SEGE NA NGA

5.3K 129 15
                                    

Sege na nga, aaminin ko na sayo.
Sege na nga, sasabihin ko na ito.

Bea POV

"Dahan-dahan Ma." Sabi ko kay Mama habang inaalalayan ko siyang mahiga ngayon.

"Okay na ba siya Iha?" Tanong ng nasa kabilang higaan sa akin.

Nasa Female Ward kasi kami nalagay dahil ang mahal pag nag paprivate ward at saka nagkaka problema pa kami ngayon sa PhilHealth ni Mama kasi hindi pa nababayaran ang dalawang quarter at lampas na kami sa third quarter. Ang dami pa namang vial na itinurok kanina sa dextrouse niya. Para tuloy peso sign ang nakikita ko sa tuwing may ibibigay silang gamot kay Mama.

"Okay na po Ate.. sabi po ng Doctor magpahinga lang para hindi na tumaas yung presyon.. hmm.. nadinig mo ba yun Mama?" Baling ko naman kay Mama na okay na ang pagkakahiga.

She passed out kanina sa bahay. Buti nalang talaga hindi pa ako nakalabas at eksakto ding dumating si Thirdy para sunduin ako. Kaya agad namin siyang dinala dito sa hospital.

Kaninang tanghali nag rounds na ang doctor at ang sabi nag over fatigue lang at tumaas ang blood pressure kaya nahilo at nawalan ng malay. Pero sa ngayon inoobserbahan pa siya at nag rerequest for CT Scan para malamang kung mayron bang clot sa ulo dahilan sa pagkakabagok.

Nang malaman ko nga yun parang nahilo na din ako kasi napa isip ako kung saan ako kukuha ng pera para dun? Hindi pa nga ako nakakasahod at saka ang dami pa naming babayarin sa bahay.

Ti-nap lang ni Mama yung kamay ko at saka pinikit ulit ang mata niya. Medyo hilo pa daw siya.

"Ah Ate." Tawag ko sa kabilang higaan. "Pwede po bang pakibantayan muna saglit yung Mama ko, may pupuntahan lang ako sa Billing Section."

"Sege Iha... ako muna bahala dito." Ang sabi nito na hindi naman ganung nagkakalayo ng edad kay Mama. Ngumiti ako sa kanya at lumabas na.

Umalis din kasi si Thirdy para bumuli ng makakain namin. Hindi pa kasi ako nakakapag lunch dahil wala akong gana kanina pero nung sinabi kong gusto kong kumain ng Spicy Chicken Joy ng Jollibee ay binilhan na niya ako at hanggang ngayon hindi pa bumabalik.

Malapit na ako sa Billing Section nung makita ko ang isang babaeng nagmamadaling lumapit sa akin. Agad namang nanlaki ang mata ko ng mapagtantong boss ko ang nasa naharapan ko na ngayon.

"Maam Jho?" Gulat na bulalas ko.

Haist! Tumawag pala siya kanina na pupuntahan niya ako. Hindi ko pa nga nasasabi kung saang hospital ako pero pano niya nalaman na dito kami naka confine?

"Bea!" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at agad niya akong niyakap.

Nanigas ang buong katawan ko sa ginawa niya. Pinilit kong gumalaw pero para akong naparalisa at nagugustuhan pa ng sistema ko ang ginawa niyang pagyakap at may kung anong excitement pa akong naramdaman Tsk.. idagdag mo pa na naamoy ko ang bango ng buhok niya.

"Ahh eh..." pilit kong sabi habang yung mata ko nalang ang ginagalaw ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya na hinawakan pa ng dalawang kamay ang pisngi ko. "Bakit di mo naman sinabi sa akin agad! You supposedly called me para naman mapuntahan kita agad dito. Ano? Okay ka ba? May masakit ba sayo? Ha?.. tell me?!

Ang OA mo po Maam!

"Si Mama po ang naka confine." Ang sabi ko nalang.

Bakit ko nga ba hindi to tinawagan? Natanong ko sa sarili.

Ahh... kasi galit ako sa kanya! Kung makapagbintang siya sa akin nung isang araw parang sigurado na siya sa nangyayari sa buhay ko. Hindi pa nga niya ako lubusang kilala kong makapag judge naman siya. Hmp!

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon