(xi)

30 6 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(xi)
--------------------


"O? Ba't ngayon ka lang? 'San yung estudyante mo?"
Agad na salubong sa 'kin ni mama. Nakasuot ito ng apron at siguradong naghahanda na ng hapunan.


"Sa school po kami nagkita."
Saad ko na lang. Hindi na siya nagtanong pa at bumalik na lang ulit sa kusina at inasikaso ang niluluto niya. Sanay na rin naman kasi sila sa ugali ko. Ayoko sa lahat ay yung mga matanong na tao. Ayoko sa makulit.



'Kaya siguro pikon na pikon ako sa lalaking 'yon.'
Napailing ako nang makita ko ang nakakairitang ngisi nito. Ba't ko nga ba pinagtutuunan ng pansin ang kagaya niya?


Nakabihis na ako ng pambahay at naupo sa paborito kong pwesto sa sala nang makarinig ako ng katok.

"'Nak pakibukas naman."
Rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Tumango na lang ako na akala mo naman ay makikita niya 'yon. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa 'kin ang pamilyar na pigura ng tao.



Nakauniform pa ito at basang basa. May tumutulo pang tubig mula sa buhok niya.



"Hi."
Saad nito habang nakangisi. Maputla na ang mukha nito at siguro ay kanina pa nakababad sa ulan.



"Umuwi ka na sa inyo."
Untag ko at malakas na isinara ang pintuan.
Bumalik ako sa pwesto ko at kunwari ay walang nangyari.



"Anak, kanina pa katok nang katok."



"Walang tao."
Tipid na sagot ko. Pinandilatan ako ng mata ni mama at saka dumiretso sa pintuan. Siya ang nagbukas nito at syempre ay nagulat sa nakita niya.



"Hi po. Magandang gabi po."
Rinig kong bati ni Ace na ikinairap ko.



"Nakuu, basang basa ka. Halika tuloy ka muna---"


"Mama, pauwi na 'yan. Napadaan lang."
Inis na saad ko. Tiningnan lang ako ng masama ni mama saka binuksan nang malaki ang pintuan.



"Kumuha ka nga ng tuwalya doon, sa kabinet ko."
Umirap lang ako at saka umupo na parang walang naririnig.



"Des! Kumuha ka nga ng tuwalya sa kwarto ko, sa may kabinet!"
Malakas na sigaw nito na akala mo naman ay taga kabilang baryo ang inuutusan. Maya-maya ay bumaba ang kapatid ko dala-dala ang tuwalya at binigay 'yon kay mama.


"Kaklase mo ba ang anak ko?"
Tanong pa ni mama habang papunta sila sa kusina. Dahil maliit lang naman ang bahay namin ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.



"Hindi po. Ako po yung estudyante niya."
Kahit hindi ko makita ang lalaking 'yon ay alam kong nakangisi na naman ito. Sumisipsip pa siya sa nanay ko, ang kapal talaga ng may sayad na 'to.



Tumayo ako at pumunta na lang sa kwarto. Naabutan ko pa si Des na nagc-cellphone. 'Wag kayong magtakha na nauhusan pa 'ko ng kapatid ko sa pagkakaro'n ng gadget, regalo lang 'yan ng ninang niyang bigatin.
Iritableng binuksan ko ang librong binabasa ko at saka 'yon pilit na binabasa.




"Something's fishy."
Saad nito. Tiningnan ko siya nang masama. Nag-iwas ito ng tingin at maang na kumanta kanta.


"Binubuksan mo facebook account ko?"
Pinakita nito sa'kin ang mga mensahe ni Ace. Mula kanina pa.

'June, mal-late ako nang konti.'

'Pwede bang sa may sakayan na lang tayo magkita?'

'Nasaan ka na? Hoy, magreply ka naman.'

'Basang basa na 'ko rito. Umuwi ka na ba?'

'Oo nga pala, wala kang cellphone. Buset ang tanga ko naman.'



Hindi na ako nagbasa pa at inirapan si Des.
Natawa lang ito at saka ni-log-out ang facebook account ko. Hinintay niya 'ko? Sa sakayan? Hindi niya ba alam na naglalakad lang ako lagi kapag uwian? Ba't nga naman ako magagalit. Ano naman kung hindi siya sumipot dahil may date siya? Pero hindi 'yon ang point. Hinintay niya naman pala ako. Ba't hindi man lang siya nagsabi at nagpaliwanag? Nahiya ako bigla. Ang kitid ng utak ko. Pati pride ko sumabay rin. Pero alam niya namang wala akong cellphone, bakit aasa siyang mababasa ko yung chat niya?


Natulog na lang ako at hindi na bumaba pa.


---------



Natigil ako sa paglalakad nang makita si Ace na nakaabang sa may gate. Nakaearphone ito at nakatitig sa cellphone niya. Napabuntong hininga muna ako bago tumuloy sa paglalakad.



"June!"
Rinig kong tawag nito. Inalis ang suot na earphone saka ibinulsa ang cellphone. Nakangisi itong tumingin sa'kin.


"Bakit?"


"Ba't hindi ka nagdinner kagabi?"
Tanong nito habang sinasabayan ang paghakbang ko. Nagkibit-balikat lang ako habang nakatingin nang diretso sa daanan.
Hindi ko alam kung anong nangyari kahapon habang nasa bahay ito. Hindi na rin kasi ako bumaba no'n, at bukod pa ron ay hindi naman nagkuwento si mama at ang kapatid kong si Des.



"Nakakatuwa si tita."
Halakhak nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Nakakatuwa ba 'yon? E puro nga sermon alam no'n bukod sa maraming pagbibilin.


"Close na kayo niyan?"
Pabalang at sarkastikong tanong ko. Tumango-tango ito.



"Oo naman. Sabi niya pa nga, doon na lang daw tayo lagi sa bahay niyo. Ang boring mo raw kasama."
Nakangising saad pa nito.



"So? Masaya ka na niyan?"
Natigil ito sa pagtawa saka nangunot ang noo. Tinitigan ako nito kaya napaiwas ako ng tingin at akmang ihahampas sa mukha niya ang math book ko pero agad niya itong nahuli. Sa huli ay napilitan akong ibaba ang kamay kong nasa ere.



"Ano?"
Asar na tanong ko dahil sa matagal na pagtitig nito. Nakakairita. At... Nakaka-conscious. Inalis ko 'yon agad sa isip. Ba't naman ako makokonscious dahil lang sa kaniya? Ano ngayon kung pangit ako sa mga oras na 'to?



"Binabara mo na 'ko?!"
Binilisan ko ang paglalakad pero mabilis ako nitong nahahabol at nasasabayan. Nakalimutan kong maiiksi ang binti ko.



"Wow! Bago 'yon ah? Improving ka na prinsesa. Baka next time, ngitian mo na 'ko."
Nakangising turan nito, kasunod ang malakas na tawa. Inirapan ko siya at saka naunang maglakad. Hindi na ito sumunod pa pero rinig ko ang pahabol nitong 'bye, prinsesa'. Hanggang ngayon ay 'di pa ito tumitigil sa pang-aasar. Napaisip tuloy ako. Alam kaya nitong, nakakausap at nagkikita kami ni Aiden? Napailing ako. Ano nga naman ang pakialam niya kung makipag-usap ako sa iba? Malala na 'to.



Hindi pa nga ako nakakapag-isip kung tuturuan ko ba ulit si Ace o hindi na. Madali na lang sa 'kin ang makahabol sa lesson namin at magreview bago exam. Kaso, bilang si Ace ay estudyante ko, concern din naman ako sa gradong makukuha nito. Nakasalalay din kasi sa kaniya ang imahe ko kay Ma'am Aydalla. Bukod pa ro'n baka kasi sabihin ng iba na hindi ko natuturuan nang maayos ang estudyante ko.



Noong una ay iniisip kong hindi ito desididong matuto. Halata naman kasi sa itsura nito na wala siyang kaamor-amor mag-aral. Pero kahapon, noong nakita ko itong mag-isa sa math garden at nagbabasa. Napaisip ako. Hindi kaya sinusubukan niya naman talaga pero hindi niya kaya?



Palaisipan din sa'kin kung kaano-ano ng lalaking 'yon si Aiden. Pati yung babaeng kasama niya kahapon. Girlfriend? Ba't ko nga pala iniisip ang mga bagay na 'to?


Nahihiwagaan lang yata ako sa kaniya.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon