(v)

51 10 2
                                    

*-*-*-*-*-*-*
(v)
-----------------

"May gusto ka bang itanong na hindi mo naintindihan?"
Tanong ko habang nakatingin sa kaniya nang diretso. Nangalumbaba ito habang nakangiting nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at nagsimulang ayusin at iligpit ang mga gamit ko.



"Meron."
Aniya habang ang lawak ng ngiti. Hindi ko tuloy alam kung may natutunan ba 'to kahit kakarampot.


"Ano 'yon?"
Tumigil ako sa ginagawa at tiningnan siya nang seryoso.



"Ilang taon ka na?"
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya bago ibinaba ang tingin at napabuntong hininga.


"Seventeen."
Maikling sagot ko. Tiningnan ako nito mula taas hanggang baba animo'y sinusuri ako.


"Weh? Hindi halata."
Saad pa nito. Hindi na lang ako umimik pa. Tumingin ito sa relo niya at ganoon din ako. Mahaba pa naman ang oras bago matapos ang lunch time. Kaya siguro maaga kaming natapos ngayon ay dahil maaga siyang dumating at nakinig naman. Tingin ko ay may katiting ulit siyang natutunan. Note the sarcasm.


"Teka, aalis ka na ba agad? Hindi pa naman time eh."
Nakataas kilay nitong tanong sa 'kin.




"Bakit?"


"Anong 'bakit'?"
Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ko rin alam kung anong gimik niya.


"Bakit?"
Tanong ko ulit. Tinaasan ko rin siya ng kilay kaya bahagya siyang natawa. Pinatong ang magkabilang siko sa mesa at nangalumbaba habang natatawang nakatitig sa'kin. Umiwas ako ng tingin.



"Hindi ka sanay sa eye contact?"



"Hindi."
Tipid na pag-amin ko. Bahagya namang may katotohanan. Naiilang kasi ako sa ibang tao, bukod kay Mama at Desi (na kapatid ko).


"Ganiyan ka ba talaga?"



"Alin?"



"Ganiyan. Isang tanong, isang sagot? Straight forward?"
Pang-uusisa pa nito. Nakatitig pa rin sa 'kin. Tumango lang ako at pinaglaruan ang kamay kong nakapatong sa hita ko.



"Ang tahimik mo talaga."
Saad pa nito. Bumuntong hininga siya bago nag-unat unat ng braso na lagi niyang ginagawa. Dumukot siya sa bulsa ng isang chewing gum at nginuya iyon. Napakurap ako nang mapansing nakatitig pala ako sa kaniya nang gawin niya 'yon.



"Teka, aalis ka na?"
Tanong niya na napatayo rin nang bigla akong tumayo at iniligpit ang mga gamit.




"Oo."




"Sabay na tayo."
Gaya kahapon at nung isang araw ay sabay kaming naglakad palabas ng library hanggang sa tapat ng Math garden. Tumigil ako saglit at ganoon din siya. Hindi ko alam kung bakit biglang ang weird ngayon.



"Bakit?"
Tanong ko nang mapansing nakatingin ito sa 'kin. Binuka nito ang bibig niya para sana magsalita pero agad siyang tumigil at tinikom ang bibig. Ngumiti siya sa 'kin bago kumaway.
Napakibit balikat na lang ako bago bumalik sa classroom.



-----------



"Class dismissed."
Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagkaniya-kaniyang ayos ng mga gamit. Ang mga babae ay sari-sariling kuha ng polbo at suklay. Napatingin ako sa katabi kong si Stella. Ganoon din siya, bahagya rin itong naglagay ng lip shiner.



Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon