(x)

24 6 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(x)
-------------------

Bago ako lumabas ng pintuan ay siniguro kong malinis ang sala. Inayos ko na ito kahapon, at maging paggising ko ay iniligpit ko rin ang mga kalat dito.


"Alis na po ako, Ma!"
Sigaw ko at saka na tumulak papuntang sakayan. Tahimik pero magaan ang mood ko nang pumasok sa room.


"Good morning."
Nakangiting bati ni Stella. Ngumiti lang ako pagkatapos ay naupo saka binuksan ang bag ko. Tiningnan ko kung nakaayos ba ang mga papel na inihanda ko kahapon. Binasa ko rin ito nang maigi at inunawa.



"Prinsesa!"
Napaangat ako ng tingin at nakita si Ace sa bintana. Gaya nung kahapon ay kumaway-kaway pa ito habang nakapaskil ang natural na ngisi nito sa labi


"Ba't prinsesa?"
Pang-uusisa naman ng katabi kong si Stella. Nagkibit balikat na lang ako saka bahagyang ngumiti sa kaniya.


"Bakit?"
Bungad ko sa kaniya paglabas ng classroom namin. Ramdam ko ang kakaibang tingin ng iilan sa mga kaklase ko, hindi ko na lang ito pinansin.



"Good morning!"
Bati nito. Tumango na lang ako. Naka-shirt na puti lang ito habang nakasukbit sa balikat ang polo nito.


"Relax, 'to naman. Ang aga-aga nakataas na naman ang kilay."
Pang-aasar nito. Nilagay ang isang kamay sa bulsa saka kumuha ng kung ano. Chewing gum.


"Bakit ka nandito?"
Tanong ko ulit. Isinubo muna nito ang chewing gum bago ibinulsa ang kapirasong plastic na pinaglayan niyon. Mabuti naman at hindi ito kagaya ng ibang estudyante na basta na lang tinatapon ang basura sa kung saang lugar matipuhan.



"Gusto mo rin?"
Pag-aalok nito habang hawak ang isa pa. Umiling na lang ako saka siya inirapan.



"Gusto lang kasi kitang iremind, mamaya ah? Hihintayin kita sa gate."
Tumango lang ako. Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase maya-maya lang.



"Bye prinsesa June. See you later!"
Untag pa nito sa 'kin bago naglakad paalis. Naiwan na lang akong nakatayo ro'n. May sayad talaga ang lalaking 'yon. Hindi ba siya naaasiwa sa 'prinsesa' thingy na 'yan? Kasi ako, asiwang-asiwa na. Hindi naman ako damsel in distress, at mas lalong wala akong balak na maghintay o maghanap ng prince charming. Hindi rin ako yung tipo ng babae na nag-aasam ng happy ending. Ang baduy, hindi ba?



Napailing-iling na lang ako saka naglakad papasok sa classroom. Sinalubong ako ng kuryusong tingin ni Stella.



"Napapadalas ata pagpunta no'n dito ah?"
Nagkibit balikat lang ako saka naupo nang maayos at inilabas ang notebook ko.



----------



"Nagmamadali ka ata."
Puna sa'kin ng isa kong kaklase habang mabilis kong dinadakot ang mga kalat na nahahagip ng walis tambong hawak ko.



"Hindi naman."
Tipid na sagot ko at tinulungan ito sa pagsara ng mga bintana. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit. Mag-aalas kwatro y media na. Dali dali kong kinuha ang bag at mga gamit ko.



"Mauuna na ako, paki-lock na lang."
Huling habilin ko saka mabilis na naglakad sa corridor habang yakap ang mga libro ko. Uwian na at kikitain ko pa si Ace sa tapat ng gate. Doon kasi ang napag-usapan namin.
Napatingala ako nang mapansin ang madilim at mabigat na mga ulap. Uulan pa yata, kaya kailangan kong magmadali.



Napatigil ako nang madako ang tingin ko sa waiting area na malapit sa gate. Napakunot ang noo ko nang mapansin itong may kasamang babae. Nakaakbay siya rito habang nakangiti. Napaiwas ako ng tingin. Tumigil ako sa gitna ng daan at tinitimbang kung dapat ba akong dumiretso o hindi. Hindi ko alam kung girlfriend niya ba ito o ano. Ayoko namang mangialam at masabing chismosa.



"Oy."
Napalingon ako sa taong kumalabit sa akin. Tipid itong nakangiti. Inosente itong nakatitig sa 'kin bago napatingin sa gate. Sinundan ko ang tinitingnan nito. Paalis na si Ace kasama ang babae. Ngayon naman ay nakapulupot na ang kamay ng babae sa braso nito.



"Ba't nakatayo ka lang dito?"
Tanong nito kaya napatingin ako ulit sa kaniya. Napahigpit ang yakap ko sa dala kong libro.



"W-wala."
Saad ko.



"Sabay na tayo hanggang sa gate."
Tumango ako saka siya sinabayan sa paglalakad. Huminto lang ako sa gate, sa may waiting area at saka siya pinauna.




"Hindi ka pa ba uuwi?"
Nagtatakhang tanong nito. Sabay kaming napatingala sa langit nang biglang kumulog.



"Uulan pa yata."
Saad nito habang nakatingala. Kitang kita ko ang makinis nitong mukha at ang matangos na ilong nito.



"Sige, mauuna na ako June."
Napakurap ako nang tawagin ako nito sa pangalan ko. Sa unang pagkakataon.



"Hmm. Ingat."
Tipid na ngumiti ako. Tumango ito saka sinuot ang color gray na headset niyang laging nakasabit sa leeg nito.
Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa tuluyan itong makaliko.



Napabuga na lang ako ng hangin saka naupo bakal na upuang nandito. Napatingin ako sa wrist watch ko. Halos kinse minuto pa lang naman ang nakalilipas. Siguro ay inihatid lang ni Ace 'yong babae. Sana. Nagkibit balikat na lang ako saka napatingin sa mga kapwa ko estudyanteng dali-daling naglalakad. Siguro ay para hindi maabutan ng malakas na ulan.



Nakatunganga lang ako ron hanggang sa unti-unting pumatak ang ulan. Mahina sa una na hindi nagtagal ay naging malakas at malalaki ng patak. Napuno ang shed na kinatatayuan ko, kaya siniguro kong may espasyo ako sa gilid.

Alas singko na. Isang oras mahigit na akong nakaupo rito. Paunti-unti na ring nababawasan at nagsisialisan ang mga taong sumisilong sa shed na 'to. Ang ilan kasi, nagpaulan na lang habang ang iba naman ay nagsisidating na ang mga tagasundo. Muli ay napabuga ako ng hangin at napatitig sa kawalan. Unang beses. Unang beses na naghintay ako nang ganito katagal.



'Darating pa ba siya?'
Tanong ng utak ko. Sa unang pagkakataon ay masasabi kong ang tanga ko para gawin 'to.


Napapikit ako nang mariin. Maghihintay pa ako nang ilang minuto bago umalis.


"Hindi ka pa ba uuwi, hija? Magsasara na 'to mamayang alas singko y media."
Napapitlag ako sa sinabi ng guard. Ako na lang pala ang natitira sa shed.



"Pauwi na po."
Bagsak balikat akong tumayo saka niyakap ang mga libro ko. Hindi na gaanong malakas ang ulan pero bahagya pa ring umaambon. Nakayuko akong naglakad habang mahigpit ang pagkakayakap sa mga libro ko.


"Oy."
Nagpalinga-linga ako sa kalsada.



"Dito!"
Sa kabila ng kalsada ay nandoon si Aiden. Nakapangbahay na ito at himalang wala ang suot na headphone sa leeg niya. Mabilis itong tumawid at pumunta sa'kin.


"Pauwi ka pa lang?"
Narinig ko na naman ang mababa at panglalaki nitong boses.


"Oo. Ikaw, sa'n ka pupunta?"
Balik tanong ko. Tinuro nito ang bakery na nasa may 'di kalayuan.


"Mauuna na 'ko."
Ngumiti ito nang bahagya saka nagpatuloy sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa ko.
Inalis ko na lang sa isip ko na nauto ako ng lalaking may saltik na Ace na 'yon sa unang pagkakataon. Mas pinili pa nitong sumama sa babae. Matuturuan ba siya no'n? O baka naman iba ang ituturo nila sa isa't-isa.



Napailing na lang ako at saka itinatak sa isip na layuan ang lalaking 'yon.


Mapanganib siya sa'kin...


*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon