*-*-*-*-*
(xxvii)
-----------"June, sandali!"
Hindi ko pinansin si Ace kahit na agaw eksena na kami sa kalsada. Kahit na anong pangungulit pa ang gawin nito. Matapos nang pag-amin ko kanina ay nakatitig lang ito sa 'kin. Hindi makapaniwala. Kaya tumalikod na lang ako dahil sa hiya."June---"
"Bakit?"
Tanong ko saka ito hinarap. Hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya. Pero nakikita ko ang labi nitong pinipigilan niyang kumurba."Yung sinabi mo kanina..."
"Tingin mo nagbibiro ako?"
Napakamot ito sa ulo niya. Napakagat labi ito habang pigil na pigil ilabas ang ngiti niya."Anong ibig sabihin no'n?"
Pagtatanong pa nito. Nagkibit balikat ako saka siya muling tinalikuran. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang kumawala ang ngiting kanina ko pa pinipigilan."June, ibig sabihin ba nito---"
"Ang ibig sabihin no'n, umuwi ka na dahil gabi na."
Tumango ito kaya ginawa ko 'yong senyales para magpatuloy sa paglalakad. Malapit na ako sa bahay namin nang lumingon ako. Nakasunod pa rin pala ito sa akin. Malapad ang ngiti nito at nang makita ako nitong nakalingon sa kaniya ay agad itong tumikhim saka pasimpleng lumingon sa likuran niya.Muntik pa akong matawa dahil sa reaksyon nito. Bago ako pumasok sa pinto ay nilingon ko ulit siya. Kumaway kaway pa ito. Tipid ko itong nginitian saka na pumasok.
Pagpasok ko ay agad akong napasandal sa pintuan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang weird lang.
"O anak."
Inayos ko ang sarili saka nagmano kay mama. Tiningnan nito ang mukha ko saka ako sinuri."Aba, masaya ata ang anak ko."
Untag pa nito. Hindi ko na nakayanan. Kumawala ang malaking kurba sa labi ko na kanina ko pa pinipigilan.Pag-akyat ko sa kwarto ay sinalubong ako ni Des ng cellphone niya.
"Ano 'yan ha?"
Tanong nito habang nakaharap sa 'kin ang screen ng cellphone niya."Binubuksan mo pa rin ang account ko?"
Nanlaki ang mga mata ko habang nakikita ang sunod sunod na chat ni Ace. Kahit hindi pa inaaccept ni Des ang friend request pati ang message request nito ay patuloy pa rin itong nagchachat.'Thank you, June'
May kasama pa 'yong green na puso."Tingnan mo ate, ha?"
Pinindot ni Des ang profile nito. Isang green heart emoji lang ang nakalagay sa bio nito. Nagpalit din pala siya ng profile picture."wag ka rito, may Hunyo na 'to"
Nahiya ako nang mabasa ang caption ng profile picture niya. Ilang linggo niya na 'yong inupdate. Nakaupo lang naman ito sa waiting area ng school suot ang kumpletong uniporme niya. Maraming likes, reacts at comments."Famous pala si Ace, 'te."
Saad ng kapatid ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa lang ito saka nilog-out ang account ko at bumalik sa dating pwesto niya.Naupo ako sa monoblock chair na kaharap ng study table saka kinuha ang diary ko. Napawi ang ngiti ko nang mabasa ang nakasulat sa likod ng pahina.
'Operation: SS'
Muli ay nagulo na naman ang utak ko. Hindi ko na naman alam kung paninindigan ko ba kung anong goal ko o hahayaan na lang ito at sumabay sa agos ng buhay. Ang gulo.
Dahil sa nabasa ko ay agad akong nawala sa mood. Bakit ba kasi ang gulo ko masyado?
----------------
"Good morning!"
Napaangat ako ng tingin at nakita si Ace. Nasa gilid ito ng gate. Alam kong ako ang hinihintay niya.Tumango lang ako. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito nang basta ko lang ito nilagpasan. Napabuntong hininga ako saka bumilang sa isip ng tatlo. Matapos ang tatlong bilang na 'yon ay narinig ko ang pagtawag nito sa 'kin.
"June."
Akala ko ay hindi ako titigil. Akala ko ay hindi ko na ito kikibuin, dahil 'yon naman talaga ang pinag-isipan kong gawin mula kagabi. Pero mali. Namalayan ko na lang ang sariling nakatigil.Naramdaman ko ang pagtapik nito sa balikat ko. Tiningnan ko ang kamay nito saka siya nilingon. Tiningnan ako nito nang may pagtataka saka nanlulumong inalis ang kamay niyang nasa balikat ko.
"Iiwasan mo na naman ba ako?"
Tanong nito na hindi ko na lang pinansin at sinagot pa. Napabuga ito nang hangin saka umikot at pumunta sa harap ko."May nagawa na naman ba akong hindi mo nagustuhan? June..."
"Wala. Mauna na 'ko---"
Nag akmang lalagpasan ko ito ay hinawakan ako nito sa braso kaya napatigil ulit ako sa paglalakad sa ikalawang pagkakataon. Nakakainis lang dahil maging ang simpleng gesture niyang 'yon, malaki ang nagiging epekto sa akin. Pisikal man o hindi."June."
May diing bigkas nito sa pangalan ko. Nagulat ako nang bigla ako nitong hilain. Wala akong ibang nagawa kundi magpatianod sa kaniya at hindi umimik. Hindi na ako nagulat pa nang dal'hin ako nito sa palagi naming pinupuntahan.Math Garden.
"Sabihin mo nga sa 'kin, June. May problema ba?"
Mahinahon ang boses nito. O mas mabuting sabihing pinapakalma nito ang sarili para maging mahinahon."Do'n ka na lang sa Daniella."
Pagtataboy ko rito. Sa totoo lang ay wala naman akong problema sa babaeng 'yon. Siya lang ang naisip kong excuse. Ewan. Ang gulo ng utak ko. Nakakainis."Nagseselos ka ba? Akala ko ba malinaw na 'yon sa 'yo?"
Hindi ako kumibo. Yumuko lang ako. Rinig ko ang pagbulong nito ng "aish" saka nagsalita ulit."Yung sinabi mo kahapon---"
"Nagsinungaling ako kahapon."
Untag ko na hindi man lang siya hinayaang tapusin ang dapat na sasabihin. Alam kong gulat ito. Maging ako ay gano'n din. Hindi ko inaasahang lalabas 'yon mula mismo sa bibig ko."Ano?"
Napabuntong hininga ako saka siya hinarap. Hindi ko kayang ulitin kung ano mang sinabi ko. Alam kong mas nagsisinungaling ako ngayon kaysa kahapon. Alam kong totoo ang lahat ng sinabi ko kahapon. Pero...'bakit ko na naman ba binabawi?'
"Sorry, Ace."
'yon lang ang nasabi ko. Kumunot ang noo nito saka inihilamos ang palad sa mukha niya. Alam kong naguguluhan din siya sa pabago bago kong utak. Sa mga kilos kong hindi sigurado."Hindi kita maintindihan, June."
Saad nito saka ako tinalikuran. Bagsak balikat akong napatingin sa likod nito, sa pag-aakalang lilingon ito pabalik.Pero hindi, dahil hanggang sa mawala ang pigura nito sa paningin ko ay hindi na siya lumingon pa.
----------------
A/n:
Hi guys, gusto ko lang sanang itanong kung nasasagot ba mga tanong niyo sa story? Kung may mga part bang nalilito kayo? Malapit ko na kasing tapusin 'tong story, naghahanap lang ako ng tamang tyempo.
Sorry if this story doesn't reach your expectation. Ano kasi, gusto ko lang na smooth and simple yung takbo ng story na 'to. Ace and June's story is just purely teen fiction, kaya ayoko nang gawing masyadong complicated. Gusto ko kasing masasalamin dito yung reality, knowing na ang mga bida natin ay high school students pa lang. I just want this story simple, hanggang huli. Less drama and less confilcts. Hope that you get my point.
Thank you sa mga masisipag na naghihintay kahit na sobrang tagal ng update ko. Thank you sa matiyagang paghihintay kahit na masyadong mababaw ang updates (maging ang buong story). Thank you guys! I love youuuu.
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19