It's not easy letting go
Not when hearts are saying no.Jho POV
Sobrang gulo ng isipan ko kung bakit ito ginagawa ni Bea. Yung bigla bigla nalang siyang mag dedesisyon para sa amin.
Halos takasan na ako ng dugo ng mabasa ko ang resignation paper niya at isa pang papel na sinasabing pati ang relasyon namin ay pinutol na din niya.
Halos lumuhod na ako at nagmakaawa sa kanya kung bakit niya ginagawa ang mga ito pero mas magiging masakit pala pag galing sa kanya ang mga salitang hindi mo inaasahan na masasabi niya.
"That was I thought.." ang huling sinabi niya sa akin. Napasapo ako sa mukha ko habang nakaupo dito sa couch ng opisina ko. Iniyak ko lahat ng sama at sakit ng loob ko pati na rin ang frustration ko at pagod.
Nakakasama lang ng loob na yung taong inaasahan mong kasama mong lalaban ay bigla bigla ka nalang bibitawan.
Yakap yakap ko na ang aking tuhod at walang tigil ang pag agos ng luha ko.
Totoo bang minahal ako ni Bea? Ang tanging katanungan na namayani sa isipan ko. O baka nabigla lang siya o di kaya napilitan lang siya sa relasyon namin dahil sa makulit ako at hindi ko talaga siya tinigilan noon.
Kahit nasasaktan ako sa sagot niya kanina ay puno naman ng pag asa ang puso ko na baka ginawa lang niya yun dahil may rason.
May rason.
Ano naman yun?
Napatigil ako sa pag iyak at dahan dahang napa angat ang tingin ng biglang may naalala ako.
Agad kong kinuha ang resignation letter ni Bea. Inayos ng konti ang sarili saka nag martsa papunta sa opisina ni Daddy.
"Can we talk!" Agad kong demand sa kanya kahit may kausap pa siya sa telepono.
"Not now Jhoana!" Tanggi niya sa akin at tinalikuran niya ako.
"No! I need to talk to you!" Kinuha ko ang cellphone na hawak saka nilagay yun sa lamesa. Pabalang ko ding nilapag sa lamesa niya ang resignation ni Bea na may pirma niya.
"May kinalaman ka ba dito?" Tanong ko.
Napatingin siya sa papel na nasa lamesa.
"She's resigning and I approved it. Anong problema mo dun?" Walang emosyong sabi niya sa akin.
"That's not what I want to know. May kinalaman ka ba kung bakit nag resign siya bigla!" Yung inis ko ay unti unti ng umakyat sa ulo ko. Parang any minute now ay para na kong sasabog.
"Ano bang gusto mong palabasin Jhoana?"
"Dad!" Napapikit muna ako saka yumuko para pakalmahin ang sarili ko. "I asked you to spare her. Spare whatever I have with her pero bakit??! Ano bang sinabi mo sa kanya na bigla bigla nalang naging cold siya sa akin and eventually she enclosed this with a break up letter!"
Napatingin sa akin si Daddy saka tumayo. Naglakad siya sa may glass wall at napamulsa sabay ng buntong hininga.
"I told her everthing." Sabi niya sa akin. At ng madinig ko yun ay para akong nabingi. Parang namanhid ang buo kong katawan.
Everything?
Kaya pala iniiwasan ako ni Bea this past 3 days. Hindi ko siya matawagan, wala siyang reply sa mga messages ko. Hindi na din siya nag rereklamo kung hindi ko siya mapuntahan sa bahay nila o di kaya ang ma imbitahan sa lunch break. Ni hindi na nga siya kusang papasok sa opisina ko para ipagtimpla ako ng kape which is nakasanayan ko na sana.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanficLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear