*-*-*-*-*-*-*-*
(ii)
--------------------"Ma, nakita niyo po ba yung mga libro ko last year?"
Pasigaw na tanong ko kay Mama habang naghahalukay sa maliit na bookshelf sa sala."Baka nasa taas 'nak."
Sigaw din ni mama. Nasa kusina kasi siya at kasalukuyang nagluluto."Bakit mo hinahanap?"
"Basta po."
Sagot ko at nagpatuloy sa paghahanap. Hirap ako sa pakikipag-usap sa mga tao. Makipag socialize kumbaga. Nasanay kasi akong mga libro at notebooks lang ang kasama. Ang kapatid ko naman na si Desi ay umuwi doon sa lola namin sa probinsya sa Sorsogon. Hindi ko alam kung saan dahil hindi pa ako nakakapunta. Madalas, mas gusto ko pang manatili lagi sa bahay at magbasa.--------------
"Good morning!"
Ngumiti lang ulit ako kay Stella sa malakas niyang bati nang pumasok ako sa pinto. Agad akong umupo at kinuha ang math book na para sa grade 9. Napatingin muna ako sa wall clock para i-check kung anong oras na.Tinignan ko rin ang schedule ng Ace na 'yon. Wala siyang vacant ngayon kaya hindi ko tuloy alam kung pa'no mauumpisahan ang unang araw ng pagtu-tutor ko sa kaniya.
"Diba pang grade 9 'yan?"
Pang-uusisa ni Stella. Tumango lang ako at nagsulat ng mga posible problems na alam kong tinuturo sa kanila ngayon base sa pagkakaalala ko."Bakit binabasa mo ulit?"
Huminga muna ako ng malalim bago siya tinignan nang seryoso."Uhm, Stella? Nagbabasa kasi ako eh. Uhh- importante kasi. Sorry."
Mahinahong sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Natigilan siya at awkward na tumawa."Ah! Hahaha oo nga pala. Sige, doon lang ako."
Hindi niya man sabihin, bakas sa tono ng boses niya na na-offend siya sa sinabi ko. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papunta sa mga kabarkada niya."Aish."
Nasambit ko na lang habang sinasabunutan ang sarili. Ganito ako lagi, madalas nasasabihang mataray at suplada. Kinakain tuloy ako ng konsensya at parang gusto kong kausapin si Stella.Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayan na lunch time na naman pala. Pagkalabas ng mga kaklase ko para maglunch ay agad kong kinuha ang pack lunch ko at kumain habang binabasa at nir-review ang ituturo ko mamaya.
Napag-isipan kong may halos 1 and a half hour pa naman bago magpatuloy ang klase sa hapon kaya yung matitirang oras ay ilalaan ko para i-tutor ang Ace na 'yon.
Matapos kong kumain ay dumiretso ako sa building ng grade 9 at tinungo ang classroom ng Newton na nasa dulo pa. Kaunti pa lang ang nandoon at malamang ay nasa canteen pa ang iba o 'di kaya naman ay umuwi sa kaniya-kaniyang bahay para kumain ng lunch.
"Uhm, excuse me,"
"Ano po 'yon, ate?"
Tanong ng isang babae sa 'kin habang nagwawalis. Tinignan ko ang buong classroom. Magulo, kalat kalat at wala sa ayos ang upuan. Marumi rin ang mga dingding dahil halos mapuno ito ng mga vandal. Ang chalkboard ay sira ang halos kalahati at ang teacher's table ay ganoon din. Nagtakha tuloy ako kung anong klaseng discussion ba ang nangyayari dito araw-araw."Kaklase mo ba si Ace Vergara?"
Tanong ko matapos tignan ulit ang class schedule na binigay ni ma'am sa'kin."Ah oo po. Nasa canteen pa po yata eh."
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19