(xxxiii)

13 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*
(xxxiii)
-----------------

"Uy kumusta."
Masayang salubong sa 'kin ni Stella. Tumango lang ako kasunod ng tipid na pagngiti ko rito.

"Kumusta ang pasko?"
Pang-uusisa pa nito nang ilapag ko ang mga gamit sa upuan.

"Malamig."
Kibit-balikat kong sagot. Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Hindi ko nakumpleto ang simbang gabi pero nakapagsimba naman ako kahit papaano kasama ang kapatid ko.

Pasukan na naman kaya halos lahat sa kaklase ko ay tamad na tamad kung titingnan. Ang ilan pa sa kanila ay inaantok habang abala sa kaniya kaniyang cellphone. Ako? 'di ko alam. Isa lang ang gusto kong mangyari, ang makita si Ace. Alam kong corny kung pakikingan, pero 'yon ang totoo.

Napailing-iling na lang ako habang naririnig ang reklamo ng mga kaklase ko. Sa huwebes at biyernes kasi ay exam na naman. Hindi ko rin naman sila masisi. Kagagaling lang sa mahabang bakasyon tapos mga test papers ang isasalubong sa 'min.

----------

Lunch na, at nagdadalawang isip ako kung pupunta ba sa math garden o hindi. Hindi ko kasi nakita si Ace mula kanina at hindi ko rin alam kung nakapasok na ba ito o hindi pa.

"June!"
Mabilis pa ata sa alas kwatro ang paglingon ko sa pintuan nang marinig ang pamilyar na boses niya. Automatic ata akong napangiti nang makita siya. Siguro, napapadalas na ang pagngiti ko dahil sa lalaking 'to.

Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa 'kin at sigurado akong galing ito sa pagtakbo dahil sa mga namumuong pawis sa noo niya. Ramdam ko ulit ang mga titig ng iilan kong kaklaseng natira sa classroom pero hindi ko na lang ito pinagtuunan nang pansin.

Mabilis kong kinuha ang bag saka ang iilan pang gamit saka lumabas ng room.

"Kumusta?"
Ito ang bungad niya sa 'kin nang sabayan ko siya sa paglalakad.

"Okay lang. Ikaw?"


"Quarter to 11 yata kami nakauwi kagabi, tapos late din ako kanina nakapasok kaya 'di kita napuntahan man lang."


"Ayos lang. Akala ko lang talaga hindi ka pumasok."
Lumapad ang ngiti nito saka tumigil sa paglalakad.

"Dumadaldal ka na yata kahit papano, June?"
Pati tuloy ako ay napatigil sa paglalakad nang mapagtanto kung anong sinabi nito.


'oo nga 'no?'
Pagsang-ayon ng utak ko.

"Iba talaga magpamiss ang kagwapuhan ko."
Sa sinabi niyang 'yon ay pareho kaming natawa. Sino namang mag-aakala na makakasundo ko ang lalaking 'to?


Nang makarating kami sa Math garden ay naupo kami sa kaniya-kaniyang pwesto.



"Kumain ka na ba?"
Umiling ako saka ipinakita ang lunch box kong hindi pa nagagalaw. Kinuha rin nito sa bag niya ang isang lunch box.


"Nagbaon ka?"



"Oo. First time. Takang taka nga si papa nung niready ko 'to."
Saad naman nito kaya napangiti na lang din ako. Maging ako ay hindi inaasahang magbabaon ito.



"Wait lang."
Kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa saka kumalikot doon ng kung ano ano. Tumugtog ang pamilyar na kanta. Breakeven ng The Script.



"Alam mo 'yan?"
Tanong nito kaya tumango na lang ako. Mahilig sana akong makinig sa music, pero wala akong cellphone kaya madalas lang na bukas ang radyo tuwing gabi hanggang kinabukasan. Mas madalas din itong bukas kaysa sa TV lalo na kapag nasa bahay ako. Bukod pa ron, madalas kong naririnig na pinapatugtog ni Des ang kantang 'yan.



Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon