(xxvi)

16 3 0
                                    

*-*-*-*-*
(xxvi)
-----------

"Himala nandito ka na ulit, tol."
Napalingon ako nang marinig 'yon. Kaniya kaniyang ligpit na sila ng mga gamit dahil na rin sa mag-uuwian na.
Si Ace ang kausap ng isa kong kaklase. Dahil nga sa madalas na nandito si Ace, madalas na rin siyang kinakausap ng mga kaklase kong lalaki. Mga lalaki nga naman.

"Oo."
Saad naman nito saka tumawa nang makipag high five sa kaklase ko. Lumingon ito sa 'kin saka ako kinindatan, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Una na 'ko, June. Byebye."
Tinapik ako ni Stella sa balikat matapos magpaalam saka ito umalis na.
Kahapon kami nag-usap ni Stella. Aaminin kong naapektuhan ako sa sinabi nito, pero hindi ko na lang ito inisip pa at pinagtuunan ng pansin.

Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit saka lumabas. Nang makita ako ni Ace ay agad itong nagpaalam sa mga kaklase ko saka sumunod sa 'kin. Nakapag-usap na kami ni Ace. Hindi ko nga alam kung usap bang matatawag 'yon. Tahimik lang naman kami pareho. Napag-isipan kong 'wag nang umiwas. Magulo ako. Oo.

Naalala kong noong isang araw lang ay determinado akong iwasan siya. Pero tingnan mo nga naman ngayon. Magkasama na naman kami papunta sa math Garden. Friday bukas kaya naman sabi niya, magbibigay raw ng long quiz ang ilan sa mga teacher niya.

Nang makaupo na kaming pareho sa kaniya-kaniyang pwesto ay inabot nito sa 'kin ang notebook. Kulay asul. Simple pero malalaman mo agad na singkwenta pataas ang halaga, samantalang 'yong mga notebook ko nga ay wala pang bente ang presyo.

"Thank you."
Maikling saad ko saka ito kinuha. Nginitian na naman ako nito kaya tumikhim muna ako saka ito binuklat. Nagulat pa ako nang makita ang pangalang 'Ace Vergara' sa pinakaunang pahina.

Napatingin ako sa kaniya, nakahalumbaba ito habang nakatitig sa 'kin. Nginitian na naman ako nito.

"Notebook ko 'yan,"
Saka ito tumawa.

"Nagsusulat na 'ko."
Tumango lang ako saka muling binuklat ang notebook sa susunod na pahina. Hindi ko sinasabing pangit ang sulat nito pero parang gano'n na rin. Natawa ako dahil do'n.

"Teka. Pasensya ka na. Ano..."
Nag-angat ako ng tingin dito. Napakamot na naman ito sa ulo niya. Senyales na nahihiya na naman siya.

"Pangit kasi sulat ko."

"Okay lang."
Sagot ko saka umiling-iling na binasa ang mga sinulat nito. Kaunti lang ang sulat at halatang bago lang ito isinulat. Siguro'y mga kahapon o noong isang araw pa.

Sa pinakalikod ng notebook nito, ay mga drawing. Kung ano ano. Maganda. Nakakahanga. Hindi ko alam na may talento pala ito sa pagguhit. Akmang titingnan ko pa ang ibang pahina nang bigla nitong agawin ang notebook niya.
Gulat akong napatingin dito.

"Ano 'yon?"
Takang tanong ko dahil sa reaksyon nito. Umiling-iling lang ito saka tinago ang notebook niya.

"Ace."

"W-wala 'yon. Ito na lang."
Kumuha ito ng bagong notebook saka binigay sa 'kin. Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Nando'n ang ituturo ko."
Saad ko. Napabuntong hininga ito saka muling nagkamot sa ulo. Tiningnan ko ito nang masama.

"Pero 'wag kang titingin sa likod, okay?"
Hindi ako sumagot. Napabuntong hininga ito saka nanlulumong kinuha ang notebook niya na gusto kong makita. Nagdiriwang ang kaloob-looban ko nang iabot niya ito sa 'kin.

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon