*-*-*-*-*-*
(xxiii)
--------------"Hi,"
Napaangat ako nang tingin sa dalawang pares ng sapatos na nasa harapan ko. Dahil nakasuot ako ng tennis kaya naman madalas kong inaayos ang sintas nito sa kadahilanang palaging naaalis ang pagkakabuhol nito."Ate."
Dugtong nito. Umayos ako ng tayo saka ito hinarap. Break time at pumunta lang akong canteen para bumili ng tubig. Nakalimutan ko kasing magdala.Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, katulad ng kung paano ako nito tinitigan nung isang araw. Maganda siya, pero laging mapula ang labi nito pati na rin ang pisngi. Gano'n din ang kasama niya.
Tinapunan ko lang sila ng saglit na tingin saka tumalikod. Nang akmang maglalakad na ako ay muli itong nagsalita. Wala rin naman akong pakialam kung anong tingin nila sa 'kin.
"Bye ate."
Tila nang-iinsultong saad nito. Hindi na ako umimik pa at bumalik na lang sa room. Hindi rin naman ako mahilig makipag-away. Ayoko namang sabihing patay na patay ang babae kay Ace pero mukhang gano'n na nga. Akala mo naman kasi ay aagawin ko sa kaniya. Akalain mo nga naman, nangyayari rin pala 'to sa totoong buhay.Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong si Ace.
'kailan ba 'ko magkakaroon ng kapayaan?'
Untag ko sa sarili. Pero siguro, malabo nang mangyari 'yon mula nang nakilala ko si Ace.Nilagpasan ko ito saka nagpatuloy sa paglalakad na animo'y walang nakita.
Nang talikuran ko ito, ay lalo lang bumigat ang pakiramdam ko."June!"
Automatic na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag nito sa 'kin. Hindi ako lumingon. Napabuntong hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.---------
Uwian na. Tila zombie ako kung maglakad sa kalsada. Pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa buong araw. Ni hindi nga rin ata ako nakikinig sa discussion at lesson e. Nakikipagtitigan lang ako sa board na para bang 'yon na ang pinakamagandang bagay sa mundo.
Napatingala ako saglit nang unti-unting pumatak ang ulan. Hanggang sa wala na akong ibang nagawa kundi tumakbo sa waiting shed para doon sumilong.
Tahimik akong naupo sa gilid habang paunti-unti ring napupuno ang shed dahil sa bahagyang paglakas ng ulan.
Napadako ang tingin ko sa dalawang taong nakasilong sa kulay pink na payong. Nakakasilaw ang kulay nito, at bukod pa ron...
Si Ace ito at ang babaeng kaklase niya. Ngayon, alam ko na kung sinong nagmamay-ari ng mga gamit na madalas ay hinihiram ni Ace. Masakit sa mata. Masakit sila sa mata.
Nag-iwas ako nang tingin, pero alam kong huli na dahil nakita na ako ni Ace. Napatingin ito sa kasama niya saka may sinabi. Maya-maya pa ay tumatakbo na ito papunta sa shed, kahit na malakas ang ulan at nababasa ito. Tinatawag siya nung babae pero hindi na ito lumingon pa, hanggang sa mapadako sa 'kin ang tingin ng babae. Napayuko na lang ako saka taimtim na nagdasal. Na sana hindi ako ang sadya ni Ace.
"June."
Pero mali. Heto na naman siya. Nag-iwas ako ng tingin saka kunwari ay walang narinig.Alam kong may kasalanan ako. Pinaghintay ko ito kahapon. Pero wala akong natanggap na sumbat mula sa kaniya. Na lalong nagpapabigat sa dibdib ko.
Tumayo ito sa gilid ko. Nakikipagmatigasan ako at pinanindigang 'wag siyang papansinin. Ayoko ng issue. Ayoko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kaya...
Iiwasan ko na lang siya hangga't kaya ko.
------------
Gano'n na lang ang gulat ko nang maalalang wala pa pala akong naipasang project sa isang subject namin. Ngayon ang deadline at lalo akong pinanghinaan ng loob. Kilala ko ang subject teacher naming 'yon at hindi ito tumatanggap ng excuses. Strikta at gusto niya laging nasusunod at initala nitong deadline.
Pabagsak akong naupo saka napatingin sa wall clock na nakasabit sa taas ng board.
Akmang magtatanong sa 'kin si Stella pero hindi ko na ito pinansin pa. Sa halip ay tinalikuran ko siya saka napayuko sa desk. Gusto kong murahin ang sarili.
Maraming nagsasabi na matalino ako. Pero hindi 'yon totoo. Masipag lang akong mag-aral. Ang pagiging matalino ay isang choice. Choice kong mag-aral at magsipag. Makakalimutin akong tao, lalo na kapag maraming pinagsasabay na gawain. Madali rin akong madistract. Madaling maagaw ang atensyon ko, kaya sinisikap kong focus ako lagi sa pag-aaral. Kaya palagi akong gumigising nang maaga para magbasa at magreview. Kapag hindi ako nakakapagbasa ay wala rin. Kung aasa naman ako sa stock knowledge, kulang pa rin. Nabablangko ang utak ko.
May mga pansariling goals din ako, at 'yon ay hindi makakuha ng bagsak na grado. Ang makitang proud si mama at ang kapatid ko. Sinusunod ko rin ang mga rules na ako lang din mismo ang gumawa. Mga rules para matupad at makamit ko ang goals na 'yon. At alam kong kasunod nito ay ang pagkamit ko sa pangarap ko.'Yon ang hindi nila makuha-kuha. 'Yon ang hindi nila alam.
Sinasabi ko sa kapatid ko na, 'wag niyang sabihing 'matalino ako'. Masipag, siguro ay 'yon ang pinaka best adjective na maidedescribe sa 'kin.
Pinalipas ko ang buong hapon na walang ginawa kundi umupo. Ni hindi rin ako kumain nung lunchbreak. Nakipagmatigasan din akong 'wag pansinin si Ace, kahit pa nakatayo lang ito sa labas ng classroom namin kapag walang klase.
Gusto ko na lang umuwi at matulog.
"June, pinapatawag ka ni Ma'am Reyes."
Tumango lang ako sa isang kaklase saka inayos ang mga gamit ko. Ni hindi na rin ako nag-abala pang maglinis. Basta ko na lang isinukbit sa balikat ang bag saka dumiretso sa faculty room."Good afternoon, Ma'am."
Mahinang saad ko nang tumapat sa table niya. Iniligpit muna nito ang ginagawa saka tinuro ang monoblock sa harap. Naupo na lang din ako roon."June, alam mo naman siguro kung bakit kita pinatawag, hindi ba?"
Hindi ako agad nakaimik. Hindi rin naman ako sigurado."May problema ka ba, 'nak?"
'yon ang tawag niya sa 'ming mga estudyante niya. Umiling na lang ako saka sumagot nang 'wala po'."Nag-usap usap kami ng ilang teachers mo, lahat sila napapansin na wala ka sa sarili. Hindi ka rin nagsubmit ng project na pinagawa ko, hindi ako nagbibigay ng exception. Magiging unfair 'yon para sa mga kaklase mo."
Litanya nito habang nakatingin nang diretso sa 'kin. Hindi ako nakapagsalita. Ano naman kasing sasabihin ko? Na stressed ako nitong mga nakaraang araw dahil kay Ace? Na nadistract ako masyado kaya hindi na ako gano'n ka-focus sa pag-aaral?Marami pang sinabi ang adviser namin. Aniya'y hindi sila sanay na wala ako sa wisyo. Hindi ko naman sila masisi. Maging ang mga kaklase ko rin naman ay napapansin na 'yon.
Kailangan ko lang siguro nang pahinga. Ngayon ko lang naisip na.
Nakakapagod din palang magtry nang sobra. Nagmumukha akong trying hard.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19