*-*-*-*-*-*
(xx)
--------------"June, okay ka lang?"
Tanong sa 'kin ni Stella nang maabutan ako nitong nakayuko sa desk. Tumango lang ako saka nagpaalam na pupuntang cr.Maingay pa sa corridor, dahil na rin sa hindi pa nagsisimula ang klase. Tahimik lang akong naglakad papuntang CR. Pagdating ko roon ay naabutan ko ang dalawang babae, siguro'y ahead ako sa kanila ng isang taon o ewan. Umiiyak ang isa habang todo saklolo naman sa kaniya ang kasama. Dahil maliit lang naman ang CR ay mayroon lang dalawang cubicle sa loob. Napadako ang tingin nila sa 'kin pero saglit lang 'yon. Wala rin naman akong balak makichismis. Problema nila 'yon, hindi sa akin.
Pagpasok ko sa isang cubicle ay saka ko narinig magsalita ang isang babae.
"Tahan na, hindi lang naman si Ace ang lalaki sa mundo."
Pakiramdam ko'y mas tumalas ang pandinig ko dahil sa pangalang nabanggit. 'Ace'? Pero maraming Ace sa mundo."A-alam ko naman 'yon, pero gusto ko talaga siya."
"Ano ba naman? 'Wag mo ngang iniiyakan 'yon! Kita mong pumatol 'yon sa mas matanda sa kaniya."
Bakas sa tinig ng nagsalita ang pagkabitter. Natigilan ako sa narinig. Si Ace nga ang tinutukoy nila. At... Ako.Pagkatapos kong umihi at magbuhos ng tubig sa bowl ay naghugas lang ako ng kamay saka umalis. Pakiramdam ko tuloy ay lalong hindi tama na ituloy ko 'tong nararamdaman ko para kay Ace. Hindi kami bagay.
Para akong zombie na naglalakad dahil sa mga narinig at naiisip ko. Ano bang dapat na gawin ko?
----------
"Uy, kanina ka pa tahimik."
Untag sa akin ni Ace. Lunch time, gaya ng dating gawi ay sinundo ako nito sa room saka kami sabay na pumunta rito sa math garden.Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagbabasa kahit na wala naman akong naiintindihan dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala sa isip ko kung anong narinig sa CR. Ayoko rin namang magtanong.
"June,"
Tawag nito. Napalingon ako sa kaniya saka hinintay ang kung ano mang sasabihin nito."Gusto mo bang sa bahay naman tayo mamaya?"
Tumango na lang ako bilang sagot. Ibig sabihin, makakapunta na ako sa bahay niya. Makikilala ko siya nang kaunti. Ngayon ko lang napagtanto na bukod sa pangalan at year level nito. Wala na akong ibang alam sa kaniya.Nang uwian na ay agad kong tinapos ang paglilinis. Saka ako naghintay sa kaniya sa labas ng room namin. Ngayon lang ito nahuli, siguro may ginagawa pa sa klase nila.
"Sorry, kanina pa ba kayo uwian? Tara na?"
Tumango lang ako. Akmang kukunin nito ang librong hawak ko nang iiwas ko ito."Teka, bakit na naman? Ako na lang magdadala niyang mga gamit mo."
"'wag na, ayoko."
"Bakit? Gawain ko naman 'yon bilang manliligaw mo."
Saad nito saka kami natigil sa paglalakad. Napabuntong hininga na lang ako saka siya tiningnan."Ayokong maging mahina."
Sagot ko na lang saka nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod ito."Anong ibig mong sabihin?"
"Ang babae nagiging mahina 'pag nililigawan. Hindi naman ako baldado, kaya ko 'tong dalhin."
Sinabi ko ito nang diretso ang tingin sa daan."Ganyan ba talaga kayong matatalino? Ma-pride."
Nilingon ko ito dahil sa naging reaksyon niya."Ito, dalhin mo 'tong bag ko bilang kapalit. Okay na?"
Wala akong nagawa nang agawin nito ang librong dala ko saka ibinigay sa 'kin ang bag na dala niya. Ang bag niyang wala na naman atang laman."Hays, mabuti na lang iniwan ko ulit mga gamit ko sa ilalim ng desk."
Bulong nito habang nakangiting nakatingin sa daan."May sinasabi ka?"
"Wala. Bilisan na lang natin."
Tumango lang ako saka kami nagpatulog sa paglalakad.-------
Sumakay kami ng trycicle. Sabi niya'y medyo malayo pa ang bahay nila. Tumigil kami sa tapat ng isang eskinita. Hindi rin naman kasi makakapasok ang trycicle doon, kaya maglalakad pa raw kami.
Nang iaabot ko ang bayad ay inunahan ako ito. Akmang magsasalita ako nang kumindat ito kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"Pasensya ka na. Maglalakad pa tayo."
Nangingiting sabi niya. Tumango na lang ako.Kung tutuusin ay doble yata ng distansya sa bahay namin papuntang school ang bahay nila. Malayo. Nahiya tuloy ako. Bakit pa ako nito sinasabayan sa pag-uwi. Siguradong ginagabi ito lagi. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko dahil sa realization na 'yon. Masyado nga akong pabigat. Wala akong ibang ginagawa kundi mag-inarte samantalang hindi ko nakikita ang effort na ginagawa niya araw araw.
Nilingon ako nito dahilan para mapayuko ako nang bahagya. Tumigil kami sa tapat ng malaking bahay. Two storey lang naman 'yon at simple. Pero masasabi mong may kaya ang mga taong nakatira rito. Binuksan nito ang mumunting gate na hanggang bewang ko lang ata ang tangkad. Pagpasok namin ay sinalubong ako ng malinis na bakuran. Sa gilid ay mayroong puno ng mangga habang napapaligiran naman ang bakuran ng mga halaman.
Dire-diretso kami hanggang sa loob. Maliit at simpleng sala ang bumungad at ang bukas na flat screen TV. May nakaupo sa harap nito.
"Anakngtokwa. Ba't nandito 'yan."
Napatingin ako kay Ace pero hindi na ito nagsalita pa."June?"
Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Si Aiden. May hawak itong libro habang nakatayo. Siya pala yung lalaking nakaharap sa TV! Weird. Sino namang matino ang makakapagbasa ng may ingay."Bisita ko siya."
Saad ni Ace saka ako hinila papunta sa kusina nila. Nagtataka ako kung bakit nandito rin si Aiden pero ayoko rin namang magtanong.Pinagsalin ako nito ng tubig habang malaya ko namang iginagala ang paningin sa kabuuan ng kusina nila.
Palakad lakad si Ace habang tila nag-iisip ng kung ano. Maya maya pa'y pumasok din si Aiden saka ito kumuha ng tubig."Pwede na kayo sa sala. Aakyat na lang ako sa taas."
Saad nito. Nakatingin lang ako kay Ace sa mga oras na 'yon. Umismid lang ito saka tiningnan nang masama si Aiden. Nginitian naman ako ni Aiden bago ito umalis na sinuklian ko rin naman ng isang tipid na ngiti."Tara."
Bitbit pa rin nito ang mga gamit ko saka kami pumunta sa sala. Patay na ang TV kaya ramdam na ramdam ko ang katahimikan. Napaisip tuloy ako. Nasa'n ang mga magulang ni Ace? Kaano-ano niya ba si Aiden? Pakiramdam ko tuloy ay may kinalaman ito sa nakita kong pag-uusap nilang dalawa noon. Yung unang beses na nakita kong seryoso si Ace. Lalo tuloy namuhay ang pagkakuryuso sa kaniya. Ngayon ko napagtanto na talagang wala pa akong alam sa pagkatao niya, sa buhay niya."Ano..."
Hindi ito mapakali nang tumingin sa akin."Nagugutom ka ba?"
Umiling lang ako saka iminuwestra ang pang isahang upuan sa gilid. Umupo naman ito pero halatang hindi ito kumportable."Gusto mo bang umuwi na? Gagabihin ka rin kasi."
Napakamot ulit ito sa ulo niya."Gusto mo bang umuwi na lang ako?"
Tumayo ito saka umiling-iling."Uuwi na ako---"
"Teka, June! Sandali. Joke lang naman. Nagtatanong lang e."
Napabuntong hininga ako saka tumango.Nakaupo lang kami doon. Walang ingay. Walang gumagalaw. Nakayuko lang ito habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan.
Ano bang meron sa kanila ni Aiden?
*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19