(xxv)

16 3 0
                                    

*-*-*-*
(xxv)
---------

"Tara na?"
Pag-aaya nito matapos naming kainin ang siopao na binili niya. Tumango lang ako saka inayos ang sarili.
Pagkatapos kasi nung sinabi niya ay wala nang nagtangka pang umimik sa ming dalawa. Nakuntento na lang kami sa katahimikang bumalot sa 'min.

Nauna ulit itong lumabas ng store habang nakasunod naman ako. Sinasabayan ko ang mabagal na paghakbang nito. Pagliko kasi sa kabilang kanto ay ang daan papunta sa bahay namin.

"June."

"Bakit?"
Pabalik na tanong ko.

"Gusto pa rin talaga kita."
Gusto kong itanong kung bakit? Bakit kahit sobrang pakipot at maarte ako, nagagawa pa rin ako nitong gustuhin? Bakit ako? Bakit sinasabi nitong gusto niya 'ko kung mayroong iba?

"Yung babae--"
Hindi na ko nakapagpigil. Saka ko lang napagtanto kung anong sinabi ko.

"Kaklase ko lang naman 'yon. Pero gusto niya 'ko, 'yon ang sabi niya..."
Tumigil ito saglit saka tumingin sa 'kin. Sinalubong ko rin ang tingin nito habang naghihintay sa karugtong ng sasabihin niya. Hindi naman ata mali kung gugustuhin kong malaman kung anong meron sakanila hindi ba?

"'wag kang mag-alala. Wala naman akong gusto sa kaniya. Ano kasi... Ang kulit niya."
Napakamot ito sa batok niya. Nag-iwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

"June, hindi mo man lang ba talaga ako na-miss?"
Pangungulit pa nito. Nagkibit balikat lang ako. 'yon na ata ang pinaka safe na sagot para sa 'kin.

"June."
Muling tawag nito sa 'kin. Hindi na ako nag-abala pang magtanong ng 'bakit' dahil agad rin naman siyang nagsalita.

"Hindi mo pa rin ba ako nagugustuhan? Kahit crush man lang?"
Hindi ko masagot. Hindi ko kayang sagutin. O baka ayokong sagutin. Nagdadalawang-isip ako.

"June, sagutin mo naman yung tanong ko."
Napabuntong hininga na lang ako saka tumigil sa paglalakad at hinarap siya. Nagulat ito sa ginawa ko kaya automatic itong napakamot sa batok niya.

"Ayoko. Sorry."

"Ayaw mo?"
Tumango ako habang naglilikot ang mga mata. Hindi ko ata kayang titigan nang matagal ang mapupungay nitong mata.
Hindi ko kayang tumitig sa mukha niya.
Lalo lang kasing lumalago ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kaniya. At ilang beses ko na 'tong sinabi pero, ayoko 'yon.

"Ayaw ko."
Nangunot ang noo nito habang nakatitig sa 'kin, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Bakit?"
Hindi na lang ako muling umimik pa at kunwari'y walang narinig.

"Anong ayaw mo? Anong ibig sabihin niyan? Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko!"
Singhal nito habang panay ang pangungulit sa 'kin. Maya't maya rin ako nitong kinakalabit na hindi ko na lang pinapansin.

'wag kang ganiyan, please. Baka kung ano lang ang masabi ko.'
Untag ko sa sarili habang hinahabaan ang pisi ng pasensya ko.

"Ang hirap mo namang intindihin."
Rinig kong saad nito. Pagkatapos no'n ay wala na itong ibang sinabi. Gusto ko sanang lingunin siya at tingnan kung ano bang ekspresyon niya. Umiling na lang ako saka inalis 'yon sa isip. Konti na lang. Malapit na rin naman ako sa bahay... At maiiwasan ko na ulit ang mga tanong niya.

Rinig ko ang pagbubulong nito sa hangin ng "aish". Ramdam ko ring hindi ito kumportable. Ramdam kong hindi ito mapakali at may gustong sabihin sa 'kin.

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon