*-*-*-*-*-*-*
(xxxii)
-----------------Alas kwatro pa lang at nagsisipag-usap na lang ang mga kaklase ko, pero nandoon na agad si Ace sa labas. May dala itong paper bag. Siguro, nakuha niya sa exchange gift.
Agad sa 'kin napatingin si Stella. Tinaasan lang ako nito ng kilay saka nangingiting nginuso si Ace. Maging ang mga kaklase ko ay nasa akin na naman ang atensyon.
Alam kong lahat sila ay kuryuso sa pagiging malapit ko kay Ace, siguro hindi lang sila nagtatanong. Para saan pa at wala naman akong balak na sagutin alin man sa tanong nila.
"Kami na lang maglilinis. Magpaparty pa kami!"
Sigaw ng isa kong kaklase."Ma'am paunahin mo nang umuwi si June."
Sabad naman ng isa kaya lalo akong nahiya. Sumibol ang malakas na panunukso nila. Maging ang adviser kasi namin ay nakikisabay.'Wrong move. Hindi mo na dapat hinayaan na sunduin ka rito ni Ace'
Litanya ng utak ko na animo'y pinapangaralan ang sarili."Naku kaya naman pala nag-aaral na nang mabuti si Ace."
Lalong umugong ang ingay sa sinabi ni ma'am."May inspiration!"
Sigaw ng iilan sa mga kaklase ko. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang nakangiting mukha ni Ace sa labas habang nakasilip sa bintana. Panaka-naka rin ang pagkamot nito sa ulo niya."Sige na. Puntahan mo na si Ace!"
Pamimilit ng isa kong kaklase na kalaunan ay sinang-ayunan ng lahat. Wala akong ibang nagawa nang iabot sa akin ni Stella ang mga gamit ko pati ang tray. Maging ang teacher namin ay ngiting ngiti habang nakatingin sa 'kin. Nagpasalamat na lang ako saka humingi ng paumanhin dahil hindi ako makakapaglinis ngayon.Hiyang hiya ako nang lumabas sa room dahil rinig na rinig ko ang malakas nilang tilian. Daig ko pa tuloy ang ibenenta ng mga kaklase. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Ace sa gilid ko, senyales na nakasunod agad ito sa 'kin.
"Grabe. Nakakahiya. Nakakabakla. Tae."
Hindi ko magawang lingunin ito dahil sa hiya. Ramdam na ramdam ko rin kasi ang pag-init ng buong mukha."June."
"B-bakit?"
Napakamot muna ito sa ulo niya saka inabot sa 'kin ang isang green na paper bag. Maganda ang kulay at pagkakagreen nito kaya napatagal ang pagkakatitig ko rito."Ano 'yan?"
Takang tanong ko. Akala ko ay, nakuha niya 'yon sa exchange gift nila. Kaya nakakapagtaka kung bakit niya ito ibibigay sa 'kin."Ano,"
Huminto siya sa pagsasalita saka lumingon sa paligid. Nahihiya."Hindi ko kasi alam kung sa pasko ba kita reregaluhan o ngayong party. Pinag-ipunan ko 'yan. 'Di ko lang alam kung magugustuhan mo."
Speechless. Hindi ako halos makapagsalita nang kunin ko ito mula sa kamay niya. Bakit ganon? Ako nga, walang balak na bilhan man lang siya ng regalo. Kailangan ba kasi 'yon?"Bakit mo ko binibigyan ng regalo?"
"Hindi ko alam. Tanggapin mo na lang. Hirap na hirap nga ako sa pagpili niyang paper bag na 'yan."
Pagrereklamo nito kaya muling napadako ang tingin ko sa paper bag na binigay niya.'ano kayang laman nito?'
Excited. 'yon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Parang gusto ko na lang umuwi at buksan ang regalo niyang 'to. Lalo na at pinag-ipunan niya. Sa ikalawang pagkakataon, pakiramdam ko ay sobrang importante kong tao.
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19