MIDDLE

3.8K 98 36
                                    

I'll promise to build a new world for us two
With you in the middle.

Bea POV

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Beatriz?" Sabi sa akin ni Jia habang pilit niyang pinapasakay sa likod ko ang walang malay na si Jho.

"Yep! Bilisan mo na kasi." Utos ko sa kanya habang nag hihintay na nakayuko.

"Eh kung tulungan mo nalang kaya ako! Ang bigat bigat ni Jho!" Reklamo na ni Jia sa akin.

Napapalatak naman ako dahil namamanhid na yung tuhod ko sa kakayuko. Bago ko pa siya nalingon ay sabay kaming napatingin ni Jia sa pintuan ng bumukas ito.

"Maddie!!" Sabay naming sambit ni Jia. Nanlaki ang kanyang mata ng makita niya ang sitwasyon namin at saka sa walang malay na pilit tinatayo ni Jia.

"Anong nangyayari dito?" Tanong niya habang papalapit sa amin.

"Pwede pakitulungan mo muna si Jia." Utos ko sa kanya pero naguguluhan pa din siya sa mga nangyayari. Nagpalinga linga pa siya sa buong paligid na parang nagmamasid.

"Mads! Help!" Sigaw ni Jia sa kanya. Bumalik naman siya sa ulirat at mabilis na lumapit sa kanya si Maddie at tinulungan ito.

"Napano ba kasi ito?" Tanong ni Maddie.

"I'll explain it later Mads, for now pakitulungan mo na masakay si Jho sa likod ko."

"What?? Bakit? Ano gagawin mo sa kanya?"

Minsan din ang kulit nitong babaeng to. Mana din yata to kay Jho!

"Explain ko nga kasi later. Sege na, isampa niyo na."

Ilang sandali pa ay successful din ang ginawa namin. Habang naglalakad kami papunta sa kotse ko sa parking area ay naka sunod lang sa akin ang dalawa.

Buti nalang wala ang mag ama ni Jia. Nasa family ito ni Miguel ngayon kaya naman libre ko siyang isama.

Nagtulungan din kaming tatlo sa pagsakay kay Jho sa sasakyan ko.

Grabe! Ilang kilo na ba to? Ang bigat naman yata!

---------

"Kaya naman pala may pasa to!" ang reaksiyon agad ni Maddie habang nililingon niya si Jho na tulog pa din sa lap ni Jia.

Along the way kasi ay kinuwento sa amin  ni Jia ang totoong nangyari kay Jho. Kagabi pa pala ito tumawag sa kanya at kaninang umaga nga ay pumunta si Jho kila Jia para sa kanya magsumbong. Pahirapan pa nga daw na itago kila Lovelle at Daddy niya ang mga pasa na natamo niya kay Miko.

Napasinghap nalang ako sa sinabi ni Jia.

"Gago talaga yung taong yun!" Komento ni Maddie. "Sarap niyang tirisin! Kala mo kung sinong gwapo!"

Hindi na ako kumibo at panaka-naka ko lang tinitingnan si Jho sa front mirror. Hinahaplos ni Jia ang buhok nito habang nakatingin lang siya sa bintana at napapabuntong hininga.

"Saan ba tayo pupunta Beatriz?" tanong ni Jia sa akin.

"Pupuntahan muna natin ang Daddy ni Jho, magpapa alam muna ako."

"Ha?" sabay nilang tanong sa akin.

Natigilan ako sa dalawa. Grabe naman maka react.

"O bakit?"

"Di ko alam close na kayo ng Dad ni Jho?" Sabi ni Jia.

"Oo nga -- eh diba nga --"

"Matagal na yun Mads" putol ko sa sasabihin ni Maddie sa akin. "Tapos na yun." Dagdag ko pa.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon