(vi)

34 10 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(vi)
-------------------


Lumipas ang ilang araw na halos hindi matahimik ang buhay ko. Matapos nang encounter ko sa Ace na 'yon nung uwian ay hindi niya na ako tinigilan pa. Bagay na ikinasisira ng araw ko lagi.


"Hunyo!"
Napairap ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may natututunan ba ang lalaking 'yon sa mga pinagsasabi ko tuwing tinuturuan ko siya. Wala naman itong ibang ginagawa kundi ang asarin ako at bwisitin.



"Saan tayo?"
Tanong nito habang nakalagay sa batok niya ang dalawang kamay. Tamad na tamad ito kung maglakad habang sinasabayan ang mga hakbang ko.



"Bakit ang liit mo?"
Tanong nito. Hindi ko na lang pinansin. Nasasanay na rin naman ako kahit papaano. Ang pasensya kong sobrang iksi ay hinabaan ko talaga para hindi mapikon sa mga pang-aasar niya.



Nanunukat ang mga tingin nito habang tinatansya kung gaano siya katangkad. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya.



"Bakit? Anong meron?"
Rinig kong tanong nito. Nilingon ko ito at bahagya itong napaatras.



"T-teka ba't nakakatakot naman 'yang tingin mo?"
Saad nito habang nakakunot ang noong inilalapit ang mukha sa mukha ko.



"Abnormal."
Saad ko na lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.



"Hindi ako abnormal! Hayy, ano ba naman 'yan. Hindi ba tumatalab sa 'yo ang kagwapuhan ko?"
Feeling ko ay magkakalasog-lasog ang katawan ko dahil sa sobrang lakas ng hangin na dulot ng sinabi niya. Hindi ko pa ata nasasabi pero medyo makapal din ang apog ng mukha nito.




"Nga pala, kumusta? Nakita mo na ba ulit yung prince charming mo?"
Sarcastic itong tumawa. Umirap na lang ako. Isa pa 'yan. Mula nung insidenteng 'yon ay hindi ako nito nilubayan sa pang-aasar tungkol sa lalaking tumulong sa 'kin. (Na hindi ko alam ang pangalan) tinatawag niya itong prince charming at ako ay...



"Prinsesa---"
Padabog kong binagsak ang mga libro sa mesa bago pa man nito matapos ang balak sabihin. Sakto rin naman kasing nasa Math Garden na kami.



"'Wag mo nga akong tawagin niyan."
Hindi na ako nag-abalang tapunan siya ng tingin. Sa halip ay binuksan ko na lang ang libro. Pinakita ko sa kaniya ang mga quadratic equations na inihanda ko bago pumasok kanina.



"Bakit? Hindi ba gusto niyong mga babae na tinuturing prinsesa?"
Imbes na makipagsagutan sa kaniya ay pinatong ko sa papel ang ballpen at tiningnan siya nang masama.


"Ano? Quadratic equation na naman? Sawang sawa na 'ko, promise."
Rinig kong reklamo nito. Sa totoo lang, nakausad na nga ata sila sa lesson na 'to pero 'di pa rin niya makuha kuha. Hindi ko alam kung anong meron sa utak ng lalaking 'to.



"Sagutan mo within 20 minutes."
Bumuntong hininga ito at tumango. Napahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Minsan ay ganiyan siya, mabilis na susunod sa pinagagawa ko.



Pero...  gaano nga ba kadalas ang minsan na 'yan? Sa lahat ba naman ng pagkakataon ay hindi niya gagawin ang pinapasolve ko hangga't hindi ako napipikon at nananahimik. Ilang beses na rin akong nagwalk-out sa harap niya.


"Ang hirap naman. Magkwentuhan na lang kaya tayo?"
Saad niya habang nakangiti sa akin. Nakapangalumbaba na naman ito. At gaya ng lagi kong ginagawa ay inirapan ko siya. Hindi ko nga alam kung hindi ba siya nagsasawa na palaging ganito ang senaryo. Mang-aasar siya at ako naman ay mang-iirap o 'di papansinin ang mga kalokohan niya.


Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon