YOU TO ME ARE EVERYTHING

5.3K 111 13
                                    

So, now you've got the best of me.
Come on and take the rest of me, oh baby.

Jho POV

Alam niyo yung pakiramdam na yung pinangarap mong mangyari ay sa wakas naabot mo na? Naramdaman mo na? Na ayaw mo ng pakawalan pa. Yung gustong-gusto mo lang titigan dahil kahit anong gawin niya napapangiti ka pa rin.

That's what I feel when I woke up this morning na yung maamo niyang mukha ang nabungaran ko pagdilat ng mata ko. She's an angel.

Halos mag dikit na nga mukha namin dahil sa lapit. Naka hug siya sa akin habang yung ulo ko naman naka unan sa kanyang braso.

In love ka na Jho. Tuya ng isipan ko na siyang ikinangiti ko naman.

I lightly poke her nose at bahagya lang kumunot yung noo niya. Napangiti tuloy ako kasi para siyang baby.

Well, she will be my baby, soon. I giggle at my thought. Pinadaan ko ang hintuturo kong kamay sa kanyang makinis na pisngi papunta sa kanyang noo.

Naalala ko kagabi yung sinabi niyang gusto niya din ako. Walang pagsidlang tuwa ang nararamdaman ko that time but I remain calm. Ayoko din namang ipahalata sa kanya kung gaano ko siya gustong mayakap nung oras na yun at kahit wag na niya akong bitawan ngayon.

Okay na okay sa akin. 😂

Gumalaw siya ng kaunti at mas niyakap pa niya ako kaya naman napalapit na ako sa kanyang mukha. Ramdam ko na ang kanyang hininga at ang mahina niyang hilik.

She's a heavy sleeper, I guess kasi hindi man lang niya namalayan ang pagdaan ng hintuturo ko sa kanyang pisngi.

Napatitig ako sa kanyang labi na pantay na sa aking mata. Gusto kong hawakan yun. Gusto kong...

Bumababa ang aking kamay sa kanyang labi at ngayon ang aking hinlalaki naman ang humawak dun. Dahan-dahan na parang dinadama ang lambot ng kanyang mapupulang labi.

Pero unti unti itong nag form ng smile kaya naman napataas ako ng tingin only to find out na gising na pala siya.

Mas lalong sumingkit ang kanyang mata pag bagong gising.

"Did I wake you up?" Tanong ko but she still wearing her smile.

"Di naman" in her groggy voice which I find it super sexy. She hugged me again at napasubsob na ako sa leeg niya mismo.

"Maam Jho,pwede ba akong mag absent ngayon?" Paalam niya.

Natutukso na talaga akong halikan yung leeg niya but im really, as in really trying my best na pigilan tong nararamdaman ko ngayon. I smiled dahil nga nagpa-alam na siya sa akin.

"Nagpa-alam na ako personally ha." habol pa niyang sabi.

"It's okay. Samahan kita for the whole day, nagpafile na ako ng leave sa 'ting dalawa kay Sarah." tugon ko sa kanya habang mas sinisiksik ko pa ang sarili ko sa kanyang katawan. 

Gumalaw siya at bahagya niya akong tinulak para makita niya ako. Nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit pati ikaw?" naguguluhan niyang tanong. "Jho, you don't have to --"

I place my point finger on her lips for her to shut up.

"Shh hush shh!" childish kong sabi sa kanya. "Basta samahan kita. Wala ng pero-pero" at yumakap ulit sa kanya. 

Bakit ba? Ang bango niya eh. 

"Okay. But we need to get up na. Teka, asan ba cellphone ko? Baka tumawag na si Third o kaya nag text na yun." bahagya siyang umangat saka pilit niyang inabot ang kanyang cellphone sa may table na nasa banda ko. Kaya naman sa pagpupumilit niya ay napaangat na siya ng tuluyan at nakadagan na siya sa akin. 

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon