You by the light
Is the greatest find
In the world full wrong
You're the thing that's rightBea POV
I keep looking at the door of my room kung saan natutulog si Jho. Siguro hindi na siya lalabas para samahan akong manood ng sunrise sa may lanai. It's already 5:25 in the morning at may naka handa na ding upuan malapit sa akin pero yung uupo hindi pa din bumababa.
Nakaka-sad.
Naisip ko lang din kasi na baka ito rin yung paraan para mas makapag usap kami ni Jho, para na din maka pagsorry ako sa kanya at pakinggan niya ako.
Alam ko namang mali eh. May responsibilidad siyang iniwan sa Manila pero nakakagago lang talaga yung ginawa sa kanya ng asawa niya.
Napapabuntong hininga ako pag naalala ko yun. Sumisikip yung dibdib ko at parang gusto ko nalang sugurin si Miko at iparanas sa kanya ang ginawa niya kay Jho.
Actually it's my 4 times na pumunta dito sa private island ko. Pag nararamdaman ko ang pagkamiss ni Jho noon ay dito ako nagbababad. Mga 4-5days lang naman tapos babalik na naman ng Canada since may private jet sila Daddy sa kalapit na isla. Kaya hindi na ako mahihirapang bumyahe at saka gamit ko naman ang chopper.
Ngayon ko lang din na realize na kahit gaano mo pa kayaman pag wala yung taong kukumpleto sa buhay mo ay ikaw pa rin ang pinakamahirap sa buong mundo.
Kaya ngayon gusto kong ipaglaban si Jho. Gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa akin.
Habang nag hihintay ako ng sunrise dito sa lanai ay naka amoy ako ng kape. Kaya napalingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Jho. Nakasuot ng sweater na mas malaki pa sa kanya, siguro nanghalungkat yun sa drawer ko at may dalang dalawang tasang kape.
"Goodmorning." sabi niya saka binigay niya sa akin yung isa tapos ay umupo sa niready kong upuan. "Late na ba ako?"
Kinuha ko ang inabot niyang kapeng at napapangiti. Na-aamuse ako sa kanya lagi na parang habang tumatagal ay mas lalo akong na-iinlab sa kanya.
"Ah no -- you are just right on time." sabi ko saka humigop ng kape.
God! How I miss coffee time with her. Naalala ko dati na ako yung mag titimpla sa kanya.
"You still don't like sweet huh." komento ko.
"Hmm? ayaw mo? Tikman mo tong sa akin oh." at inabot naman niya yung hawak niya at binawi yung akin.
"Teka! Akin yan eh." reklamo ko at pilit kong inaabot yung kapeng inagaw niya. "Sayo to!"
"Mas matamis to." nguso niya sa kapeng iaabot niya.
Napatingin ako dun na nakakunot ang noo.
"Sege na, tikman mo." utos pa niya kaya naman kinuha ko yun saka tinikman.
"Akala mo ba nakalimutan ko yang timpla mo." nakangiti niyang sabi saka umayos ng upo. "I still remember Bea." mahina niyang sabi pero nadinig ko.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang hawak hawak ko ang tasa ng kape.
"Malapit nang mag sunrise -- mas magandang tingnan yun." ngiti niyang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanficLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear