*-*-*-*-*-*-*
(xvi)
-----------------"Ayoko sabi!"
Inis na sabi ko. Nandito kami ngayon sa gilid ng entrance ng ferris wheel. Naghihilahan. Medyo agaw pansin na nga kami dahil sa pangungulit nito. Nakakapit ang isang kamay ko sa bakal habang hinihila naman nito ang kamay ko papasok."Sige na. Ang KJ mo naman."
Untag nito. Pawis na pawis na kami pareho dahil sa paghihilahan sa loob ng ilang minuto. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ilang napapadaan. Mukhang inip na inip na nga yung babae sa loob ng ticket booth e."Isa. Ayoko nga!"
Iritang irita na 'ko. Matapos naming kumain ay dito niya ako inaya. Ayon, ayoko dahil ang corny lang naman. Napapanuod ko kasi sa palabas yung eksena ng mga magkakasintahang sumasakay rito. Ang mais."O sige, sa ibang balloon ako sasakay. Okay na?"
Binitawan din ako nito sa wakas. Nangalay ang kamay ko kakahawak sa bakal na 'yon 'wag lang ako nito matangay. Tiningnan ko muna ito nang masama saka napairap."Yes!"
Mahinang saad nito, alam naman kasi niyang hindi ko kayang makipagkumpetensya sa kakulitan niya. Nginitian ako nito saka dumiretso sa babae para bumili ng dalawang ticket. Kinindatan pa ako nito kaya napaismid na lang ako. Binuksan nito ang nasa tapat ko pero nang nakaupo na ako ay sumunod siya at umupo sa tabi ko."Anong ginagawa mo?"
Pinandilatan ko ito ng mata. Napakamot na lang ito sa ulo. Tinutulak ko ito pero nasita lang ako ng nag-ooperate dahil aandar na raw at baka mahulog si Ace.
Ang totoo niyan, tinatakpan lang ng inis ang kaba ko. Hindi ko alam kung para san ba 'yon, dahil ba sa medyo takot ako sa matataas na lugar? O baka dahil katabi ko siya sa korning ferris wheel na 'to...Napabuntong hininga na lang ako at umusog sa kabilang dulo.
"Takot ka ba? Hawak ka rito, o."
Tumango lang ako at ginaya ang ginawa niya. Sa unang pagtaas ng ferris wheel ay nahigit ko pala ang paghinga ko. Kinakabahan ako, kung ano anong bagay ang mga naiisip ko. Pano kung mahulog kami? Kung magkaproblema sa makina at hindi umandar? Pano kung bumigay ang mga bakal?Mga ganong bagay. Pero agad nawala 'yon nang makita ko ang view. Maganda. Kitang kita ko ang mga tao sa baba, ang makukulay na ilaw. Ang ganda nilang pagmasdan.
Nalibang ako kahit papaano."June."
Napalingon ako kay Ace dahil sa pagtawag nito. Tiningnan ko lang ito habang nag-aabang sa sasabihin niya."Kinakabahan ka rin ba?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong nito.'Kinakabahan din siya?'
Bakit naman? Tanong ng utak ko. Baka naman takot din siya sa matataas na lugar gaya ko."Baba na tayo?"
Tanong ko saka dinungaw ang mga tao sa baba."Hindi. M-may sasabihin sana ako."
"Ano 'yon?"
Tanong ko ulit. Pakiramdam ko tuloy ay kinakabahan na rin ako dahil sa kung ano mang sasabihin niya."G-gusto--"
Tumigil ito saka bumuga ng hangin. Tumingin ito sa taas na akala mo ay humihingi ng lakas ng loob. 'gusto?'"Salamat nga pala sa tulong mo."
Nakangiting saad nito. Pero ramdam ko pa ring hindi ito mapakali. Panay kasi ang pagkamot nito sa buhok niya."May gusto ka pa bang sabihin?"
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-aabang sa kung anong gusto niyang sabihin. Ganon din ito sa 'kin. Ni hindi ko nga namalayang nakatingin lang kami sa isa't-isa hanggang sa tumigil ang pag-ikot at pinababa na kami."Ang hirap naman pala."
"May sinasabi ka?"
Umiling-iling lang ito saka naunang maglakad.'Anong problema no'n?'
Napakibit-balikat na lang ako saka sumunod sa kaniya."Uyy."
Napalingon ako kay Stella. Kasama nito ang ilan naming kaklase kaya nginitian ko na lang silang lahat."Kasama mo si Ace?"
Tanong nito. Tumango lang ako."Galing kayo sa ferris wheel? Nasa'n siya?"
Pang-uusisa pa nito kaya itinuro ko na lang si Ace. Nakatayo lang ito sa gilid ng mga nagbi-binggo at nakikinuod. Kung titingnan mo ito ay masasabi mong simple lang naman ang suot nitong shorts at asul na t-shirt. Pero pakiramdam ko ay angat na angat ito sa mga lalaking nandito."Mauna na kami ah?"
Tumango lang ako saka siya kinawayan. Sumakay ito sa ferris wheel kasama ang mga barkada niya.Sumunod ako sa kinatatayuan ni Ace at tinabihan siya. Pero siniguro ko pa ring may sapat na distansya sa pagitan namin.
Hindi naman ito nanunuod. Napansin ko kasing nakatulala lang ito sa isang partikular na bingo card. Malalim ata ang iniisip."Ace?"
"Bakit?"
Balik tanong nito na para bang nabalik siya sa reyalidad. Hindi ako sumagot."Gusto mo na bang umuwi?"
Tiningnan nito ang suot niyang relos."Alas diyes na pala. Baka hinahanap ka na ni Tita."
Normal lang naman sigurong makaramdam ng bahagyang lungkot dahil uuwi na kami, hindi ba?"Tara."
Pag-aaya nito saka nauna nang maglakad. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya habang iginagala ang mata sa paligid. Hindi natin alam, baka ito na pala ang una at huling punta ko sa peryahan.Maging sa paglalakad namin pag-uwi ay tahimik lang ito. Hindi ko tuloy alam kung may nasabi na naman ba akong masama o ano. Hindi kasi ito umiimik. Tila malalim lang ang iniisip niya.
Pagdating sa tapat ng bahay namin ay pareho kaming tumigil. Humarap ako sa kaniya saka inusisa ang mukha nito. Hindi naman ito malungkot o ano pa man.
"Papasok ka na ba?"
Tanong nito."Uhh. Hintayin na kitang makaalis."
Tugon ko. Tingin ko'y tulog naman na sina mama o baka naman si Des ay abala sa pagfe-facebook."June."
"Bakit?"
"Nag-enjoy ka ba?"
Tumigil ito saglit."Sa date natin?"
Dugtong pa nito."Ha?"
Tila nabingi ako. Ano raw? Date namin? Date ba 'yon? Sinundo niya ako at hinatid. Gumala kami sa perya kahit ang ang boring, KJ at korni kong kasama. Kumain kami ng streetfoods. Sumakay sa ferris wheel at... Uminom siya sa boteng ininuman ko. Date ba talaga 'yon? Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Sa loob ng isang araw ay pang-ilang beses na itong ganiyan."Masaya ako. Pero may gusto pa 'kong sabihin e."
Hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang ito nang seryoso. Hindi pa rin ako makamove-on sa sinabi niyang 'date namin' kuno. Hindi ako makapaniwala. Nagbibiro lang naman ito 'di ba? Pero... Bakit parang hindi ko gustong biro lang ito."Mauuna na 'ko ah?"
Tumango lang ako kahit na kating kati akong itanong kung ano ba yung gusto niyang sabihin mula kanina. Nagsimula na itong maglakad habang nakatanaw lang ako sa likuran niya. Hindi pa naman ito gaanong nakakalayo nang huminto ito at humarap sa'kin."June!"
Sigaw niya. Naalarma naman ako dahil baka magising ang ibang kapitbahay at mapagalitan pa kami.
Sinenyasan ko itong manahimik pero ngiti lang ang isinukli nito sa 'kin. Nilagay nito ang dalawang kamay sa gilid ng bibig niya.'Ano nanaman ba ang gagawin niyang kabaliwan?'
Sisigaw ba ito? Nangunot ang noo ko nang ngumiti ito ng malapad habang nakatitig sa'kin. Nagulat na lang ako nang sumigaw nga ito. At hindi ko inaasahang gano'n ang lalabas mula sa bibig niya..."Gusto kita, June Rye Romero!"
Saka ito tumakbo paalis at naiwan akong tulala at nakanganga sa pwesto niya kanina.*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19