MY ONE AND ONLY YOU

4.2K 102 21
                                    

I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only
One and only you.

Bea POV

Tuloy tuloy lang akong pumasok sa condo ngayon ni Maki habang ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa akin.

Actually, ako ang nagpatawag sa kanila ng meet up at napagkasunduan na sa condo ni Maki kami magkikita.

Pumunta agad ako sa kusina at naghanap ng maiinom. Nakita kong may can ng beer sa ref kaya kinuha ko yun at lumagok.

Tiningnan ko silang tatlo na tulala pa rin hanggang ngayon saka inangat ang can of beer at ngumiti ng bahagya.

"Can we order more of this?"

Nakita ko pang nagkatinginan silang tatlo kaya sinirado ko nalang yung ref saka lumapit sa kanila at naupo sa bakanteng couch.

"Are you guys not gonna talk?" Sabi ko sabay tungga ng beer.

"Anong problema mo?"

"Ano ba yang ginagawa mo?"

"Ikaw lang mag isang pumunta?wheres jho?"

"My God Bea, hindi ko alam kung anong trip mo ngayon!"

"T-Tekaa! Wait! Stop!!!" Inangat ko ang dalawang kamay ko for them to stop.

Grabe naman! Sabay sabay pa talaga?

"Gosh! Pwede isa isa lang??" Sabi ko saka ko binawi yung kamay ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Jia.

Para akong nasa interrogation room ngayon. Sila ang mga interrogator ko at ako ang nasa harapan at naiimagine ko pa ang ilaw na nasa ulo ko.

"Gusto ko lang kayong makasama -- madami ka bang stock na ganito Maks?" Turo ko sa beer na hawak ko.

"Asan ba si Jho? Hindi mo ata siya kasama ngayon?" Tanong ulit ni Jia. 

Nakita ko namang tumayo si Maki at pumuntang kusina. Siguro kukuha din yun nang beer at mag re-restock sa ref.

Alam kong may stock siyang beer para sa mga ganitong okasyon. Yung may bigla lang pupunta dito at magyayaya sa kanya. Instead na lalabas at maghahanap ng bar ay dito nalang, actually most of it, ako lang naman o si Maddie ang mag ca-crash sa place niya. Count out na si Jia dahil may pamilya na - buti nga nandito yan ngayon eh.

"She's at home." Tipid kong sabi.

"Oh no! Nag away na naman ba kayo?" Tanong ni Maki nang makabalik na at hawak ang tatlong boteng Flavored Beer at binigay kina Jia at Maki.

Umiling lang ako saka uminom ulit sa can beer na hawak ko. 

"Hindi naman pala -- bakit may pa ganito ka pa ngayon?" tanong ni Maddie habang relax ding naka upo sa harap ko. Tumabi din sa kanya si Maki at napatingin sa akin.

Umiling ulit ako saka tumingin sa may veranda bago bumuntong-hininga.

"Come on Bey! You can share it with us."

Sa totoo lang, hindi naman kasi ako ganito sa kanila kahit na may problema kami ni Jho. Mostly kay Maki lang ako mag rereklamo pag tinotopak yung asawa ko but this time ibang usapan na kasi and I really don't know what to do at kailangan ko mga advices nila to enlighten me. 

"Um -- I-i already told you about our -- you know -- that Jho will undergo IVF procedure, right?"

"Yeah! And you said pumayag na si Loel." Maki blurted out. 

"Bakit may problema ba don?" takang tanong ni Maddie.

"Oo nga -- masaya pa nga kayo nung binalita niyo sa amin yan last week." singit ni Jia.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon