(xxix)

19 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*
(xxix)
-----------------

Tahimik at mabagal akong naglalakad habang panay ang linga sa paligid. Umaasang makikita o makakasalubong ko man lang siya. Sinadya kong agahan ang paglabas ng room ngayon. Alam ko kasing maaga ang uwian nila lagi.

Tama ang kalkulasyon ko. Agad umakyat ang kaba sa buong sistema ko nang makita ko itong naglalakad sa may 'di kalayuan. Mag-isa lang siya. Bagot na bagot itong tingnan at animo'y sobrang bigat ng bag na nakasukbit sa balikat niya. Mas lalo ko pang binagalan ang paglalakad habang panaka-nakang sumusulyap sa kaniya. Hindi ko alam na makakaya kong magpapansin sa kaniya nang ganito.

Mula sa gilid ng mata, ay nakita ko itong dumukot sa bulsa niya. Chewing gum. Napangiti ako nang tipid dahil do'n.
Nanlaki ang mata ko nang mahuli ako nitong nakatingin sa kaniya. Gano'n na lang ang pag-iwas ko nang tingin.

Mali bang umasa ako na pupunta ito sa 'kin?

'mali nga.'

Bagsak balikat akong nagpatuloy sa paglalakad. Matapos ako nitong makita ay binilisan nito ang lakad saka walang lingon na nagdire-diretso sa paglalakad.

Kakaibang kirot sa dibdib ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Gano'n pala 'yon?

'ano na ngayon, June?'
Tanong ko sa sarili habang tinatansya kung anong dapat gawin. Nagtatalo ang isip ko kung hahabulin ba ito o hindi. Kung aakto na lang ba akong parang walang nangyari o kakausapin siya. Madali lang naman magsorry 'di ba?

'madali lang.' untag ko sa sarili. Pero bakit nahihirapan akong gawin 'yon? Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Inuunahan ako ng kaba, ng hiya. O baka dahil 'yon sa sobrang taas ng pride ko. Nahihirapan akong ibaba 'yon. Nahihirapan akong aminin na ako ang mali. Na dahil sa kakaibang mind set ko kaya gan'to ang nangyayari. Na dahil 'yon sa pag-iinarte ko.

Napabuntong hininga ako saka naglakas loob. Binilisan ko ang paglalakad habang nag-iipon ng mga salitang dapat sabihin sa kaniya. It's now or never. Ika nga.

"Ace..."
Nagmistulang boses ng langgam ang sigaw kong 'yon. Nasapawan ng isa pang sigaw. Napatigil ako sa paglalakad. Tila nawala ang lakas ng loob na inipon ko. Tila pinanghinaan ako ng loob dahil sa nakita.

Si Daniella iyon. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakikita ang patakbong paglapit nito kay Ace. Nanikip pa ito lalo nang makita kong nginitian siya ni Ace pabalik.

Alam kong mali 'to. Pero nakakaramdam ako ng inggit. Ng inis.

Bakit nagagawa niya itong ngitian nang gano'n pero ako, nilalagpasan at dinaraanan niya lang. Bakit gano'n?

"Uy, akala ko ba uuwi ka agad?"
Napatingin ako kay Stella. Siguro ay kalalabas lang nito ng room. Hindi ako kumibo. Sa halip ay nagsimula akong maglakad nang mabagal.

"Si Ace o."
Untag pa nito. Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Nakita ko naman na 'yon. At hindi ko 'yon gusto.

Wala sa sariling umuwi ako ng bahay. Nanghihinayang ako habang naiisip kung ano yung sinayang ko. Nanghihinayang ako. Ako dapat 'yon.

'Kagagawan mo 'yan.'
Sumbat ko sa sarili. Nagtatalo na naman ang dalawang parte ng utak ko.

'ano bang dapat kong gawin?'

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon