*-*-*-*-*-*-*
(xiv)
-----------------Pansin ang kakaibang aura sa paligid, katatapos lang kasi ng second periodical test nitong biyernes kaya ayon, todo ingay ang mga kaklase ko. Bukod pa ron ay nalalapit na ang fiesta sa lugar namin, marami kasing taga roon ang nag-aaral dito.
Sabado ang fiesta at inaasahan na magkakaroon ng parada. Sa totoo lang, 'di ko alam kung anong purpose ng parada e mukha lang naman kaming nag-aalay lakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw."Good morning!"
Hyper na bati ni Stella. Kararating lang nito halos. Nginitian ko lang ito bilang pagbati. Tumango tango siya at basta na lang nito ibinagsak ang gamit sa upuan niya saka masayang pumunta sa mga kaibigan niya. Kahapon kasi ay dumating yung mga nagtatayo ng peryahan, uso 'yon pag fiesta eh. Kahit maliliit na rides lang, maingay na binggohan. Siguradong hindi na naman ako makakatulog, malapit lang kasi sa bahay namin ang loteng ginagamit nila."Anong balak niyo?"
"Uyy, peryahan tayo maya!"
"Maraming chikas do'n, sigurado."
Rinig kong usapan nila. Napailing-iling na lang ako. Mas natuwa pa sila lalo dahil next week naman ay sembreak, isang linggo rin halos 'yon. Siguradong mabuburo lang ako sa bahay. Minsan naiinggit ako sa kanila, naeenjoy nila yung kabataan nila. Hindi sila kill joy gaya ko, ika nga ni Des. Pero madalas, aanhin ko naman 'yon? Boring akong tao at tanggap ko naman 'yon. Medyo.
"Prinsesa!"
Napalingon ako sa may bintana, sa likod. Nandoon na naman si Ace. Hawak nito ang isang pirasong papel habang winawagayway sa ere.Pinagtaasan ko lang ito ng kilay. Imbes na umalis ay pinagdikit nito ang dalawang palad saka ako tiningnan habang nagpapaawa. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at saka puntahan siya.
"June! Pakawalan mo 'ko!"
Umarte pa ito na animo'y nasa kulungan kahit siya naman yung nasa labas. Nakahawak ito sa rehas na nasa bintana. Inirapan ko lang ito."Joke lang."
Malakas na tawa nito saka umayos ng tayo.
Binuka nito ang papel at pinakita sa 'kin. Sulat kamay niya 'yon."Scores ko 'yan sa lahat ng subject."
Saad nito habang sobrang lapad ng ngiti. Nahihimigan ko ang kaunting hangin sa pamamaraan ng pagtingin nito sa 'kin kaya napairap ako."Okay. Good."
Tipid na tugon ko. Napasimangot ito at pinakita ulit sa 'kin ang papel."Good lang?! Pinaghirapan ko 'yan para sa'yo prinsesa----"
Natigil ito sa pagsasalita nang tingnan ko ito ng masama.
"'Di na mabiro e."
Napakamot ito sa ulo niya saka tinupi ang papel at ibinulsa ito."Pupuntahan ulit kita mamaya."
Saad nito saka pa nagpogi-sign. Nung una ay paatras itong naglalakad habang nakangiti, kaya napaiwas ako ng tingin at tinalikuran siya. Hindi na ako lumingon pa ron. Ayoko kasi talaga ang ngiti niyang 'yon. Bumibilis lang ang kabog sa dibdib ko...Matapos nung nangyari sa ilalim ng ulan ay lagi na ako nitong pinupuntahan. Kahit kasi sabado at linggo ay hindi nito pinaligtas. Pumupunta siya sa bahay at gagawing excuse na tuturuan ko pa raw siya. Kahit kaunti lang naman ang naituturo ko dahil nakikipagdaldalan siya kay mama at sa kapatid ko.
"Oy."
Napalingon ako sa kumalabit sa 'kin at nakita si Stella."Bakit?"
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19