RANDOMANTIC

5.9K 114 18
                                    

I just wanna do simple random things to say,
I love you.

Jho POV

Naging okay naman ang paglabas ni Tita Rosa sa hospital. Ako na mismo ang naghatid sa kanya sa bahay at nagpalipas pa ako ng mga ilang oras dun bago pinagtulakan ni Bea na umuwi na ako.

Yes. Feeling ko para niya akong tinataboy. Ayaw niya ba akong makasama? 

"Sus! Yan na naman yang pagpapacute mo eh." 

Effective! Lihim akong natatawa sa kanya dahil napakamot pa talaga siya ng kilay at nagpasuklay pa sa kanyang buhok.

"You need to rest, Jho but that doesnt mean na ayoko ng kasama ka." 

Andito na kami sa labas ng bahay at nasa tapat na ako ng kotse ko. Tumalikod nalang ako at akmang aabutin ko nalang ang pintuan ng kotse pero natigilan ako ng mag back hug sa akin si Bea.

My gosh! Di ako prepared dito ah! Pa bigla bigla naman tong si Bea sa gagawin niya!

"I don't want you to go na may tampo sa akin." malambing niyang sabi na mas isiniksik pa niya yung mukha niya sa leeg ko. 

Napapangiti tuloy ako sa ginawa niya.

"Kinilig ka ba niyan?"tukso niya sa akin at naramdaman ko pang ngumiti siya. Tinapik ko siya ng mahina sa kanyang kamay na nakapulot sa aking tiyan.

"Ikaw ha... pinag tri-tripan mo talaga ako."

"Hindi ah!" agad niyang tanggi. Pinaharap niya ako at nilagay nya ang mga kamay ko sa kanyang batok samantala yung mga kamay naman niya sa likuran ko na. "Ba't naman kita pag ti-tripan?"

Ngumiti ako at pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko nalang ang pag init ng aking pisngi kaya naman nag baba muna ako ng tingin bago umangat ulit.

"Naninibago lang kasi ako sa pagiging sweet mo." 

"Sweet naman talaga ako eh. Gusto mo ba malaman kung ano pang sweetness ang tinatago ko?" at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa akin habang hindi pa din nawawala yung ngiti ko. 

"Alam mo napapatanong na ako ngayon kung ano ba tayo?" 

Huminto siya saglit at mataman akong tiningnan. Then she kissed me in my forehead. Saglit na nakalapat yung lips niya sa noo ko at unti-unting ngumiti. 

"Hmm... we're friends." ngiti niyang sabi sa akin. "Friends with feelings?" dugtong agad niya.

Natawa nalang ako sa kanyang sagot at mahinang hinampas sa kanyang braso. 

"Loko.. sege na, alis na ako. Baka magbago pa isip ko at dito ulit ako matulog." naramdaman ko namang unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Bea sa aking bewang. 

"Ingat ka ha... text mo ko pag nasa inyo ka na." 

"Opo. Bye." I wave at her ng makapasok na ako sa kotse at pagtapos ay nagdrive na ako pauwi. Since malapit ng mag midnight ay wala ng gaanong traffic pabalik sa condo ko kaya ilang minuto lang ay nakarating na ako.

Nasa elevator pa lang ako ay tinext ko na si Bea tapos ay nag goodnight na rin. Alam kong pagod din yun sa pag aasikaso kay Tita Rosa kanina kaya hindi ko nalang didisturbuhin sa text. 

Pagkabukas ko ng pintuan sa condo ay madilim ito kaya in-on ko ang ilaw at halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan nang mabungaran ko si Jia na nakaupo sa sofa at nakahalukipkip pa isama mo pang naka de kwatro pa siya. 

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon