PAG IBIG NA KAYA?

4.8K 113 9
                                    

Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama,
Ito ba ang simula?

Bea POV

"Matagal tagal na rin nung huli kang pinagtimpla ng kape ni Maam Jho ah." Agad na bungad sa akin ni Maddie ng makapasok  siya dito sa kusina.

Binalik ko ulit ang tuon sa tinitimpla kong kape.

"Hmm... ilang araw na ba?" Huminto pa siya sa tabi ko at nag gesture pa siya na parang nag-iisip. "Ah! 15days na pala. Tama ba computation ko?" Sabay kuha ng tasa niya para magtimpla ng kanya.

"Mas bagay na ako ang mag titimpla ng kape para sa kanya. " Ang tanging sagot ko nalang.

"Wosho... LQ kayo no?" Tukso naman niya.

"Pinagsasabi mo diyan? Boss natin siya at hindi pwede yang iniisip mo." Pambabara ko naman sa sinabi niya.

"Ang hirap kasi sayo ayaw mong maniwala na may gusto nga si Maam Jho."

Hindi naman ako manhid para hindi ko mahalata yun. Natutuwa nga ako sa mga ginagawa niya nung nakaraan.

Kahit nga busog ako ay kinakain ko pa din yung sandwich na iniiwan niya sa desk ko at iniinom ko yung tinitimpla niyang kape.

But when it all started na parang naiilang na ako sa kanya?

Ah! I remember.

Flashback:

"You can come in." Agad ko namang sabi sa babaeng halos ipangalandakan ang kalakihan ng kanyang dibdib.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay tumayo siya at malanding naglakad papunta sa opisina ni Jho. Nahagip pa ng mata ko ang pag irap nito.

Buti nga nakapagtimpi pa ako kundi titirisin ko talaga tong surot na to. Ngunit bago pa man siya pumasok ay lumingon muna ito sa akin.

"Can you bring me a fresh juice in her office?" Malanding pahabol nito sa akin.

At aba! Yung bruha inutusan pa ako.

Para naman matapos na to ay tumango lang ako sa kanya and I headed to the kitchen.

Nagulat nga ako kanina nung bigla siyang bumungad sa harapan ko at nag demand na kakausapin niya si Jho at nagpakilala pang ex-girlfriend daw siya nito.

Eh paki ko?

Pero nagulat talaga ako dun. Medyo napatulala pa nga ako nung sinabi niya yun. Hindi naman bago sa akin na babae ang gusto ng boss ko pero ganito pala yung mga tipo niya? O baka naman kulang sa untog si Jho dati kaya niya to pinatulan.

Excuse me? Mas sexy at mas maganda pa din ako idagdag mo pa ang height ko kaya wala akong paki kung ex ka niya!

Pagtapos kong mag prepare ng juice para dun sa haliparot na yun ay pumunta na ako sa opisina para ibigay. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok pero agad akong tumalikod ng makita ko ang ginagawa nila.

End of flashback

"Oh? Natawa ka diyan?" untag sa akin ni Maddie. 

"Sa nakakatawa naman kasi yang ideyang pumapasok sa utak mo. Friendly lang boss natin Mads at di dapat lagyan ng meaning kung ano man ang mga sweet gestures niya." natatawa ko pa ding sabi habang piniprepare ko na sa lagayan yung kape ngayon ni Jho.

The time she told me na ganong timpla ng kape ang gusto niya ay sinunod ko nalang at imbes 8:30 ako pumapasok ay mas lalo ko pang inaagahan para maunahan ko na siya. 

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon