*-*-*-*-*-*-*-*
(viii)
-------------------
Napakunot ang noo ko nang makita si Ace na may kausap. Nakakunot din ang noo nito habang tila inip na inip. Hindi muna ako tumuloy at nanatili sa gilid habang nakamasid sa kanila. Malayo naman ako at hindi ko sila maririnig kaya hindi rin naman ako maaakusahan bilang eavesdropping.
Maya maya lang ay nakita kong tatapikin sana ng lalaking nakatalikod sa 'kin ang balikat ni Ace pero agad itong umiwas. May sinabi ito. Sa sandaling 'yon ay napaisip ako. Tila ibang iba ito sa Ace na laging nang-aasar. Ibang-iba sa Ace na laging nakangisi.
"Prinsesa?"
Napapitlag ako nang mamalayan ko ang mahinang tapik sa balikat."Huh?"
"Kanina ka pa ba nandiyan?"
Nakakunot noong tanong nito. Umiling lang ako bilang sagot. Tumango ito at naunang maglakad sa bench.Ilang minuto na kaming nakaupo nang magkaharap, busy ito sa pagkakalikot ng cellphone niya habang ako naman ay nagbabasa. Kunwari. Wala rin naman kasing pumapasok sa utak ko. Iniisip ko kung sino yung lalaking kausap niya at bakit gano'n siya kaseryoso.
Nararamdaman ko rin ang maya't mayang sulyap nito sa'kin. Hindi talaga ako sanay sa pananahimik nito.
"Hunyo."
Agad akong nag-angat ng tingin at nag-aabang sa sasabihin niya."Pwede akong umupo sa tabi mo?"
Tanong nito. Napatingin naman ako sa bag na nasa katabi ko. Inalis ko ito at ipinatong sa lamesa."Hmm."
Bahagya akong tumango. Mabilis pa sa alas kwatro itong nakalipat sa tabi ko. Napapitlag ako nang maramdaman ang pagdikit ng mga braso namin. Mainit siya."Kwentuhan tayo?"
Tanong nito habang nakangisi. Pero hindi ito katulad ng ngising nakasanayan ko sa kaniya."Wala akong maikukwento."
Saad ko. Totoo lang naman 'yon, bukod sa paghihiwalay ng mga magulang ko noong bata ako ay wala nang kakaibang nangyari sa 'kin. Boring. Plain. Gano'n. Pakiramdam ko tuloy ay nakatuon lang sa pag-aaral at pagbabasa ang buhay ko. Siguro ay maituturing ang buhay ko sa isang coloring book na walang kulay, sa isang libro na walang sense. Inshort, walang thrill."Gano'n?"
Tanong nito. Nagkibit balikat na lang ako."Matutulog na lang ako ah? Pahiram."
Kinuha nito ang bag ko at saka niya rito ipinatong ang ulo nang patalikod sa akin.'Sino ka nga ba, Ace?'
Tanong ng utak ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong ipinatong ang ulo sa mesa. Nakatingin lang ako sa buhok nito.Napakurap ako nang bigla itong humarap sa akin. Ngayon ay magkaharap ang mukha namin. Sa loob ng ilang segundo ay nakatitig lang ako sa mga mata niya.
"Gwapo na ba ako?"
Natigilan ako sa tanong niyang 'yon at napagtanto kong ilang minuto na pala ang lumipas. Agad akong umayos ng upo at lumayo sa kaniya."Aalis na 'ko."
Bago pa ako makatayo ay hinawakan nito ang palapulsuhan ko. Ang init ng kamay niya."Nilalagnat ako. Tingnan mo."
Inilagay nito ang kamay ko sa noo niya. Mainit nga. Napaiwas ako ng tingin at agad na binawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19