*-*-*-*-*-*-*-*
(vii)
--------------------Napairap na lang ako at nilingon siya. Sinamaan ko ito ng tingin. Napatigil ito sa pagsipol.
"Bakit?"
Nakangiti nitong tanong sa'kin. Wala nga sana kaming tutorial buong maghapon pero hindi naman ako nito tinantanan. Maya't-maya ito kung pumunta sa classroom namin para manggulo. Nakikitropa pa siya sa mga kaklase kong lalaki.
Nung uwian naman ay nakatayo lang ito sa tapat ng gate at nung nakita ako nito ay agad itong sumunod sa akin."Psh."
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad ring napatigil nang maramdaman ko ulit itong sumusunod."Bakit? Bakit mo 'ko sinusundan?"
Asar na saad ko sabay lingon dito. Tumawa ito nang malakas saka ako nilapitan."Hindi kita sinusundan."
Rason nito habang patawa tawa."Ano?"
"Relax. Nakasalubong na naman ang kilay mo. Sige ka, baka tumanda ka agad niyan."
Pang-aasar pa nito. Inirapan ko na lang siya. Tiningnan ko ito nang masama."Subukan mo pang sumunod."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at agad na akong naglakad nang mabilis. Rinig ko pa ang pahabol nitong 'Ingat ka Prinsesa'.
Napairap na lang ulit ako at hindi na muling lumingon.-------
Napatampal na lang ako sa noo. Pakiramdam ko ay gusto kong sapakin 'tong nasa harap ko. Heto na naman ako at magtuturo sa kaniya habang wala itong ibang ginagawa kundi ang bwisitin ako at inisin.
"Bakit?"
Takang tanong nito nang mapansin ang matalim na titig ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, tinatanong ko ito kung anong mga lesson nila na hindi niya naiintindihan para maturuan ko siya. Ang sabi niya ay hindi niya alam kaya nanghingi ako ng notes.Pabagsak na inilapag ko sa tapat niya ang notebook na binigay nito sa 'kin.
Agad niya naman itong pinulot at binuksan. Tumambad sa mukha niya ang puro drawing."Ahh. Maganda ba?"
Tanong nito habang manghang manghang tinititigan ang mga drawing niya na hindi ko naman maintindihan. Siguro ay kinder ang nagdrawing no'n."Ako nagdrawing nito."
Proud na sabi pa nito na akala mo naman ay nakakabilib ang mga pinaggagawa niya."Manghiram ka ng notebook sa kaklase mo."
Untag ko na hindi pinansin ang mga sinasabi niyang kalokohan."Ikaw na. Tinatamad ako--"
"Aalis na 'ko---"
Hinawakan nito ang braso ko at saka ngumiti."Joke lang. Diyan ka lang at manghihiram ako."
Napakamot ito sa ulo at saka umalis na.
Napailing na lang ako. Kailan ba magbabago ang isang 'yon.Ilang minuto ang makalipas ay nakabalik na ito dala ang apat na notebook. Inilapag niya ito sa tapat ko. Tiningala ko ito habang ngumiti lang siya sa'kin.
"Alis."
Utos ko nang mapansin ang malapit nitong mukha sa 'kin. Napatawa na lang ito nang mahina at saka bumalik sa dati niyang pwesto. Kinuha nito ang cellphone niya at may kung anong kinalikot doon.
Habang binabasa ko ang mga notebook na nahiram niya ay napapasulyap ako sa kaniya. Pawis na pawis ito habang ngumunguya ng kung ano. Nang lumingon ito sa 'kin ay patay malisya akong nagsulat kunwari.
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19