(xiii)

28 4 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(xiii)
-------------------

Napatingin ako sa suot na wrist watch. Mahigit trenta minuto na rin pala akong nakaupo rito sa waiting area para hintayin ang pagtila ng ulan. Nakalimutan ko kasing magdala ng payong, hindi ko rin naman inaasahang uulan nang malakas.


Nagpalinga-linga ako sa paligid at mabilis na napayuko nang makita kong naglalakad si Ace. May kasama itong babae. Nakita ko pang inagaw nito ang payong na dala ng babae saka sila naghagikhikan. Napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang nakita.


Natuon ulit sa kanila ang atensyon ko nang makita kong tumakbo si Ace papunta sa pwesto ko. Kinakabahan ako. Ramdam ko na naman ang kakaibang bagay sa tiyan ko. Nakakairita.



"Prinsesa!"
Untag nito sa 'kin. Nagsitinginan din ang ibang nakarinig pero agad silang nagsi-iwas ng tingin sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Pero kung hihintayin ko pang tumila ito ay hindi ko na alam. Ayokong manatili sa lugar kung nasaan si Ace. Hindi na ako kumportable...


"June, aalis ka na?"
Natigilan ako sa paghakbang. Tila naestatwa. Hindi ako lumingon, nanatili akong nakayuko. Napahigpit din ang pagkakayakap ko sa mga librong dala.



'Bakit ka tumigil?'
untag ko sa sarili. Nag-angat ako nang tingin at walang pasabing sinuong ang ulan.


"June! Malakas ang ulan, mababasa ka! Yung mga gamit mo!"
Rinig ko pang sigaw nito. Mabilis akong nabasa ng tubig ulan dahil na rin sa malalaking patak nito. Nanatili akong nakayuko at marahang tinatago ang mga libro. Katangahan. Alam kong mahal kung masira ko 'to at pag nagkataong mangyari man 'yon ay siguradong mapapagalitan ako ni mama dahil sa dagdag gastusin.
Bakit nga naman ako sumuong sa ulan nang hindi man lang nag-iisip. Gusto ko tuloy sigawan at sabunutan ang sarili.


Napatigil ako nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa gilid ko. Hindi na rin ako nauulanan. Tumingala ako para makita ang isang pambabae at kulay pink na payong. Sinundan ko nang tingin ang may hawak ng payong. Si Ace...



Seryoso itong nakatingin sa 'kin. Basang basa na rin ito ng ulan dahil ang kabuuan ng payong ay sinisilungan ako, sapat na para hindi ako mabasa.



"Alam kong galit ka sa 'kin, pero 'wag naman sanang umabot sa gan'to..."
Tumigil ito saka ako seryosong tiningnan. Sa tagpong 'yon ay ramdam ko na naman ang kakaibang pintig ng puso ko. Mabilis. At... Ayoko 'yon.


"Gamitin mo 'tong payong. Hayaan mo, hindi na kita kukulitin pa. Sorry."
Dugtong pa nito saka ako tipid na nginitian. Kinuha nito ang isang kamay ko saka ibinigay ang payong na hawak niya. Wala rin akong ideya kung saan niya nakuha 'tong payong. Baka kailangan ng may-ari. O siguro ay pagmamay-ari 'to ng babaeng kasa-kasama niya.


Pakiramdam ko tuloy ay naestatwa ako sa gitna ng daan. Sa ilalim ng ulan. Ang corny, pero bakit parang daig ko pa ang nagsh-shooting ng isang drama?



Nang magsink-in sa utak ko ang nangyari ay mabilis akong lumingon. Naglalakad si Ace, na animo'y hindi umuulan. Akala mo ay naglalakad ito sa ilalim ng buwan.



Napabuntong hininga ako at...



"Ace!"
Buong lakas na sigaw ko. Tumigil ito saka nagtatakhang lumingon sa akin. Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating sa kinatatayuan niya. Pinayungan ko rin siya.

"M-mababasa ka."
Utal na saad na kahit pa alam kong basang basa naman na talaga siya. Hindi ko alam kung sa'n ko napulot ang pinakalame na linyang 'yon. Pero... Bahala na.

"Basa na akong dati e. Bakit?"
Tanong nito. Napabuntong hininga ulit ako saka siya tiningnan sa mga mata.


"Sorry."
Mahinang saad ko.



"Ano?"


"W-wala. Sabay na tayong umuwi."
Sambit ko saka bumagsak sa lupa ang tingin. Sa totoo lang ay sa kabilang kanto ang bahay nito, kaya hindi ko rin alam kung ba't inaya ko itong sumabay sa'kin.



'Sabay nga ba o hatid?'
Sabad ng utak ko.

"Tara, prinsesa."
Nakangiting sabi nito saka niya kinuha sa kamay ko ang payong.



Sa ilalim ng ulan at iisang payong. Kasama ko siya. And for some reason. I'm happy.



------------



Kinabukasan, nagising ako nang mas maaga pa sa nakagawian kong oras. Maaga rin akong tumulak para maglakad na lang. Kahapon, sinabayan nga ako ni Ace hanggang sa bahay. Wala kaming sinabing salita pero sapat na ang pagngiti at paraan ng pagtitig nito sa 'kin. Napailing ako nang maalala 'yon. Ang corny.



"June Rye!"
Napalingon ako sa kabilang kalsada na kung saan nanggaling ang tumawag sa 'kin.
Si Aiden ito. Mabilis itong tumawid at lumapit sa 'kin.


"Hi."
Nakangiting bati nito. Nakasukbit ulit sa leeg ang headphone niyang kulay gray.



"Good morning."
Tipid ko itong nginitian. Wala naman itong ibang sinabi, tahimik lang kaming naglalakad nang sabay. Hindi ito nagtanong ng kung ano-ano. Siguro'y sanay din ito sa tahimik, gaya ko. Sa totoo lang, nakakapagtaka kung bakit lumalapit at kinakausap ako nito.



Pagdating sa gate ay napakunot ang noo ko nang makita si Ace. Nakaupo ito sa waiting area habang hawak ang phone niya at nakatitig lang dito. Maya-maya pa ay napangiti ito. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa ibulsa nito ang cellphone niya at makita kami. Nginitian ako nito, pero agad nawala ang ngiting 'yon nang mapatingin siya sa katabi ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Diretso lang ang tingin ni Aiden sa daan at tila wala itong ibang nakikita at walang pakialam sa paligid.


Bumalik ang tingin ko kay Ace. Mabilis itong naglakad papunta sa 'kin saka pumagitna sa 'min ni Aiden.



"Ba't ang aga mo ngayon, Ace?"
Tanong ng katabi kong si Aiden. Hindi ito pinansin ni Ace, sa halip ay tumingin lang ito sa 'kin saka ako binati. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong relasyon ng dalawang 'to. Minsan ay nakikita ko silang nag-uusap, pero si Ace ay tila laging inis o 'di kaya'y nakakunot ang noo.



"Good morning."
Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko dahil sa ngiti niyang 'yon. Hindi kasi ito kagaya ng normal niyang ngisi. Napayuko na lang ako habang pilit kinakalma ang sarili.



"June, mauuna na ako."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakangiting mukha ni Aiden. Gaya kanina ay tipid ko ulit itong nginitian.


"Tss."
Hindi ko nilingon si Ace. Pakiramdam ko kasi ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.



"Hihintayin kita mamaya dito, a?"
Saad nito nang madaanan namin ang Math Garden. Tumango lang ako. Alam kong ang ibig sabihin no'n ay tuturuan ko na ulit siya. Magiging tutor niya ulit ako, at siya ay estudyante.


"Di ka pa ba papasok sa room niyo?"
Nagtatakang tanoong ko nang mapansing nakasabay pa rin ito sa 'kin kahit na lagpas na ang building nila.



"Ihahatid na kita sa classroom niyo."
Nakangiti ito nang sinabi 'yon.


'Pwede bang 'wag niya akong ngitian nang gano'n?'
Tanong ko sa sarili. Pakiramdam ko kasi ay bibigay na ang pader na iniharang ko anumang oras.


Tumigil kami nang medyo malapit na sa classroom. Tiningnan ulit ako nito at kagaya kagabi, wala kaming sinabi sa isa't-isa. Ngiti lang at tango.


'Bahala na...'

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon