(iv)

56 10 4
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(iv)
-------------------


Lumipas ang ilang araw at biyernes na naman. Halos tatlong subject lang yata ang mayroon kami ngayong araw dahil halos kadalasan kasi ay hindi na pumapasok ang mga teacher. Tinatamad yata dahil sa kaunting bilang ng estudyante.


Matapos ng huling encounter ko kay Ace ay hindi ko na siya nakita pa ulit. Mas mabuti na rin 'yon. Kumukulo lang ang dugo ko sa kaniya. Nakakainis siya at ang kahanginan niya.


"Oy, may naghahanap sa 'yo sa labas."
Napatingin ako kay Stella nang sabihin 'yon. Nginitian ko siya bago isinilid sa bag ang librong binabasa.




Paglabas ko sa pintuan ay isang pigura ng tao ang sumalubong sa 'kin. Bahagyang nakasandal sa pader at nakatingin sa sahig. Gulo gulo na naman ang buhok at nakabukas ang polo na suot kaya nakikita ang puting T-shirt nitong panloob.



Akmang paalis na sana ako nang mag-angat ito ng tingin. Tumayo ito ng tuwid at nginitian ako. Bahagya siyang kumaway. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran na lang. Hindi ko alam kung anong dapat i-react sa harap niya.



"Wait, may gusto lang akong sabihin."



"Ano?"
Umatras siya nang bahagya sa sinabi ko. Natakot yata sa tono ng pananalita ko.


"Pwede bang 'wag dito? Pinagtitinginan kasi tayo."
Napairap na lang ako at sumunod sa kaniya. Totoo ngang nakatingin na pala sa 'min ang ilang mga grade 10. Kaunti lang kasi ang nakakaalam na si Ace ang tinuturuan ko sa ngayon, kaya siguradong nagtataka silang makita na magkasama kami. Na may kasama at kausap ako.


Huminto siya sa Math Garden na intersection lang naman ng grade 9 and 10 building. Iginiya niya ako paupo habang nakangiti.



"Ano bang sasabihin mo?"



"Okay. Nakalimutan kong busy ka nga pala lagi. Ano kasi,"
Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o ano. Bahagya itong tumikhim at tumayo nang maayos.



"Ano?"


"Excited."
Bulong nito. Tatalikod na sana ako ulit para umalis nang magsalita ulit siya.



"Sorry."
Mahinang sabi nito. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Napatikhim ulit siya.



"Hindi ko naman alam na pikunin ka pala eh. At saka, nilalamon ako ng konsensya ko. Geez, nakakahiya 'to."


"Okay."
Seryosong sabi ko. Tiningnan ako nito nang nagtataka.


"Okay?"
Pag-uulit nito sa sinabi ko. Tumango ako bago sumagot.



"After lunch, maghihintay ako sa library."



"Wait, tuturuan mo na ulit ako?"
Hindi ko na siya sinagot at dumiretso na lang sa faculty room para kausapin si Ma'am Aydalla.



Masayang masaya siya nung sinabi kong tuturuan ko ulit si Ace at joke lang yung sinabi ko nung isang araw. Tumawa lang siya at tuwang tuwa talaga.



"Si Ace pala yung tinuturuan mo?"
Pang-uusisa ng isa kong kaklase habang nag-aayos ako ng gamit. Malapit na rin kasi ang lunch.



"Oo."
Tipid na sabi ko saka siya saglit na tiningnan. Hindi na ulit ito nagtanong pa at kinuha na lang ang bag niya saka nagpaalam sa 'kin, eksaktong pagtunog ng bell. Senyales na lunch time na.



Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon