal tayo…”

“hindi pwede… aasikasuhin ko muna yung mga papel kay jeff. Simulan natin bukas Ads. Magsimula tayo ulit.”

“uwi na tayo?” ako

Tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya. For the first time after three years ngayon lang ako sobrang naging masaya. Yung sobra talaga.. yung tipong pwede ka nang mamatay?? Ayy hindi muna pala.

“O dito kana Ads, tatawid na ako. Magiingat ka huh, mahal na mahal kita.” Sa unang pagkakataon narining ko ang mga salitang yun kay Mitch.

“ihahatid na kita.”

“hindi na..kailan pa ako nagpahatid?” sabay nguso. “saka tatawid lang ako.. tanaw na tanaw mo ako.”

“okay…”

Sinimulan na niyang tumawid. Umihip ang malakas na hangin. Lumingon siya sakin. Ngumiti at kumaway saka mahinang sabing “babye…”

HONK…HONK…HONK…

MITCH!

Everything for you ~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon