*-*-*-*-*-*-*-*
(xii)
--------------------"Nakikinig ka ba?"
Untag ko sa kaniya habang titig na titig ito sa 'kin. Bukod sa tingin ko ay hindi ito nakikinig, naiilang din ako sa paraan ng pagtitig nito sa'kin.
Tumango lang ito pagkatapos ay nangalumbaba. Napairap na lang ako at saka idinikit sa mukha nito ang papel na kanina ko pa binabasa."Bakit na naman? Nakikinig nga ako."
Saad nito saka tiningnan ang papel na nahulog sa mesa. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Nagsisimula na naman itong inisin ako."Teka..."
Tumigil ito habang tila nagtatakhang nakatingin sa mukha ko. Napatigil naman ako at saka siya sinamaan ng tingin."Bakit?"
Iritableng tanong ko. Tumayo ito at saka nilapit ang mukha niya sa 'kin.
Hindi ito umimik. Napakunot na lang ako ng noo dahil sa inaasta nito. Akmang yuyuko ako nang magsalita ito."Sandali."
Halos dalawang dangkal na lang yata ang lapit ng mukha nito kung susukatin kaya nakaramdam ako ng kakaiba. Ilang sandali pa ay lalo nitong inilapit ang mukha niya. Napapikit na lang ako at sa sobrang pagkabigla ay naitaas ko ang palad at..."Aray!"
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang mabagal at malalim kong paghinga. Pilit kong kinalma ang sarili ko saka napayuko.'Anong nangyayari sa 'kin?'
"Ba't ka nananampal?!"
Untag nito na nagpabalik sa 'kin sa realidad. Pinakita nito sa 'kin ang pisngi niyang dinapuan ng palad ko. Namumula ito at sobrang halata dahil maputi siya.Sinampal ko nga siya sa kadahilang... Hindi ko alam. Hindi ko ito tiningnan at iniligpit na lang ang mga gamit ko.
"Wait, aalis ka na? Mahaba pa naman ang time ah?"
Saad nito habang hindi inaalis ang kamay sa pisngi niyang pulang pula. Alam kong masakit 'yon, kahit ako nga yung nanampal ay naramdaman ko ang sakit ng palad ko dahil sa impact, ewan ko na lang sa kaniya."Hoy, galit ka ba? Ikaw na nga 'tong nanampal! Tatanggalin ko lang naman yung dahon sa buhok mo!"
Depensa niya. Hindi ako nagsalita at walang lingon na naglakad. Rinig ko pa ang malakas nitong pagsabi ng "aish". Sa loob loob ko'y, tatanggalin niya lang naman pala yung dahon pero kailangan gano'n pa kalapit?"June!"
Hindi ako lumingon pero alam kong nakasunod ito sa may likuran ko. Sumabay ito sa 'kin saka ulit nagsalita."Ba't ka nananampal? Grabe, ang liit mong babae pero--- aish."
Nanatili akong nakatingin sa daan na animo'y walang naririnig. Rinig na rinig ko ang panaka-nakang pagreklamo nito at pang-uusisa. Ni isang tanong nito ay wala akong sinagot o pinansin.Gulat akong napatingin sa kaniya nang agawin nito ang bitbit kong libro. Nahulog ito kaya napayuko ako at napatitig dito saglit. Gusto ko sana itong sigawan pero hindi naman ako yung tipo ng taong ganon.
"Tulungan na kita. Sorry. Ikaw kasi, ayaw mo 'kong pansinin. Ano ba kasing ikinagagalit mo?"
Nakipag-agawan pa ito sa pagpulot no'n na hinayaan ko na lang. Iniwasan ko ang tingin nito nang iabot niya sa'kin ang mga librong pinulot."June."
Muling tawag niya. Hindi ako kumibo, sa halip ay nilagpasan ko ito at dumiretso sa classroom. Wala na akong ibang narinig pang reklamo at hindi rin naman ako lumingon pa.
Tahimik akong umupo at saka napatulala sa blackboard na walang kasulat-sulat."Uyy, ba't namumula ka? Okay ka lang?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Stella. Napayuko na lang ako sa armchair at nagkunwaring tulog, kahit sa tingin ko'y sasabog na ang utak ko sa sobrang daming naiisip.Ba't ko nga naman siya sinampal? Untag ng kabilang utak ko. Nung mga oras na 'yon, tingin ko... Hahalikan niya 'ko. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang tungkol sa bagay na 'yon. O baka naman kasi nag-assume lang ako, gaya nga ng depensa niya, gusto niya lang daw alisn ang dahon na nasa buhok ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang maramdaman 'to? Bakit ako kinakabahan... At bakit... Bakit kailangang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
I am cautious. Gano'n ako lagi. Minsan mahirap ding maging mautak. Sisisihin mo ang utak mo kung bakit hindi ito napapagod sa kakaiisip.
'Tumigil ka na.'
Utos ko sa sarili. Gusto kong alisin ang kung anumang namumuo sa akin, sa sarili ko. Kailangan kong mag-ingat at kasama roon ang layuan ko si Ace.--------
"June, hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin?"
Rinig kong tanong ni Ace sa 'kin. Nakabuntot na naman ito habang pinauulanan ako ng sandamakmak na tanong. Isang linggo na ang lumipas, nakapagdesisyon na akong layuan ito at 'wag pansinin."Periodical exam na sa thursday, ayaw mo naman akong turuan. Ano ba talagang problema?"
Nang matapatan namin ang Math garden ay walang pasabi akong hinila nito papunta roon. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa braso ko, dahilan para bitawan niya ako."Kausapin mo naman ako. Nakakafrustrate ka na! Aish."
Nanatili lang akong nakayuko habang hindi nagsasalita. Ramdam ko kasi ang kakaibang pintig ng puso ko.'Kinakabahan ba 'ko?'
"June,"
Tumigil ito. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Akmang magsasalita ito pero agad niyang tinikom ang bibig saka napakamot sa ulo."Sorry."
Saad nito saka siya umalis at naiwan ako.'Tama ba ang ginagawa ko?'
untag ko sa sarili. Siguradong nagtataka siya kung bakit ko ito iniiwasan kahit wala naman siyang kasalanang nagawa. Naguilty tuloy ako bigla. Ano nga namang kaartehan 'tong ginagawa ko. October na kasi, kaya one week na lang halos at second periodical exam na. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba, kailangan ni Ace ng tulong ko kaya niya ako kinukulit o ano. Pero pwede naman siyang magsikap 'di ba? Kung gusto niya talagang makapasa, hindi niya kailangang dumepende sa akin o sa tinuturo ko. Nandiyan din naman ang mga teacher niya. Napailing na lang ulit ako. Lately ay palaging wirdo ang mga iniisip ko.Pagdating ko sa room ay naupo agad ako at saka tumulala sa chalkboard.
"Napapadalas yata pagiging matamlay mo ah? May problema ba?"
Tanong ni Stella. Nilingon ko na lang ito saka umiling. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot."Family problem?"
Umiling ulit ako. Napaisip ito saka umiling-iling."Inlove ka?!"
Sigaw nito dahilan para manlaki ang mga mata ko saka mabilis na umiling-iling. Ano bang problema ng babaeng 'to."Hindi,"
Mabilis na pagtanggi ko sa sinabi niya."Wala akong panahon sa mga ganiyan."
Dugtong ko pa saka nag-iwas ng tingin.'Wala nga ba?'
gatong ng isip ko sa sarili. Una pa lang ay hindi ko na dapat tinanggap ang alok ni ma'am Aydalla. Siguro normal pa rin ang buhay ko. Kailan ba naging normal ang boring?Hindi ko dapat nararamdaman ang mga bagay na 'to. Kasalanan 'to ng Ace Vergara na 'yon.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Operation: SS
Teen FictionSTATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/27/18 Story Finished: 02/22/19