SMILE IN YOUR HEART

4.5K 107 8
                                    

You brighten my day and showin' me my direction,
You're coming to me and given me inspiration.
How can I ask for more from you, my dear.
Maybe just a smile in your heart.


Jho POV

Sa pagkaka-alam ko ayaw ko ng matamis. Ayoko ng cake, ayoko ng chocolate, I don't even like my coffee to be sweet. Dahil baka itapon ko lang to sa harap ng taong nag timpla mismo nito. 

Pero bakit ganito? Nung siya na ang nagtimpla, aaminin kong sobrang natamisan ako pero kinikilig ako the way her eyes laid on me. The way those innocent lips purse dahil mismo siya di niya alam kong nagustuhan ko ba o hindi.

Tumingin ako sa kanya kahit hindi na maipinta ang kanyang reaction. Gusto ko sanang matawa pero pinipigilan ko lang.

"Its sweet Bea." seryosko kong sabi at pilit kong itinago ang ngiting namumuo sa mga labi ko as I put my coffee mug down. 

Napayuko naman siya sa sinabi ko. Halatang parang nadismaya siya sa reaction ko.

"But I like it." bawi kong sabi na siyang ikina-angat naman niya ng tingin. Yung kaninang pagka dismaya na reaction ay napalitan naman ito ng ngiti sa labi.

Gosh, wag mo kong ngingitian ng ganyan! Parang nagwawala yung buo kong organs ng sumilay ang ngiti niya para akin. Nagmumukha tuloy akong teenager nito na kinikilig dahil ngumiti ang crush niya. Nakakaloka!

"Since when you like sweet coffee?" ang di makapaniwalang singit naman ni Jia na ka-facetime ko ngayon. 

"How many teaspoon sugar you put in here?" tanong ko naman kay Bea sabay simsim ulit ng kape ko ngayon. Ang tamis talaga... pero di ko naman magawang magreklamo o ayawan ang kape niya at saka ayoko munang sagutin yang tinatanong ni Jia sa akin. Disturbo lang siya sa diskarte ko sa babaeng nasa harap ko ngayon eh.

"Ahh eh... kutsarita pala?" napafacepalm pa siya bago tumingin ulit sa akin. "Tatlong kutsara po nilagay ko diyan Maam." guilty niyang sabi. 

Napatingin naman ako kay Jia na sobrang natatawa na sa screen. 

"Himala Bes, hindi mo binuga yang kape mo. Iba nagagawa ng Bea na yan sayo ha." tukso ni Jia sa akin.

Kaya pala ang tamis.

Napangiti tuloy akong isiping kung anong nagagawa dahil lang sa  paghanga ko kay Bea kasi tama si Jia, baka binuga ko na tong kape na nainom ko dahil sa sobrang tamis but I find her coffee giving me a new taste-bud which I like, no, which I love.

"It's okay, I love it... I mean, I like it." ulit ko namang sabi. "I like sweets naman eh. Ganitong timpla ang gusto ko." dagdag ko pang sabi dahilan para naman makatanggap  ako ng irap galing kay Jia.

"Sumi-simpleng landi Bes." dinig ko na namang kumento ni Jia kaya nag type ako sa kanya ng message.

"Tumahimik ka nga... naghahanap ako ng diskarte dito para ma-invite ko siyang mag-lunch." hit send.

"Sege ho Maam Jho, kung may kailangan pa po kayo nasa labas lang po ako." paalam naman ni Bea kaya agad naman akong tumayo para pigilan siya.

Hindi ko pa siya na iinvite for lunch.

"Teka sandali!" pigil kong alis sa kanya na siyang ikinatigil ng paghakbang niya.

"Magpabebe ka naman Jho kahit konti lang. Na-oobvious ka Teh." singit ulit ni Jia

Mas lalo pa akong humanga kay Bea ng makita ko yung suot niya ngayon. Typical office attire lang naman pero mas lalo siyang sumiksi sa suot niyang three fold white blouse na tinernohan niya ng mini skirt. Kahit siguro pambahay lang isuot niya lalabas pa din ang kasexyhan ni Bea.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon