Never thought that I
Would find it hard
To leave it all behind the times
We got to spend togetherBea POV
"Akalain mo yun Pards! He handed me the cheque ang kapalit layuan ko si Jho! Ang gago lang!" Pabulyaw kong sabi sa bestfriend ko na kasama kong umiinom ngayon.
"Tama na yan Pards, marami ka ng nainom." Awat niya sa akin.
Matapos ng pag uusap namin ng ama ni Jhoana ay agad kong tinawagan si Thirdy at nagpasama. Gusto ko munang ilayo ang sarili ko sa masikip na mundo namin ni Jho sa kompanya.
"Suuuus. Konti pa to no." pilit niya kasing inaagaw ang bote ng beer sa kamay ko. "Tsk, ano ba naman to Pards! ang kalat kalat ng kwarto mo!" reklamo ko sa kanya. Andito kasi kami sa bahay nila.
"Nagrereklamo ka pa diyan! Pitong bote na ng beer ang naubos mo oh! Mapapagalitan ako ni Tita niyan sayo eh." napakamot pa siya sa kanyang ulo at napapalatak.
"Relak! Im old enough Erp!" sabay tungga ko ulit sa boteng hawak ko ngayon.
"Anong erp pinagsasabi mo?" naguguluhan niyang sabi.
"Tsk! Ang slow mo naman! Erp! Pre yun! Preee!" At tumungga ulit.
Ang bigat lang talaga ng pakiramdam ko ngayon
"Ano ba talaga gusto mong mangyari?" Wala na ding magawa si Thirdy sa akin. Kung makulit pa sa makulit ako na yun kaya hinayaan na niya ako.
I smiled weakly at saka tumungga ulit.
"Ang kalimutan tong lahat Pards! Lahat!"
"Bea!" Tangka niyang pag agaw ulit pero mabilis ko yung iniwas.
"Pwede ba! Wag ka munang KJ jan! Ngayon lang to, saka di pa ako lasing no!"
"Di raw? E halos di mo na nga maubuka yang mata mo oh!"
"Ha?" At pilit kong idilat yun. "Oh ayan! Ayan! Nabuka ko na! Dilat na dilat na. Gising na gising na Pards! Kaloka!"
"Pagtapos niyan ha, iuuwi na kita sa inyo. At saka kanina pa to tumatawag si Jho." Inabot niya sakin ang cellphone ko. Tiningnan ko yun habang umiinom ng beer tapos ay nag burp.
"Sagutin mo! Ay! Wag! Wag mong sagutin, selos na selos yan sayo." Natatawa kong sabi. "Oo nga! Maniwala ka! Akin na nga yan!" Agaw ko na sa cellphone ko at nakuha ko naman yun. Tiningnan ko ang aking caller ID na may picture naming dalawa habang naka kiss siya sa cheeks ko. Natawa tuloy ako ng mapakla.
"Tss! Pag sinagot ko tong tawag na to baka pagalitan na naman siya ng Daddy niya! Yung Daddy niyang walang puso!" Tatawa tawa kong sabi at uminom ulit.
Napabuntong hininga na naman ako ng maalala ko ang nangyari kanina.
Nyemas naman! Ang hirap pala!
"Ang hirap palang magmahal Pards!" Sambit ko na parang naramdaman ko na na any minute now mag be break down na ako. "Ang hirap!"
Nakita kong napayuko siya at kumuha ng bote ng beer saka uminom. Dinig ko din ang pagbuntong hininga niya.
"Kaya ikaw! Hoy!" Bato ko sa kanya ng mani na pulutan namin. Agad din naman siyang napalingon sa gawi ko. "Ikaw! Wag na wag kang magmamahal na hindi natin ka estado sa buhay!" Tatawa tawa kong sabi. "Shaklap! Ganun lang halaga ko sa tatay niya! Grabe!" Sabay inom ulit beer.
Napatingin na naman ako sa aking cellphone ng tumawag ulit si Jho.
"Ayaw mo ba talagang sagutin yan?" Tanong ni Thirdy sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanfictionLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear